Unang Kabanata

0 0 0
                                    

Habang nakatanaw sa tanawin sa labas ng pampasaherong bus na kinalululanan ni Alana hindi niya mapigilang mamangha na halos walang pinagbago ang lugar na kinalakhan niya. Marami mang mga bagong establisyemento na bago sa paningin niya ay di parin niya makakalimutan ang bayan ng San Ildefonso.

Nang tumigil ang bus sa terminal ay hindi muna gumalaw si Alana sa kanyang kinauupuan at hinintay na makababa ang lahat ng pasahero na halos magtulakan upang makababa. Ng maubos ang tao sa loob ng bus ay kinuha na niya ang kanyang mga gamit at bumaba na ng bus. Ng makababa ng bus ay nagpalinga-linga siya upang maghanap ng tricycle.

"Maam centro po?" tanong ng tricycle driver.

"Manong sa may Adviento po."

"Sige capacity na lang maam malayo din kasi yung sa inyo maam."

Napatango na lang ako habang nakakunot ang noo sa sinabi ng driver. Pati pala sa probinsya may ganitong nangyayari. Napailing na lang ako habang sumasakay sa tricycle. Habang nasa biyahe ay walang tigil sa pagtatanong ang driver. Masyadong atang palakaibigan itong si manong.

"Saan ka nakatira sa Adviento? Doon nakatira yung mga pinakamayamang pamilya sa San Ildefonso ah."

"Yung village malapit sa Adviento Elementary School po. Sa mga Martinez po."

"Oh? Ikaw ba yung pamangkin ni Sabel Martinez?"

"Ah opo. Tiyahin ko po siya." kiming ngumiti ako sa kanya ng tumingin siya sa akin sandali.

"Ikaw ba yung panganay ni Sandro? Aba ang laki mo na ah. Matagal-tagal din kayong di nakadalaw sa tiyahin mo ah? Tuwing pista kasi palaging mag-isa si Sabel na nakikimisa o di kaya ay kasama naman niya yung mga kaibigan niya pagnaimbitahan siyang mag-judge sa pageant."

"Type mo po ata si auntie Sabel manong ah." pabulong kong sabi habang umirap ng palihim sa driver na tuwang-tuwa sa pagkwekwento tungkol sa tiyahin ko.

"Manong dito napo ako." ani ko ng makita ko ang bahay ng tiyahin ko. Huminto naman siya sa tapat mismo ng bahay at bumababa na ako ng makapagbayad.

"Pasabi na lang sa tiyahin mo na kinakamusta ko siya. Sabihin mo si Densio yung classmate niya nung highschool." Sabay ngiti at nakita ko na wala pala yung tatlong upper teeth niya sa harap. Pagkatapos nun ay humarurot na siya ng makita niyang may pasahero sa kabilang kalsada. Ang lakas ng loob niyang utusan akong kamustahin yung tiyahin ko matapos niya akong singilin ng capacity kung nilibre sana ako sa pamasahe edi baka nasiyahan pa ako sa kanya.

Tiningnan ko ang bahay sa harap ko at nakita ko ang tiyahin ko na kakalabas lang ng bahay at mukhang magdidilig siya ng halaman.

"Auntie!" Tawag ko sa kanya habang papalapit ako sa bakuran naming. Napalingon naman siya sa direksyon ko at namilog ang bibig niya habang nakatingin sa akin.

"Alana? Akala ko ba sa makalawa ka pa dadating at sasabay ka kina papa mo?" sabi niya habang nagmamadali na lumapit sa akin. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya. Wala pa ring pinagbago si auntie parang di siya tumanda ng pitong taon. Nagmano naman ako sa kanya ng makalapit ako. Niyakap naman niya ako saglit at lumayo kaagad. Hinawakan niya ang mukha ko at naluluha na tinitigan ako.

"Naku ang saya-saya ko at nandito ka. May kasama na ako dito sa bahay, di na ako malulungkot."

"Maghanap kana kasi ng mapapangasawa auntie. Sa ganda mong yan marami ka paring mabibingwit na kalalakihan." Sabay tawa ko na sinagot naman niya ng kurot sa tagiliran. Napaaray naman ako sa ginawa niya pero tumatawa pa rin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The First Cut Is The DeepestWhere stories live. Discover now