Chapter 32: Too Late?

Start from the beginning
                                    

Nagpumiglas ako pero nakaramdam na rin ako ng hilo dahil parang may nilagay siya sa panyong ipinantakip sa mukha ko.Ilang sandali lang ay nilamon na ako ng kadiliman.

"A-ano bang ginawa mo dito?"kabadong tanong ko nang magkaroon uli ako ng malay.

Nakaupo siya sa upuan sa may paanan ko.

"Did you miss me babe?"nakakalokong ngiti niya.

"Tangina Clay!"

Mabilis akong tumayo para sana lumapit sakaniya at manlaban nang mabilis niya akong sikmuraan.Masakit.

Napaubo agad ako ng dugo habang sapo sapo ang tiyan ko.

May pinainom siya sa akin,dahil sa wala na akong lakas ay ininom ko na yon.Ang pagngisi niya ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.Wala na akong maalala pagtapos non.

Nagising ako dahil nananikit ang bandang tiyan ko.

Ilang minuto ay pumasok sila mama dito sa kwartong hindi pamilyar sa akin.Puro puti.

May iba't ibang makinang nakakabit sa akin.Nasa ospital ako?

"Are you okay?"tanging pag iling lang nagawa ko dahil nanakit talaga ang katawan ko.

"Sorry,but the child didn't make it"pandidiretso ng lalaking nakaputi na nasa may mid 40s ata nang pumasok ito sa kwartong tinutuluyan ko.

Napasinghap ang lahat,maging ako ay hindi alam ang sinasabi ng lalaking to.

"Child?!A-anong child?"my voice broke and I started crying with what he said.

"You're 4 weeks pregnant"the doctor said and handed me the a picture.

Kaya ba lagi nalang sumasama ang pakiramdam ko noong mga nakaraang linggo?

"Don ka nga!"pagtataboy ko kay Exton dahil nababahuan ako sa pabango niya.

Nagpalit ba siya ng pabango?

"Why?"nagtatakhang tanong niya pero sinimangutan ko lang siya.

"Nakakainis kasi!Bilhan mo nalang ako nung strawberry cake dapat cheese ang flavor ha"

"What? Strawberry cake pero cheese?Where will I get that?"

"Problema ko?"tinaasan ko lang siya ng kilay.

Huminga siya ng malalim bago tumayo.

"Fine, I'll get you one"

"Saan ka pupunta?"tanong ko nang maglalakad na siya palayo.

Ayaw na ba niya sa akin?Nasungitan ba siya sa akin?

"I will find that freaking strawberry cake with cheese flavor"sagot niya.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now