Paglago
Mahina, takot at minamaliit
Sisidlang nakatanim, pilit winaglit
Nakatayo ngunit hindi yumayabong
Dinadaanan, ayaw makasalubong
Isang halaman nawalan ng tiwala
Napagod at di na muling makawala
Dulot ng kahapon, malakas na unos
Parang tanikala, pilit ginagapos
Winaksi ang araw, nagtago sa dilim
Nalagas ang dahon, gawa ng patalim
Naging pataba, masakit na salita
Naging dilig ay ang mga luha sa mata
Muling sumusubok, sumilay sa araw
Ginamit ang nakaraan, ngiti'y natanaw
Luhang idinilig, bunga'y pagbabago
Sarili'y sagot, sa tunay na paglago
YOU ARE READING
Ikinubling Salita sa Tala
PoetryMga ikinubling tula at salita na naisipan kong ilikha, sinali ko sa mga kompetisyon at higit sa lahat , tula at salita ko sa aking mga tala.
