CHAPTER 33;

170 11 4
                                    


JEORGE P.O.V

Hindi ko akalaing ganyan kaganda ang boses ni Eli. Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi sapat ang salitang magaling para ilarawan siya sa kanyang ginagawa para humanga ang lahat sa kanya.

"Gosh ang ganda ng boses niya."

" oo nga... Diba siya yung laging pinag iinitan ni Airin?"

"Oo siya yun. In fairness in secure lang siya Kay Eli, lalo na ngayon."

"Ang sabi sakin ni Daisy mabait daw yan si Eli."

"Halata naman ehh." Rinig ko ang usapan ng mga babaeng nasa  likod namin. Hindi ko na sila pinansin at tutok na tutok na lang ako sa panonood.

Napuno ng maugong na palakpakan ang buong gymnasium hall Nang matapos ang performance ni Eli.

"One moreeee... One moreee." Napangiwi ako dahil sa malakas na pagsigaw ni Chester at Victor kaya gumaya rin ang iba sa ginawa ng dalawa. Tch!

d>>_<<b

"Thank you for your wonderful performance Miss." Ngumiti lang si Eli sa kanya. "Pwede ba naming malaman ang iyong pangalan?" Natahimik ang lahat dahil inaabangan ang sagot ni Eli.

"I'm Shaira Eli Aguas." Maikling sagot niya.

"Shitt ... Ang ganda niya tol."

"Pangalan pa lang sobrang ganda na."

"Pormahan ko kaya yan?"

"Unahan na lang tayo." Rinig Kong usapan ng mga lalaking nasa gilid ko. Napangisi na lang ako dahil baka palapit pa lang sila nadagit na ito ng iba.

"Gusto nyo pa bang marinig ang tinig ni Miss Aguas?" Nakakabinging sigaw ng EMCEE. "Yessss or yessss?" Umugong ang sigawan sa kagustuhang umawit ulit sa isang pagkakataon si Eli.

"Abangan natin mamaya." Natatawang aniya ng emcee. Bumalik na sa backstage si Eli.

"And now we will call on Mr. McKinley. Please come up on the stage sir."  Nasa harap lang namin ang pamilya ni Mr. McKinley tumayo ito at umakyat sa stage. Napalingon ako sa tatlong katabi ko at nakita silang seryusong nanonood kaya ibinalik na lang ang atensyon sa panonood.

"Good morning everyone... It's been a long time bago ulit ako nakapunta dito sa inyong paaralan." Natatawa nitong usal kaya tumawa naman ang iba. "Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon upang bumisita dito. Alam Kong hindi pababayaan ng dalawang magaling na Dean na itinalaga ko dito sa MIU at balang araw may isa sa kanila ang pagbibigyan ko ng MIU I mean hindi na ang pamilya ko ang magmamay ari nito. Kung baga donations ito dahil sa kanilang pagiging mahusay na Dean." Nagulat kami dahil sa anunsyo ni Mr. McKinley ibig sabihin Hindi na sila ang magmamay ari ng buong MIU. "But Hindi pa naman sa ngayon. And to all shareholders and stakeholders of MIU thank you so much. Wala na akong masabi pa Hahaha." Nagsipalakpakan naman kami ng matapos magsalita si Mr. McKinley. Inalalayan ito ng mga gwardya niya na parang isang kayaman ang pagpapahalaga nila sa kanilang amo.

"Thank you so much Chairman McKinley also sa ating mga panauhin maraming salamat sa inyong presensya. Nandito naman ang lahat mayroon akong mahalagang anunsyo." Nakangiting aniya ni Dean habang tahimik lang ang lahat at nag aabang ng anunsyo ni Dean.

"Naglabas na ng memorandum ang Science and Technology International School. Ayun dito sa ipinadalang memo para sa MIU magkakaroon ng Inter School Next month. Isinama na din nila ang Bridge game competition. Knowing us lagi tayong nananalo sa mga international bridge game competition. Kaya alam Kong kaya pa nating ipanalo ulit ito." Nagulat kami ng isinama na nila ang Bridge game. Ang Science and Technology International School or STIS ang laging ka kompetensya ng MIU at gaya ng MIU isa rin itong private school. Pero Hindi ko lang alam kung magagaling din ang player nila.

THE BRIDGE OF LOVETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang