Chúng tôi đã cập nhật Hướng dẫn Nội dung.
Hãy xem các hướng dẫn mới nhất để tiếp tục chia sẻ câu chuyện một cách an toàn.

PROLOGUE

79 1 0
                                        

Lumilibot sa loob ng campus si Natasha at tumitingim sa mga studyanteng napapadaan sa pathway at sa ibang parte ng Campus, tinitignan kung may mga sumusuway sa mga rules ng school na ito. Kasama niya ang iba pang officer na lumilibot para hindi siya mahirapan.

Si Natasha Montefalco ay isang SSG PRESIDENT ng HARRIS ACADEMY, mag iisang taon na siya sa pagiging presidente at ito na rin ang huling taon dahil graduating student na ito. Top 1 student, na ni walang makatalo sa batch nila dahil sa talino neto.

Nakita nila na may mga lalakeng nag kokompulan sa gilid ng old building, mga may kulay ang buhok, may hikaw sa tenga at naka rubber shoes pa. Dalidali nila itong pinuntahan para sabihan sila at ilalagay ito sa record ng mga studyanteng hindi sumusunod sa rules, nang makalapit sila ay saktong napatingin ang mga ito kila Natasha.

"Hello boys, I'm sorry to say na need niyong pumunta sa guidance office dahil hindi nanaman kayo sumusunod sa rules ng campus natin" inis na sabi ni Natasha dahil sila nanaman ang groupong araw araw ay nasa guidance office sa lageng pag suway sa rules.


"Eh ano naman sayo aa Ms.President?? Wala ka na bang ibang nakikita kundi kami lang? Tsk" pilosopong sabi ng isa skanila na mukhang manok dahil sa itsyura neto.


"Kung ako sainyo ay pumunta na kayo sa guidance office kung ayaw niyong si Principal pa ang magsabi sainyo nyan" pagbabantang sabi ng kasama ni Natasha na si Lovely

Lovely Santos, ang aking kanang kamay. Ang Vice President


"Oo na, masusunod Ms. President! At salamat Nerd aa, Hindi mo kelangan sabihin pa yan samin" boring na sabi pa nung leader leaderan nila.


Hindi nagtagal ay sumunod na sila papuntang guidance, pero hindi pa dun natatapos ang pag sita ni Natasha ng may makita siyang mga kababaihan na sobrang ikli ng skirt nila. Agad din naman niyang pinuntahan ito at sinabihan din niya pero wala siyang narinig sa mga ito at inirapan lamang siya at sumunod na rin sakanya, ayaw ng mga babaeng ito kay Natasha dahil sa kanyang ganda at kaputian na ikina iinggit ng lahat ng mga babae sa campus dahil natawagan din itong Campus Crush. Hindi na lamang pinansin ni Natasha ang mga ito dahil wala din siyang pakialam sa mga sasabihin ng iba skanya, nang nasa hallway na siya kung nasan papuntang guidance office ay napatigil ito ng may napansin sa itaas ng puno.

Isang lalake ang naka higa sa sangay ng puno at walang pakialam sa mundo, may hikaw sa tenga at hindi maayos ang kanyang pulo dahil hindi ito naka buttones sakanya na mas pinainit lalo ng ulo ni Natasha dahil siya ang kinaiinisan niya sa lahat.

Siya si Ace Harris, ang lalaking kinaiinisan niya. At ang lalakeng sa huli ay ang mag papa tibok ng puso niya.

**************

Miss President Meets the Bad BoyNhững tác phẩm khiến độc giả say mê. Hãy khám phá bây giờ