PROLOGUE

2 0 0
                                        

"Ate Kool! Ate Kool!"

Tinakluban ko ang mukha ko ng unan ng marinig ko ang matinis at yabag na papalapit na bata. I'm still sleepy dahil tinapos ko ng isang gabi ang kdramang pinanonood ko.

Lupit ko di ba?

Ngunit tila hindi iyon alam ng batang ito.

"Ate Kool, gising na! Tirik na ang araw pero nakahiga ka pa dyan."

Seriously i don't know if this little girl is still a little. Sa pananalita at kilos ay para ng matanda eh. Mas matanda pang kumilos at magsalita sa 'kin.

"Hmmm. Inaantok pa ako Jelly."

Saad ko sa napapaos na boses. Antok na antok pa ako, mag aalas singko na ng umaga ng matapos ko ang kdramang 'While you were Sleeping'.

Speaking of kdrama marami rami pa ang nasa listahan ko. Hayaan nyo at matatapos ko din iyon. Kapit lang fighting!

"Subalit, parating na si Superior. Kapag nakita ka nyang nakahilata pa d'yan ay tiyak akong makakatikim ka."

See?

Meet Jelly. Sa edad nyang sampu ay dinaig niya pa sa pag sasalita si Bossing. I don't know simula ng mapunta dito yan 3 years ago ay ganyan na mag salita ang batang yan.

Napasabunot ako sa ulo ko ng ma realized na tama nga ang sinabi nya. Araw ngayon ng sabado at ngayon mag eenspect si Superior. If you are wandering who the hell is superior, wait and see.

Matapos ayusin ang kama hingaan ko ay dumeretso na ako sa banyo para makaligo. I wore my usual outfit. A pare of pale blue pj.

I glanced at the mirror and I notice that my shouldered lenght hair. Napagtanto na mabilis na umaandar ang oras, ngunit sa akin ay tila huminto.

Mabuti at wala na sa kwarto ko si Jelly siguro ay lumabas at nag laro.

Maayos na nakasalansan ang mga litrato namin. We all wearing our greatest smile, i can't help to remember those happy days.

"Hoy! Itaas taas nyo pa. Hindi pantay! Yan yan kaliwa, baba pa ng konti oh perfect!".

Namumukod tawi ang boses ni Tammy sa loob ng classroom. Suot suot ang pulang palda at puting blouse, and her signature glasses.

I miss wearing school uniform.

Abala ang lahat sa pag dedecorate ng classroom. Nalalapit na kasi ang kapaskuhan. Gusto ni Tammy na mag kambit ng christmas decor sa room. Para maiba naman daw.

And because she is the class president at kung sino man ang tumutol sa kanya ay makakatikim. Mabubungangaan ka lang naman.

"Bakit hindi ikaw ang gumawa? Lakas mong mag mando ha!"

Reklamo ng isang nag bubuhat ng giant christmas tree. At mukhang hindi nagustuhan ni Tammy ang narinig.

Masama niyang tinitigan ang pahangas, tila naramdam iyon ng buong klase dahil napatigil sila sa kanilang mga ginagawa.

May ilang beses na napalunok ang malas. Nananatili namang walang kibo si Pres. Isa lang ang mangyayari nito.

"TUMAKBO KA NA! DEXTER!"

Kumaripas ng takbo at agad nan siyang hinabol ni Tammy, napailing na lang ang bise presidente na si Martin.

The whole class laughed, i sigh and secretly glanced at them. Nilabas ko ang cellphone at palihim na kumuha ng mga litrato.

"Mukhang masaya ka?"

Nawala ng parang bula ang ngiti sa aking labi. Binalik ko sa dating puwesto ang litrato bago lumingon sa pinang galingan ng tinig na iyon.

Agaw pansin ang kanyang puting uniporme, hawak ang isang tray na nag lalaman ng iba't ibang klase ng gamot.

"Good morning, Mother Superior."

Binaba niya ang tray sa lamesa na nasa gilid ng kama ko. Kung titigan ng mabuti ang kanyang wangis ay may pag kakahawig talaga sila.

"Ikaw bata ka. Ilang beses ko bang dapat sabihin na Aunt Helga ang itawag mo sa 'kin?"

Di ko mapigilang mapangiti sa sinabi nya. Marahan niyang inilapag sa mesa ang dalang tray.

"Pero Su- este Auntie Helga bakit ba ayaw niyong tawagin kitang Superior? "

Naupo siya sa kama bago sagutin ang katanungan ko. Nanatili akong nakatayo sa tapat ng bintana ng aking kuwarto.

Minsan na ding sumagi sa isipan ko kung bakit nga ba ayaw niyang tawagan ko siyang Superior. 

Si Auntie Helga ang head nurse dito sa hospital,  siya ang nagsisilbing guardian ko simula ng mag hiwalay ang mga parents ko.

Because of her I felt the loved of the mother.  Inilagan at minahal,  na hindi kailanman nagawa ng tunay kong ina.

"Dahil iyan ang tawag sa 'kin ng mga pasyente ko,  ayokong naririnig mula sa 'yo ang salitang 'yan. "

Ramdam ko ang sakit sa bawat bigkas niya ng salita,  I fake a smile and turn to her,  ang kanyang puting uniporme ay pumapantay sa kulay ng kama ko na halos buong buhay kong kasama.

"Ngunit isa akong pasyente dito, Auntie."

At tila napigtal ang kanyang pag pipigil na hindi lumuha.  At ganoon din ako.  Hindi sa tungkol sa kalagayan ko. Pero ang katotohanang lumuluha ang taong mahalaga sa 'yo ay walang katumbas na sakit.

Kung kaya ko lang tanggalin ang lahat ng pag hihirap niya,  matagal ko nang ginawa.

"Tama na ang pag iyak,  Auntie. Sige ka papangit ka niyan! "

May halong pagbabanta ko. 

Umupo ako sa tabi niya at isinandal ang ulo sa balikat niya.  Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko. Gaya noong bata pa ako.

Matagal ko ng tanggap ang kapalaran ko,  at iniisa ay walang akong pinag sisihan. Maybe someday I will live longer, and I can't wait to see that day.

"Wala ka bang balak sabihin sa kanila? "

Diretso ang tingin ni Auntie sa isa pang larawan. Makikita ang saya sa kanilang mga mukha, larawan ng isang pag kakaibigan na nabuo kahit mag kakaiba.

I sighed before answering her, tulad ng sinabi ko. Wala akong pinagsisihan sa mga ginawa ko. Kahit pa ito. Mas maganda na hindi nila alam.

Alam kong hindi sang ayon si Auntie Helga sa desiyon ko.  Ganoon pa man ay suportado niya ako sa bawat gagawin ko.  At sapat na iyon upang lumaban.

Tatayo na sana ako upang kunin ang kahon na ihahabilin ko kay Auntie ng biglang mawalan ng lakas ang binti ko. Tila nabingi at huminto ang oras sa paligid ko. Ang lamig.

Nakita ko na lang ang sarili Kong muling nakahiga sa kama, may mga natatarantang tao sa paligid ko, at tunog ng isang makinang kinatatakutan ko.

May kung sino ang tumatawag sa pangalan ko, pero tila hinihigop ako ng kadiliman. Oras ko na ba?

And for the first time I got scared, hindi gaya noon na multo at magutom lang ang kinatatakutan ko.

Para akong kandila na tila nauupos.

Project SmileWhere stories live. Discover now