Chapter 1- First day in College

1 1 0
                                        


Kkrrriiinnngg!!! Kkkrrriinngg!!

Napabalikwas ako nang bangon sa higaan ko nang marinig ko ang alarm.
Papikit-pikit pa akong tumungo sa CR para umihi at maghilamos..

It was my first day in college. Excited na'kong pumasok kaya mabilis ang mga galaw ko sa pagligo ( 1 hour kasi ako maligo😁) . Pagkatapos ay nagbihis na rin ako nang skirt at tube (nagsuot ako nang blazer para 'di masyadong revealing 😅)

Bumaba na'ko sa dining para kumain nang agahan. 6:30 A.M palang naman. May 30 minutes pa'ko para kumain..

"Hi baby. Aga mo ahh" sabi ni mommy nang makita niya ko na papunta sa table habang naghahanda sya nang mga pagkain..

"Hi mom! Good morning..Yes mom! Excited na po kasi ako sa first day of being a college student" ngiting sagot ko kay mommy sabay kiss sa pisnge nya..

"Ohh well, it's good to hear that. Sige, upo kana at kumain." Tumango ako kay mommy at kumain nang favorite breakfast ko. ( Friedrice w/ hotdog and egg ) 😁😁
After 10 minutes, natapos na'kong kumain at nagpaalam na din kay mommy dahil kanina pa naghihintay sa labas si Mang Ben.

"Goodmorning ma'am kai."

"Goodmorning Mang Ben. Ilang beses ko po ba sasabihin na 'wag nyo na po akong tawaging ma'am. Kai nalang".. Ngiting sambit ko kay Mang Ben. Naiilang kasi ako kapag tinatawag nila akong ma'am. Feeling ko ang tanda-tanda ko na..😔
Napakamot naman si Mang Ben sa kaniyang ulo at ngiting binuksan ang pinto nang kotse..Pagdating sa university ay agad akong tumungo sa room nang first subject ko..
Hindi na'ko nahirapang hanapin ang room ko dahil naisend na ng school ang directions kaya madali lang para sakin ang hanapin ito..

Malaki ang university na pinasukan ko.. halos kasing laki nang Oxford University 'yun nga lang, medyo hindi kilala dahil nasa probinsya at konti lang din naman ang nakakapag-aral dito dahil mahal ang tuition fee..

Pagdating ko sa room ay wala pa ni isang student. Masyado yata akong naexcite. Ako pa lang ang tao rito (bulong ko sa sarili ko) .. Umupo ako sa 2nd row sa bandang kanan dahil bet ko laging nasa gilid nang bintana.. bukod kasi sa tanaw ang field ay masarap pa ang fresh air galing sa mga punong nakapalibot dito.. Aircon naman ang loob ng room pero wala pa namang students kaya i want to feel the fresh air.. Binuksan ko ng bahagya ang sliding window para makasagap ng hangin..

Wow! So this is college feels like.. ( saad ko sa sarili ko habang nakatanaw sa malawak na field) ..
5 minutes before class ay nagsidatingan narin ang ibang students sa room.. Business ad. Ang kinuha kong course dahil ako na raw ang magpapatakbo nang mga business namin kapag nakagraduate na'ko sabi ni mommy..
Marami kasing business ang pamilya nina mommy at daddy. There was also a big company ang grandfather ko sa father's side na telecommunications. It was in the 2nd top of telecommunication company sa buong Pilipinas.. At dahil don, my dad was staying in the City para ihandle ang company kasama si Dada (daddy nang daddy ko😊)..
And because we have a business here in the province, si mommy ang namahala at syempre, ayukong mawalay kay mommy kaya sumama ako rito. Sabi kasi ni dad na mas mabuti kong dito ako sa province mag-aral para mas makapag-focus ako.. syempre, mas natuwa naman ako.. makakahinga na'ko nang mabuti dahil wala nang mga toxic people sa paligid ko.. During my Senior High kasi, marami akong nakakaaway. Minsan because of business ( yung mga anak ng kakompetensya ng company) at minsan naman yung mga inggitera sa school.. puro pera lang kasi ang nagpapatakbo sa dati kong school.. If you have money, automatic na sasambahin ka pati ng head ng school.. hayst!! So stressful talaga ang buhay sa Maynila!.

I Burried it DeeplyWhere stories live. Discover now