Chapter 1

26 1 0
                                        

"Kathryn's POV"

Knock knock!!!

Urghh ang aga-aga may naninira na agad ng tulog ko!!!

"Kath si Nanay Olga mo ito gising kana anak may pasok ka pa."

Hays naman.

Wala na akong nagawa kundi ang bumangon sa higaan ko.

Kung hindi lang si Nay Olga ang gumising saken hindi ako para bumangon sa higaang toh!

"Opo Nay! Babangon na po ako!!!"

Narinig ko ang yabag niya papaalis sa labas ng kwarto ko kaya dali-dali ulit akong nahiga sa kama ko.

Hmmm... This.Is.Life!

Blagg!!!

"Ikaw talagang bata ka! Sabi ko bumangon kana pero nakahiga kana naman dyan sa kama mo! Hala bangon riyan!" Sabi ni Nay Olga sabay palo sa pwet ko.

"Nay tama na hahaha! Opo babangon na po ako!"

Pero patuloy parin akong kiniliti at pinalo ni Nay Olga kaya naman nagulo na ang higaan ko sa pagkukulitan naming dalawa.

"Ehem!"

Napatigil kami ni Nay Olga sa ginagawa namin at napatingin sa may pintuan ng kwarto ko.

Tumayo ng tuwid si Nay Olga at yumuko sa taong pumasok sa kwarto ko.

"Maam Karen pasensya na po ginigising ko lang po si Miss Kathryn." tinaasan lang siya ng kilay ng ina ko.

"Ako ang nagsimula kaya makalat ang higaan ko ngayon Karen!" malamig na tugon ko ng mapatingin siya saken.

Ayokong pagalitan na naman niya si Nay Olga dahil wala naman itong kasalanan sakanya.

Sinamaan niya ko ng tingin sabay baling kay Nay Olga.

"Lumabas kana, mag-uusap pa kami ng anak ko."

Yumuko lang si Nay Olga at magalang na nagpaalam samin.

"Nagagawa mong makipagkulitan sa isang hamak na katulong ngunit ang makipag-usap manlang sa sarili mong ina ay hindi mo magawa?! Huh you're unbelievable!!" asik niya saken.

Napatawa ako ng sarcastic at tiningnan siya ng masama.

"We've been like this for 5 years and yet hindi ka parin sanay mom?"

Biglang nalungkot ang mga mata niya at napaiwas ng tingin saken.

"Maligo kana malelate kana sa school." She calmly said and leave my room.

Tss panira ng araw.

Naligo na ako at nag ready na para pumasok sa school.


"James POV"

Nakaupo ako sa seat ko ng tahimik ng biglang may bumato saken ng water bottle.

Hays..

Hindi ko nalang pinansin ng makitang ang grupo nina Brandon ang may kasalanan nun, sanay na ako sakanila.

Sila ang mahilig mangbully saken dito sa classroom namin, sa kadahilanang nerd daw ako tss.

Masama bang mag-aral ng mabuti? Hindi naman diba? Kaya nga tayo nasa paaralan ay para mag-aral.

I got scared ng makitang papalapit na sakin sina Brandon siguradong yari na naman ako nito.

Antagal namang dumating ng adviser namin.

"Hoy James the nerdy boy! Pakopya naman kami ng homework mo!!!" Sabi ni Brandon sabay gulo ng buhok ko.

"Ahmm h--hindi p--pwede." Nauutal na sagot ko

Kumunot agad ang noo niya at kinuwelyuhan ako.

"Anong sabi mo??!!!!!!" Sigaw niya.

Napayuko nalang ako sa takot.

Ihinagis niya ko sa kung saan at sinipa sa tiyan.

"Bakla kaba ha nerd?!!! Bat hindi ka lumaban saken?!!!" Brandon.

Nagtawanan yung mga kaibigan niya.

"Pre nagtataka ka pa eh lampa yan sa tingin mo papatulan ka niyan? Hahaha" Kai.

"Ano magpapakopya kana ba nerd? Isa ka lang scholar kaya dapat matuto kang gumalang sa nakakataas sayo" Pang-aasar pa ni Kurt.

Umiling lang ako at yumuko ulit.

"Brandon hindi natatakot sayo itong nerd na ito. Bugbugin na natin." Kai.

Napangisi si Brandon at hinila ako sa kwelyo.

"Ang mga mahihirap na tulad mo ay dapat marunong lumugar!! Scholar ka lang dito kaya dapat kung anong sabihin ko sayo sinusunod mo!!!" Sigaw ni Brandon saken.

Sasapakin na sana niya ko pero...

Nagulat kami ng biglang lumagabag ang pinto at pumasok ang grupo ni Kathryn.

Nagsigawan ang mga kaklase ko dahil idol nila ang D.R or Demons Rage, yan ang grupo ng sikat na si Kathryn Bernardo.

"Shut up bitches!" Cold na sambit ni Kathryn.

Natahimik naman ang lahat dahil sa takot sakanya.

"Ang aga-aga Brandon pero naghahasik kana agad ng kagaguhan!" Kathryn.

Naramdaman ko ang panginginig ni Brandon dahil hawak niya parin ako sa kwelyo ko.

Sino ba naman ang hindi matatakot eh napakalamig ng boses ni Kathryn.

"Hindi mo ba alam na ako lang ang may karapatang mag-gago sa school na toh?"

Nagulat ako ng bigla akong binitawan ni Brandon at lumapit kay Kathryn para... lumuhod??

"Sorry Kath hindi ko sinasadya iyang nerd nayan kasi nangongopya lan-- arrghh!!!"

Shit!!!

Sinipa niya sa mukha si Brandon.

"Were not close so don't you dare call me Kath."

Yumuko si Brandon at paulit-ulit na humingi ng tawad kay Kathryn.

Pero tiningnan lang siya nito ng walang emosyon.

"Clean this mess." Utos ni Kathryn sa mga kabarkda niya.

Hinila nila si Brandon palabas ng classroom kahit nagmamakaawa na ito sakanila na huwag.

Nagbulungan ang mga kaklase namin at napayuko nalang sina Kurt sa takot na madamay pa sila.

Naglakad na si Kathryn papunta sa upuan niya at ng mapatapat siya sa harapan ko ay umimik ako na siyang ikinatigil niya.

"T-thank y-you."

Tiningnan niya ko ng walang emosyon, kinabahan naman agad ako.

"I didn't help you nerd." Kath

Napayuko nalang ako dahil sa hiya, at naupo sa sarili kong upuan.

Nagtatakang pumasok ang aming teacher dahil nakatayo ang iba naming classmates.

"Oh bakit ang tahimik niyo ata??" Sir Zamora.

Walang umimik kaya pinaupo nalang ni Sir ang buong klase at nagstart ng magturo.

Hays, siguradong yari ako bukas kina Brandon, nakabangga nila ang D.R dahil saken.

Napatingin naman ako kay Kathryn at nakita kong natutulog nalang siya, hays imbes na nag-aaral siya tinutulugan niya lang ang klase niya.

Hindi ko nalang siya tiningnan at nakinig nalang ako sa turo ng teacher namin.

I'm Into That Bad GirlStories to obsess over. Discover now