Binilisan ko na yung paglalakad papunta sa naiwan kong pwesto, ah! Wala nang pakialamanan kung may mabunggo! Basta didire-direcho ako >//<

(The next „foreign names? you?ll read is from my another story entitled „The Stereo Hearts?. You can read if you want ^_^ )

Nang maratng ko na yung pwesto ko, wow. Nakakastarstruck pala =_= lalo na si Indie. Sya yung Lead Guitarist ng Disconnection Notice. Kahit babae sya, ang galing nya magpaiyak ng gitara! Astig sya at ang ganda pa ;) Yung Drummer naman na si Yuuki, ang cute habang nagda-drums, halatang nagpapacute kung kanino e. siguro dun sa nililigawan nya. Si Mykko naman, sya yung Rhythm Guitars at Back-up vox. Ewan ko lang ah, pero ang lakas talaga ng dating nya saken. Di ko lang alam sa iba.. si Zell Summers? Isang malaking SHET! Biruin nyo halos abot kamay ko na sya?! Taena, ang gwapo e, sobra. Pakiramdam ko tuloy, magdadalaga ako ulit.

"Hoi Sami Adachi, wagas ka makatingin kay Zell Summers ah. May Sushi ka na." sabi saken ni Carrie habang kilig na kilig sya sa akbay ni Darylle.

"Ano ka ba, eh sa nakaka-starstruck sya e. Grabe, ikumpara ba naman si Sushi kay Zell Summers? Eh tinga lang sya neto e!"

"Ay ang sama!"

"HAHA Joke lang. Kahit ganun si Sushi, masarap yun humalik, parang nasa langit ka." Malandi po ako. Bow.

"Ha?"

"Wala ^_^"

***

Mga 9pm na natapos yung concert. Hindi lang kasi DN yung tumutugtog. May mga soloists, bands, choirs and orchestra din galing sa Conservatory of Music. Syempre dahil wala namang pasok bulas at sabado naman. Nagkayayaan kaming tatlo na magbar malapit sa Asters. Eighteen na ako, pwede na sa bar pero syempre di naman ako iinom ng marami. Lalo na?t hard drinks. Tamang Tanduay Ice at San Mig Lemon lang HOHO.

"Haha grabe ka naman Sami, alam mo namang magsisimula na ang concert, umihi ihi ka pa." sabi ni Carrie saken.

"Eh sa naiihi na ako =_= At least pagbalik ko sa pwesto ko, di pa tapos yung unang kanta ng Disconnection Notice."

"Yeah, whatever. . ha? Ano babe?.. Hihi, ikaw ah. You?re so naughty!" ay? May ganung pangyayari? Pabulong bulong si Darylle eh. Walang ibang linya kundi landiin si Carrie. Shet na shet!

Nagpatuloy na lang kami sa kwentuhan at kaunting inom tas mula sa party party na tugtog, naging sweet slow dance na, kaya halos lahat kumuha ng kanya-kanyang partner. Syempre as expected, sina Carrie at Darylle, mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo at sumayaw sa Dance Floor.

Wow ah. Ako lang ang walang partner. Ang saklap. Kung kelan naman bumalik na ako sa pagkababae, saka naman walang lumalapit saken para makipagsayaw.

"Miss excuse me. "

Paglingon ko, waw! Kung sinuswerte ka nga naman oh! Papayag ba ako makipagsayaw? Shet! Parang nahihiya ata ako >///< Ayokong ilabas ang dancing skills ko rito.

"Y-Yes? Ano „yun?"

"Ahmm.." gwapo yung lalake, mukhang taga-Asters kasi pamilyar yung mukha. "May iba ka bang kasama?"

WHAT THE PACKAGING TAPE!! O-oo ba ako o hindi?! "M-meron e. Sumasayaw nga lang. bakit?"

"Hihiramin ko lang sana itong stool e. Salamat na lang. " ay ganon? Sabay talikod?! Ni hindi man lang ako inayang sumayaw? Gagu to ah! Pag bumalik pa yan dito, tatadyakan ko na „yan! Tae sya!!

***

Natapos na yung inuman namin na ako yung lugi. Shet na Valentines to. Wala man lang date. Peste. Buti pa sina Carrie at Darylle e. haping-hapi. Eh ako? Eto, drunk and tired.

My Super BoyfriendWhere stories live. Discover now