"Happy Valentine?s Day Sami!"

"Happy Valentines, Carrie!"

Nagyakapan kaming dalawa tas nagbigayan ng chocolates, ganito kasi ang routine namen kahit nung mga High School pa lang kami, chocolates ang regalo namin sa isa?t isa. Nalimutan ko ngang bilhan si Sushi. Yaan mo na. bibilhan ko na lang sya mamaya bago umuwi.

"Grabe, ang bilis ng panahon ano? Parang kahapon, birthday mo lang Sami, tas ngayon Valentines na agad. " sabi ni Carrie saken. Naglakad-lakad lang kami sa mga corridors para tumingin sa mga booths at stalls.

"OO nga e, oh ano? May date k aba mamaya sa concert?"

"As usual, meron. Ang ever loyal kong boyfriend na si Darylle." Sabi nya with matching kinikilig pa. luka-luka tong si Carrie e, masyadong in love sa syota nyang nerd. Haha. Class Valedictorian namin yun nung High School tas sa pagkaalam ko, Pre-Med Student sya. "Eh ikaw? Kayo ni Sushi? Di ba kayo magde-date?"

Date? Plans? "Parang wala naman. Wala kaming napag-usapang dalawa."

"Baka naman may sorpresa sya sayo."

"Nyek. Yun pa? surprise? Eh di nga marunong magtago ng sikreto yun."

"Sus. Kung ako sayo, expect something from him. I think he?s kinda romantic."

"Romantic? Manyak kamo." Nagtawanan kaming dalawa tas bumili ng cotton candy. Ang saya lang kasi pag ganito. Chill chill lang at walang iniintinding grades.

Si Sushi kaya? May ginagawa sa bahay? Naghanap na kaya sya ng ibang ka-date? Aba. Subukan nya lang, ike-cremate ko sya ng

buhay.

***

[[Soccerfield]]

[[Valentines Concert]]

Ilang minuto na lang at magisisimula na ang Valentines Concert. Kainis naman kasi e. bat ngayon pa ako naihi. Kung kelan ang ganda na ng pwesto ko sa may bandang harapan kasama sina Carrie at Darylle saka pa sumigaw yung pantog ko. Tsk. Andami na tuloy tao dito. Mahihirapan na akong makisuod sa mga estudyante nito >///<

Syempre binilisan ko na lang dahil ayokong maabutan ang start ng program dito—"Good evening Aster School for the Arts!

Happy Valentine?s Day to all!" taena yan. Nanadya ata. Shit! Nagsimula na yung host! Kelangan ko nang maglakad ng mabilis.

Uyy. Teka lang! May nahagip yung mga mata ko sa may bandang tapat ng lamppost. (A/N: If you want to read the own story of this credited scene, just go to My Works section of my profile and click the story, "1 Message Received." Hope you like it :)) ) Ang sweet naman ng dalawang to. Valentines na Valentines nagyayakapan?! Pero ayos na rin to ah. Ito yung SC President ng Asters. Si Mallowine Preston. Ang swerte naman ng chicks nya. Halatang commoner lang din dito pero ang kayakap nya sikat na student dito sa school. Nainggit tuloy ako bigla =__= shet ang landi!

"Happy Valentines Asters! Let?s rock the night out!"

Pagtingin ko sa stage, nandun na ang Disconnection Notice at nagsalita na yung frontman nila na si Zell Summers >,<

Tutugtog na sila! Pakshet! Ang hilig ko kasi makiusyoso sa buhay ng may buhay e. yan tuloy, ang panget ng pwesto ko! Bwisit!

Arrgh!

Narinig kong nagsigawan na ang lahat dahil nagsimula ma tumugtog yung DN. Shet. Ang ganda na sana ng pwesto ko kung di ako umalis e! asar naman! Hay nako Sami, kung magmumukmok ka lang dyan at hindi gagalaw, walang mangyayari.

My Super BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon