Teka, siya lang ata ang taong nakangiting malaman na ipapapulis siya ah. Abnoy.

"Talaga Girlfriend? Thank you!!! Ipapapulis mo ba ako dahil ninakaw ko ang puso mo ha?! Waa. Ang sweet mo! Payakap naman." yayakapin niya sana ako pero tinulak ko yung mukha niya palayo saken. Pwe. Ang korni! Ano bang pinagsasabi nito? Kadiri! Mamanyakin pa ako e! Asar!

"Pwede ba mister, wala akong panahong makipag-power trip sayo dahil late na ako sa school! Sino ka nga ba talaga ha? Di kita kilala e! Nagkita na ba tayo?!"

"May short term memory loss ka na ba Girlfriend? Kaninang madaling araw lang tayo nagkakilala. Ako yung bakasyunistang instant Boyfriend mo. Do you remember na?"

Hindi ko alam kung ano yung reaction ng mukha ko sa sinabi niya. Ha?! Nagkakilala na kami kaninang madaling araw? Padalang instant boyfriend?

Teka, flashback nga Sami.

Kagabi, pumunta ako sa The Light. Uminom ako. Tapos tumawag tumawag saken si Auntie Elisse, sabi niya tao raw na makikitira sa apartment ko na anak raw ng katrabaho niya. Hmm. Ano nga bang sumunod na nangyari? Umuwi ako sa apartment. Pagpasok ko, may malaking box sa loob. Pagbukas ko--

"Gawa tayong baby, Girlfriend."

"Arrgh! Manyak! Ikaw nga! Layas dito! Natatandaan na kita! Ikaw yung nag-aya saken makipag-ano! Nakakadiri ka!"

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, basta ang alam ko eh sinipa ko siya, sinuntok, tinadyakan at hinampas ng hinampas.

"Aray naman Girlfriend! Aruuy! Aray ang saket! Di ka pa nga nasasarapan saken, ikaw na tong—aray naman! Aruuuy!"

"Ang bastos mo talaga! Kadiri! Sexual maniac! Lumayas ka sa harapan ko! Manyakis! Etong sayo! Ito pa! ayan! Magtanda ka!" anong klase bang lalake to at di pa ako tinatantanan? Nakita niya na ang itsura ng bahay ko, walang kanakaw-nakaw na gamit. Alam ko na ang mga ganitong style. Mga huthutero ng pera! Mga first class call boys! Dapat lang sa kanya ang mga sipa, tadyak, sapok at konyat na ginagawa ko sa kanya. Hala sige masaktan ka lang. Bagay yan sayo Bwahaha! Boyfriend pala huh?!

Nakarinig ako ng pito sa kung saan. "Ano 'yan?!"

Bigla akong natigil sa pangmomolestya sa kanya ng sipa at tadyak sa lalakeng manyakol na to kase may dumating na security guard. Tss. Epal!

"Ito? Eh kasi boss-" di ko na tinuloy yung sinasabi ko dahil tinakpan nung manyak yung bibig ko at niyakap ako mula sa likuran ko. Pakiramdam ko kinuryente ako ng 1 million volts dahil ito yung unang beses sa buong buhay ko na may dumikit saken na lalake kaya nakakaasiwa! Arrgh!

Maiba lang ako? Anong gagawin nito? Re-rape-in ba ko sa harapan mismo ng guard? Wag naman sana.

"Wala bossing. Nagkaroon lang kami ng kaunting LQ ng Babe ko hehe. Sabi ko sa kanya, ilabas niya lahat ng galit niya saken. Patawarin niya lang ako.." tinignan ko siya, pero nakatingin pa rin siya kay Manong Guard. Ang sarap niya kutusan! Pag nakikita ko siyang ngumingiti, naiirita ako e! kumukulo yung dugo ko! Nakakaasar!

"Di ako baboy." sabi ko.

"Aba! Babae ka na pala Sami! Hehe. Congrats! Ang papable ng boyfriend mo ah. Bagay kayo!" taenang yan. Pati si Manong Guard nauto sa acting ng manyak na to. Bwisit.

"Naging babae lang yan nung unang beses nya ako makita Manong Guard haha." Nakakaasar! Sagad! Ang bastos talaga ng lalakeng to!

"Maganda yan! Haha. O sya sige, ipagpatuloy nyo lang yan ha. Aalis na ako! Babayow lovers!!"

Asar! Magsusumbong na dapat ako e! Hinarang lang ako ng manyakis na to! Pagkaalis ni Manong Guard saka niya ako pinakawalan. Shet. Ilang Segundo ring hindi ako nakahinga ng maayos dahil sa ginawa niya kanina.

My Super BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon