Binasa ko at nag-umpisa na ding sumagot.. Salamat sa notes ni Acid at naalala ko pa ang binasa ko kanina dahil kong hindi baka yung napapanaginipan kong bagay ang sinagot ko dito..

Nagsipasahan na ng test papers ang iba at nangunguna ang dalawang impakto sa likod ko! Yabang.. sila na matalino..

Bumaling ako kay Acid na seryoso lang na nagsasagot sa test papers niya! Ito ba ang magpapakita ng answer eh sobrang seryoso niyang magbasa..

Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya nilingon niya ako..

"May sagot ka na?" nag-aalala niyang tanong.. Naalala niya siguro ang sinabi niya kahapon..

Tumango lang ako sa kanya at pinakita ang papel kong malapit ko nang matapos sagutan..

Buti na lang nagbasa din ako kung hindi! Nganga ako ngayon..

Nagpatuloy na siya sa pagsagot at sabay din kaming natapos kaya sabay na din kaming tumayo at nagpass ng test paper namin..

Napalingon ako sa ibang kaklase naming nagsasagot pa! Ang creepy talaga nila.. Halos kasi hindi na sila tumingala dahil seryoso silang sumasagot sa test papers nila..

Napangiwi akong bumalik sa upuan ko. Ayaw ko dito sa section-A.. Masyadong seryoso ang pag-aaral nila.. gusto ko chill lang.

Hinarap ko naman si Acid at kinausap..

"Bakit ang seryoso ng mga tao dito?" taka kong tanong sa kanya..

"Masanay ka na. Ganito talaga kami dito.. Kelangan kasing pangalagaan namin ang mga grades namin para hindi magkaproblema sa mga sports at extra curricular na sinasalihan namin.. dapat mataas ang grades para hindi mapaalis sa mga clubs at sports kung saan kami sumali.."mahabang paliwanag nito..

Ang Section-A nga din pala ang may hawak ng iba't ibang club ng Academy.. Pati student council sila din ang officers..

"Buti wala akong club.." nasabi ko sa kanya.. baka maging seryoso din ako pagdating sa grades ko.— pero wala naman akong palakol na grades.. puro otso. Minsan may naliligaw na nueve.. 89!

"Kelangan mo na ding sumali sa mga clubs niyan kasi Section-A ka na din."

Tinaasan ko lang siya ng kilay..

"Pwedi namang hindi diba?"tanong ko..

"Ikaw lang ang walang club. Ung mga transferee may mga club ng napili ang mga yan kaya kelangan mo na ding mamili. Mag-cheering squad ka na lang kaya para may taga-cheer ako." Nahampas ko siya sa braso.. lakas makabasag trip eh.

"Ulol.. gawin mo pa akong myembro ng fans club mo." taray ko sa kanya..

Napahimas naman siya sa nahampas ko sa kanya..

"Ang bigat ng kamay mo First para talagang—-

"Sige ituloy mo yan! Hahampasin kita ulit." putol ko sa sasabihin niya.. Anong akala niya sa akin Iron man— bakal ang kamay..

Natapos ang unang subject at sumunod na ang Science.. group report at group experiment ang sinabi ng teacher para sa araw na ito kaya kelangan naming pumunta sa library para kumuha ng idea para sa oral report ng group..

Si Acid ang unang ka-group ko at dahil nasa likod namin ang dalawang impakto ay malas na naging ka-group ko din.

Lumabas na kami at tamad na naglakad papunta sa library. Si Acid lang ata ang may lakas na maging active sa grupong ito.. Sa dalawang-taon kong nag-aaral sa St. Lucas ngayon lang ata ako nakapunta sa library.. Hindi ko lang alam sa dalawang impakto ito kung bakit tamad na tamad din silang maglakad papunta sa library.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin