[1] Break Up

320K 6.2K 1.1K
                                    

"Break-ups hurt, but losing someone who doesn't respect and appreciate you is actually a gain, not a loss." - Anonymous

***1*** BREAK UP

From: Jacob Forever

I'm breaking up with you. Sorry.

Paulit-ulit kong binasa ang text ni Jacob sa akin. Para na nga akong shunga e. Binabasa ko pa, e nasasaktan na nga ako. Isn't it the good way to start my story?

Pinaghintay pa naman niya ako ng isang oras dito sa The Racks pero inindyan niya lang naman ako. How dare you, Jacob??

Sa inis ko ay binura ko ang number niya sa contacts ko at pagkatapos ay nilisan na ang restaurant na iyon. Nakakainis! Inindyan na nga ako, hiniwalayan pa ako. 

"I hate you. I hate you. I hate you," paulit-ulit na bulong ko habang naglalakad sa loob ng mall. Sigurado akong hindi na maipinta ang itsura ko dahil sa pagkalukot ng mukha ko. Sino ba namang hindi maiinis? Makikipagbreak siya ng ganun-ganun nalang! AAAHHH! That jerk! Hindi ko man lang alam kung anong dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay!

Nanghina tuloy ako. Naupo ako sa hinintuan kong coffeeshop. Buti nalang may upuan sa labas kaya may naupuan ako. Dun ako nagmukmok at napatulala nalang sa kawalan.

We've been together for almost two months tapos hihiwalayan niya lang ako sa text? Hindi siya tunay na lalaki!!

"Chelsea?"

"Ay, bakla!" Nagulat ako nang bigla may magsalita sa gilid ko. Kita nang nag-eemote ako tapos bigla nalang siyang sumulpot dyan.

"Haha! Ikaw nga. Uy, anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako nang makita si Sheen, kaibigan ko. Hindi na kami madalas na mag-usap ngayon dahil abala kami sa kanya-kanya naming buhay. Siya bilang graduate na ng BS-HRM at ako, biglang irregular Tourism student.

"Sheen, ikaw pala."

Humila siya ng upuan sa harap ko saka niya ako tinignan ng makahulugan. "Kanina pa kita napansin. Nagsisigurado lang kung ikaw nga yan. Nakapag-order ka na ba?"

"Hindi pa. Nakiupo lang naman ako."

"Uh, sige. Tamang-tama. Hindi pa ako umoorder," sabi niya at pumunta na dun sa loob ng coffeeshop. Mukhang oorder pa yata.

Kababayan ko si Sheen. Taga-Sitio Maligaya din siya katulad ko at lumuwas lang ng Maynila para mag-aral ng College dito. Nasa iisang University lang kami pumapasok kaya madalas kaming magkita noon. Well, except nung March since graduating nga siya. 

"Oh, eto na yung order mo," sabi niya pagkabalik niya galing ng counter. "May utang ako sayong kape noon. Natatandaan mo ba?"

Kahit wala akong matandaan ay tumango nalang ako. Baka last year pa yun since yun yung panahon na madalas kaming magkasama.

"Ikaw lang ba mag-isa?" tanong niya.

"Oo."

"Si Rance?"

Nagkibit-balikat lang ako pagkatapos ay uminom na ako sa kape ko. Si Rance ang 5 years old kong kapatid. Madalas niyang makalaro si Rance kaya siguro kinakamusta niya. Namimiss niya na siguro.

"Wala ka sa mood 'no?"

Napanguso nalang ako at bumuntong hininga. Sino ba namang hindi masisira ang mood kung inindyan ka ng boyfriend mo at hiniwalayan pa? 

"Bakit?"

I sipped on my black coffee again. Mahilig ako sa kape kaya alam niya ang inorder niya para sa akin to think na summer ngayon at kainitan ng araw.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon