Narito na ako ngayon sa itaas. Everything seems fine. Madaming kwarto ang makikita. Mga lima ang naririto parang sa mga dormitory room ang style ng kabuuan ng ikalawang palapag. Pag-akyat pa lamang sa ikalawang palapag ay bubungad na ang mga naglalakihang painting. Painting about nature. I ran my fingertips on the painting trying to analyze every detail. Whoever paint this is surely an artist.

'Napakaganda

Naglakad lakad pa ako sa hallway, tanging mga yapak ng aking sapatos ang maririnig hanggang sa marinig ko ang isang mahinang pagbukas ng pintuan sa aking likudan. Napalingon ako. The door is open!


Medyo madilim ang kapaligiran dahil sa malamlam ang ilaw na nanggagaling sa lamppost ng hallway. Yes lampposts, weird may it seem but it balance well to the structure of the designs here. I open the flashlight im holding and tightly grip on it.



Dahan- dahan akong lumapit sa nakabukas na pintuan. The door created a creek sound as I slowly open it. Cold atmosphere greeted me as I stand infront of the room.



Makikita ang kama at katabi nitong bedside table. There's a closet and a mini library in the room. Wala naman akong kakaibang nakita sa loob ng kwarto. So I decided to go downstair.



Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad. Nakakailang hakbang pa lamang ako palabas ng kwarto ng biglang may tumawa sa aking likod. Nanlalaki ang mga mata ko ng marinig ko ito at natigilan.



"W-who are you?" Nag-aalinlangan man ay nagawa ko itong sabihin. But the sinister laugh continues. Mas lalo pa itong lumakas! Ang mga butil ng pawis sa'aking noo ay nagsimula ng tumulo mula sa aking pisngi. I gulp and slowly turn around to see who it is.



" I said who are-!" naputol ang aking sasabihin ng makita ko ang itsura nito.




Isang babaeng mahaba ang buhok at puting damit na mahaba ang suot ang nakatagilid sa aking gawi at nakaharap sa closet na nasa gilid. Patuloy lamang ito sa malalakas na pagtawa. Tawa ng isang baliw! Ng walang ano- ano'y dahan dahan itong lumingon ito sa aking gawi.





Maririnig ko ang malakas na pagtibok ng aking puso at ramdam ko ang pagtaas ng balahibo sa aking batok.




Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa babaeng nasa aking harapan. Pula ang mga mata nito  at itim ang nasa ilalim nito. Walang kulay ang balat nito sa sobrang putla gayundin ang mga labi nito. Ng biglang may tumulo na luha sa mga mata nito. Nagulat ako dahil sa dugo ang lumalabas dito! Hindi pa maproseso ng aking utak ang aking nakikita ng bigla itong ngumit ng napakalaki wtf  a-ano bang nangyayari sa kanya?!




"Pinatay nya ako" mahina nitong sabi




"Pinatay nya ako" ulit nito na tila bang baliw na kinakausap ang sarili




Sinong pumatay sayo?




Mataman ko itong tinignan. Ng bigla itong sumigaw na aking kinagulat "SINASABI KO PINATAY NYA AKO! HAHAHAHHAHA"



"PINATAY NYA AKO -


"AT PAPATAYIN NYA KAYO! HA- HA- HA - HA HA HA"




Makikita ang pag-alog ng mga balikat nito hanggang sa maging mukha itong nagkikisay. Napaatras ako sa sinabi nito, ang boses nito ay naging napakabigat at tila nanggagaling sa kailaliman sabay ng pagtawa nitong mabagal at tila hirap na hirap at kinakapos ng hininga. Nakakapangilabot kung ito'y pakikinggan.




Akma akong lalabas ng kwarto ng bigla itong sumara. Shit!






Kinalampag ko ang pintuan at nagsimulang sumigaw. "Open the door! OPEN THIS!"





Namumuo na ang takot sa aking dibdib at nilingon ko ang babae na nasa aking likudan. Nakahinga ako ng maluwag ng wala na ito at tahimik ng muli ang paligid. Humakbang ako papalapit sa inupuaan nito kanina. Titignan ko lang kung nasan na ito.




Isa.

Dalawa.

Tatlo.



Tatlong hakbang lang ang aking ginawa sapat na para makalapit sa kama. Hindi ko na muling nakita ang babae. Babalik na sana ako ng biglang pagharap ko ay sya agad ang aking nakita!




Napakalapit nito sa aking mukha.

Sobrang lapit.


Seryoso ang mukha nito.



Bigla akong tumakbo sa pintuan at agad na kinalampag ito at paulit ulit na pinihit ang doorknob.Habang nakatingin sa kanya.



Ang kaninang seryosong mukha ay napalitan ng isang ngisi! Ngisi na parang may gagawin sa'yo!


Muli kong pinihit ang doorknob at dina muling tumingin dito. Kaylangan kong makalabas.



Hindi ko namalayan ang biglang paglapit nito at pagsalita malapit sa aking tenga at nagsabing



"PAPATAYIN KITA! KAYO! KAYONG LAHAT! "


Na sinundan nito ng tawang malakas at masakit sa tenga.



Napatakip ako sa tenga dahil pakiramdan ko ay nag-eecho ito sa aking pandinig at tila isang plaka na paulit ulit.




I hear footsteps running at biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang aking mga kasama.



Nanghihina na tinignan ko ang mga ito. Nangangatal padin ang aking katawan sa takot. Ng maramdaman ko ang pag-angat ko sa ere.



"Gosh what happen here!" rinig ko pang sabi ni Kira


"Jake. Jake are you okay?"



Everything becomes blurry at hindi ko na namalayan na may bumubuhat sakin palabas sa kwarto.

--







The Hell MansionWhere stories live. Discover now