Prologue

12 1 2
                                        

Bata pa lamang ay mag isa nako sa amin, maagang naulila sa mga magulang at ang tita ko ang nagpalaki sakin pagkatapos akong iwan ng aking magulang dito sa mundo. Simula bata pa lang ako ay lagi na akong natutukso ng mga kaibigan at mga nakatira samin, di ko nga alam kung bakit ganito sila sakin, basta ang alam ko lang nagsimula ito nung bata pa lamang ako.

Siguro ganito nga talaga kapait ang mundo halos lahat iniwan nako, basta ang alam ko lang ay dapat kong suklian ang lahat ng binigay sakin ng tita ko, kung di dahil sa kanya ay wala akong matitirhan at makakainan ngayon. Laging nag bibigay ang tita ko ng mga gamit na pang eskwela, pera para sa baon ko sa eskwelahan at mga grocery na pang isang buwan.

Nasanay na din ako sa mga ginagawa ng tao sakin simula nung bata pa lamang ako.

"Ano bayan kalalaki mong tao di mo kaya buhatin yan"
Sabi ng mga kaklase ko noong elementary pa lang ako

"Di ka naman pala marunong mag basketball"
Sabi ng mga taga kanto namin

Lagi akong pinagdidiskitahan sa amin, kaya simula bata pa lang ako eh lagi na akong inaasar at nabubully tuwing nadaan ako sa may tapat ng bahay na kung saan ako nakatira ngayon.

At ngayong mag hihigh school pa lamang ako wala padin akong nagiging kaibigan dahil nga lampa at walang kwenta akong tao, sa academics lang naman ako bumabawi kaya minsan kumokopya sakin mga kaklase ko ngunit isang araw. Nag bago ang lahat nung nakilala ko ang bago naming kaklase.

Too much painWhere stories live. Discover now