"Gago!"tumakbo ako papuntang pinto at dali daling lumabas.

Rinig ko ang tawa niya habang palabas na ako ng unit.

Remind me to kill him later.

Bwiset!Pinapainit niya pisngi ko!

Hindi na ako pumasok dahil hindi ko siya kayang harapin.Nahihiya ako.

Kinabukasan.Sinundo ako nila Geo sa bahay.

The wedding will be held at Saint Anne church in Taguig.

Kaya doon kami dumiretso.

Kumpleto kami maliban nalang kay Vince.Susunod nalang daw siya.

Si Tica,hindi sumama bukas na daw kasi ang exam nila.

Bobo ni Geo.Kasal niya tapos sumama pa siya sa pagsundo sa akin.Nakasimangot lang siya.

Nakasuot siya ng white polo dahil tinanggal niya ang coat niya.

I wore a white blue maxi dress na floral.Naglagay pa ng make up si Tica sa mukha ko.Kainis babaeng babae.

Tahimik lang ako.Kanina pa nga ako kinakalabit kalabit ng hunghang na nasa gilid ko.

"Bal,galit ka ba?Diba dapat ako ang magagalit?"I glared at him.

"Bakit naman ikaw ang magagalit?"inis na tanong habang nakakunot ang noo.

"Kasi ako nawalan ng puri"mariin kong ipinikit ang mata ko at humingang malalim.

"Tigil tigilan mo ako,walang nangyari.At pwede ba,kung makaasta ka diyan,pa-virgin!Eh ang landi landi mo naman"may diin na sabi ko kaya napasimangot siya.

Tss,kung may nangyari man ako dapat ang nagsasabi sa kaniya.Aba,kung sakali,siya pa ang makakauna sa akin.

"Aray"ngumuso siya at humarap sa bintana.

Feeling niya naman susuyuin ko siya.Asa ulul.

"Pota,ang ganda ng asawa ni Geo."komento ni Shin.

Gago, type niya talaga yung asawa ni Geo.

"Yeah,I agree."napaigtad naman ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.

Tangina,si Vince pala.

I stared at him.He looked tired.

"Oh anong nangyari sayo?Mukha kang puyat"pansin ko pero umiling lang siya at diretsong umupo sa tabi namin.

The ceremony will start any minute from now.

"Don't mind me"

Nagsimula ang seremonyas,masaya ang lahat maliban sa dalwang ikinasal.

Matapos ang kasal sumama sa amin si Geo sa van.Habang yong asawa niya ay sa mga magulang niya sumabay.

Parang hindi sila mag asawa.

Sa Casa Real dito din sa Taguig gaganapin ang wedding reception.

Mukha siyang mansion na pinalilibutan ng mga halaman.

Sa loob naman ay may nakahanda nang mga lamesa.Isang mahabang lamesa sa gitna,para sa mga ninong at ninang ng kasal at para sa mga magulang nila.

Nakapaligid naman ay mga lamesang pabilog para sa ibang mga bisita kaya doon kami naupo.

The utensils were ready and the table napkins beside those are well folded.

Halatang mayayaman ang mga bisita dahil sa table manners nila habang ang mga kasama ko ay akala mo hindi mayayaman dahil parang ignoranteng iniikot ikot ang tingin sa buong lugar.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now