"H-huh?"

"Bakit ang tahimik mo?" ulit ko, napasinghap naman siya na parang bumalik na sa katawang lupa niya.

"Dati ba madaldal ako?" hindi ko alam kung inosenteng tanong ba yon o namimilosopo nanaman siya.

"Susunduin kita bukas." tumango lang siya at humilig nanaman sa bintana.

What's wrong with her?

Vien's POV

Why do this fate have to be this fucking playful?

Kapatid niya si Clayton?!

So, that explains why his father looked at me differently, maybe Clayton introduced me to his father before.

I sighed. Natatakot ako.

Hindi ko na alam kung paano ako nakapasok ng bahay nang maihatid ako ni Exton. Masyado akong lutang.

"Your hinga is malalim, ate kanina pa yan ha" napansin yata niyang tahimik lang ako panay ang buntong hininga.

Tinignan ko lang siya at muling humiga. Nandito nanaman kasi siya sa kwarto ko.

"How's his family?" tanong niya nang hindi ko siya inimik.

Napailing ako, okay naman ako sa pamilya niya eh. "Britanica, I'm scared"

"Why naman?" tanong niya at binaba ang hawak niyang notes, nag rereview siya dahil malapit na daw ang exam nila.

Nila. Nagshift siya ng course- Business management. Hindi ko alam kung bakit. Sinabi kong mag shishift din ako pero hindi siya pumayag.

"Kapatid niya si Clayton" Her eyes widened.

"Clayton? As in Clay Haxton Dela Serna?Your effin ex?!" she yelled so I glared at her. "Pero, diba Ross sila Exton, so he's ampon, ganorn?"

Napangiwi naman ako, bakit iba ang issue niya?

Pero oo nga no? Iba ang apelyedo niya. I shrugged, wala na akong pakealam sa kaniya.

"Hindi yan ang issue pakialam ko naman kung ampon nga siya."

"Ah, yeah. So why ka ba takot? Scary ang parents niya?" tanong niya.

"Natrauma yata ako. I am fooled once, who knows if Exton will be its twice. Knowing Exton, dati siyang playboy at lalo na ngayon na nalaman kong magkapatid sila. Kaya natatakot akong sagutin siya eh."

"They're manloloko naman talaga, all boys are manloloko" seryosong aniya kaya kunot noo akong tumingin sa kaniya.

Pansin ko ang pag ilag ni Britanica sa mga tropa ko lalo na kay Blake. Higit dalawang linggo na silang hindi nagpapansinan.

Hindi kaya ito ang dahilan niya kaya siya nagshift ng course. Wag ko lang malaman laman na sinaktan ni Blake si Tica, aba't walang kaibi-kaibigan sa akin. Tangina siya.

"Char! Ofcourse, except si Exton" ngumiti siya sa akin, pilit.

Tinitigan ko muna siya bago humiga ng maayos.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now