*Kinabukasan*

“oh bakit wala pa si Dexie at Isaac anong oras na?” nakasimangot nitong sambit sabay tingin sa relo.
“Sir di ko din po alam eh wait po tawagan ko” tarantang saad ni Alex.

“hoy dexie sumagot ka plss ukaw na lang hinihintay” taranta nitong sabi nang may narinig akong pamilyar na boses, si Dexie.

“Sir sorry po traffic po kasi eh” saad ni Dexie.

Nasilaw ako sa kagandahan nya, para syang anghel tumigil yung paligid nung makita ko sya pero ng marinig ko ang tinig ng isang lalaki nagbago ang ekspresyon ng mukha ko.

“Dex yung bag mo oh nakalimutan mo!” saad ni Isaac habang dala dala ang bag ni Dexie.

“ay sorry hahaha”

“sorry sorry ka dyan hahaha” tinawanan lang ito ni dexie.

“ano? Tara na po baka malate na po tayo” saad ni dexie pero ako nanggigigil sa nakita ko di ko alam kung bakit.

DEXIE'S POV
Nahirapan kami gumising ni Isaac gawa ng hangover. Papunta na kami sa office pero traffic tapos lowbat pa ang phone ko di ko nasagot lahat ng tawag ni Alex. Nang makarating na kami nakatulala si sir sa akin at nakangiti habang papalapit ako pero biglang sumimangot nung nakita na kasama ko si Isaac. Nyare dito galit na galit.

Sa kalagitnaan ng byahe nakaisip kami ni Isaac na mag laro ng charades para di kami maboring. Naglaro na kami pero habang nakatawa kami si Sir naman ang sama ng tingin sa amin ni Isaac. Di na lang namin ito pinansin at nakarating na kami.

“Tara dun Isaac oh ang ganda!! Kuhanan mo dali” saad ko habang hila hila si Isaac.

“oh teka sandali lang hahaha masyado excited eh” saad nito sabay kinuhanan ng litrato ang magandang tanawin.

“wow naknampusa ang galing mo!! Ang ganda!!”
“syempre mana sayo maganda man yan pero mas maganda ka ayiee”

“bolero tsk!!”

Habang nagkakatuwaan kami at nagiisip na ng theme ng photoshoot ay biglang dumating si Sir.

“Ahm sir ganto po yung mangyayare”
Saad ko at ipinakita ang mga ideas namin ni Isaac.

“ito lang? My ghadd so cheap”

“cheap? Ang ganda ganda nga po eh”

“sige sino masusunod dito kayo? Diba ako may ari kaya ako masusunod dapat, i dont need your suggestions tsk!”

“Sir sumusobra na po kayo nagbibigay lang po kami ng ideas pero hindi nyo po kami dapat ginaganyan. Hindi porket ikaw po yung boss ikaw na po masusunod at sir hindi po kami utusan ok? Kanina pa ho kayo sa office pa lang ang init na ng dugo nyo sa amin may ginawa ba kaming mali ha?”

“Dexie tama na” pagpipigil sa akin ni Isaac.

“Wag mo akong pigilan Isaac kanina pa tong si Sir eh”

“what the hell? Boss mo sinasagot mo ng ganan shit!” asik nito sabay alis.

Buong araw kami nagisip pero niisa wala syang nagustuhan.Hindi ko sya pinansin hanggang makauwi kami.

Nasa bahay na ako ngayon nagsusuklay na bago matulog ng may sumigaw sa labas.

“Dexie!!Dexie!!” sigaw ng isang pamilyar na boses, si Sir.

“Sir ano po ginagawa nyo dito?” taka kong tanong.

“nasaan na yung report mo kailangan ko yun ngayon!”

“sir hanggang dito ba naman trabaho pa rin?”

“i said na saan na yung report mo?” galit nitong saad.

“ano ba sir hindi nyo po ba naiintindihan na kailangan ko po ng pahinga ngayon ok!?”

“i need your report now! Madami pa akong problema na aayusin”

“Hindi sir Ano po bang problema nyo sa akin ha sabihin nyo hindi yung tianatago nyo kasi sir ang pinapairal nyo yung pride nyo napakataas! At yang puso mo apakabato sa lahat sir mabait ka alam ko pero di ko alam mas pinipili mo maging masama!” saad ko habang umiiyak sa galit.

“Masama ako Dexie! MASAMA AKO!!!”

“May masama bang papasayahin ako tuwing malungkot ako atmay masama bang ihahatid ako sa bahay para di ako mapahamak sige nga! Kasi pinipili mong magstay sa bad side mo mabuti ka sir mabuti ka hindi ko alam–” naputol ang pagsasalita ko ng bigla nya akong halikan tumigil ang paligid at bumilis ang tibok ng puso ko ng mangyari iyon.

______________________________________

Thanks for reading!! Sorry ngayon lang nakapagupdate hihihi keepsafe and godbless always wear your mask and put an alcohol to your hands❤️✨

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DESTINY'S WAYWhere stories live. Discover now