"Sam! Come on! Ano ba talaga dapat gawin sayo para magising ka ha" sigaw ni ate, napatakip ako ng unan sa tenga ko dahil ang ingay nya, Sabado naman kaya bumabawi ako ng tulog no! Si ate nga naman, parang hindi pa nakapag puyat buong buhay nya eh, hindi ako naiintindihan "Samantha!"
"Ihh!!!" Sigaw ko "Kainis naman to! Ate please ha, puyat ako this past few weeks kaya bumabawi ako ng tulog okay?" Napatawa sya at hinampas ako ng unan
"Puyat din naman ako eh! Pero nagigising ako ng maaga no, tumayo kana jan, tanghali na malilipasan tayo ng gutom nyan" sabay hila nito sakin patayo, tumayo naman ako at niyakap sya, Kahit naman ganon si ate, Close parin naman ako sa kanya kahit papaano
"Good morning ate"
"Good morning, Sam, let's go hinihintay tayo nila mommy sa baba" tumango ako at inayos yung sarili ko, Another day, another stress for the best bunso in the whole world, Well not so bunso, i tied my hair ponytail and immediately run down stairs
-
"Good morning, Mommy!" Napatingin ako sa kanilang dalawa na kakababa lang galing sa taas, napangiti ako and i opened my arms for them to hug me, araw araw naman nilang ginagawa yun kaya medyo sanay na rin ako
"Good morning, Sam" bati ko pabalik kay Sam at hinalikan sya sa noo
"Good morning, Mommy" bati naman ni lielie, hawak hawak agad yung cellphone nya, kinuha ko yun at niyakap sya tsaka hinalikan sa noo "As always!" Tumawa ako at binigay ulit yung phone nya, just for the lambing lang naman kahit ilang segundo lang
"Ay! Good morning to the little baby there" sabay hawak nito sa tyan ko, Sam's new routine, talk to the baby inside me "Hey! It's ate sam! Please be a boy, And don't give mommy hard time, I can't wait to see you tho"
"Where's dad?" Tanong ni nathalie, Ang tagal nya ah kanina pa ata yun nag grocery hindi pa nakakabalik
"Eh ang sabi bibili daw ng supplies, i have no flour for pancakes eh tapos wala na rin stocks pang ulam kaya sumaglit sya sa grocery store, hanggang ngayon hindi pa nakakabalik" sagot ko, tama tama naman dumating sya na maraming dalang bags ng mga pinamili nya
"Ogie's in the house! Gutom na ba kayo?" Nilapag nya yung mga dala nya at niyakap yung dalawa na nakaupo sa harap ko "Maaga ata kayo nagising ngayon?" Tanong nya
"Si ate kasi daddy! Ginising ako, Anong oras na daw kasi tulog pa ako"
"Ehhh, It's 9AM na oh, late na yun" sagot naman nung ate nya, nilabas ko isa isa yung mga kailangan ko sa pag luluto at para makaluto na din dahil alam kong gutom na gutom na tong mga alaga ko
"Gutom na kayo ano? Madali nalang to, nakapag saing na rin naman ako, bukas na yung pancakes, hindi kayo mabubusog dun eh" inuna ko munang lutuin yung itlog dahil hindi kompleto ang agahan ng mga yan kung walang itlog
"You all agree right? Mom's the best" napatawa ako at hinagis sa kanya yung hand towel, Kapag si sam talaga eh.
"I agree" sagot ng asawa ko
"Me too!" Sagot naman ni nathalie
"Heh! Binobola nyo pa ako ha, Manang mana kayo sa tatay nyo!" mambobola eh, palibhasa anak ni ogie, Sa tatay palang nila eh bolang-bola na ako
"No joke" sambit ni sam, tumawa naman ako "ohh! By the way, It's almost ate's 17th birthday, Can we celebrate? Vacation? please! It's summer na naman ehh, i want a big big break here, Please, Mom, Please dad!" Agad kong tiningnan yung asawa, Si sam talaga yung mahilig sa ganyan, Sa kanila dalawa ng ate nya sya yung adventurous, Accident prone din minsan.
"Oh sge, Asan nyo ba gusto?" Tanong ng daddy nila
"Palawan? Beach, agree ka naman ate oh" sabay kalabit nya kay nathalie
"Yeah yeah, I never been there too, Why not" sagot nito kay sam
"Oh sge, We'll go tomorrow, hapon lang ang flight na ib-book ko, mas matagal ang stay natin dun mas maganda, okay ba?" Basta yang mga anak nya humingi ng kahit ano, He would always give that, Basta alam nyang nagiging masaya sila, Ang swerte ko nga eh, Binigyan ko ng lalaking kagaya nya, a family-Centered man.
"Ang lakas nyo naman sa tatay nyo" Biro ko, Tumawa si sam at tinapik tapik yung daddy nya
"Ako pa, mommy? Ako pa? Si samantha?" Tumawa ako
"Call your tita sa bahay baka gusto nilang sumama, Hon you should call doinks and miks? Right?" Napatingin sakin si ogie
"Why not, Ako na tatawag sa kanila dalawa, Sam call your titas ha?" Tumango si sam
"Mommy? Phone?" Tumawa ako at tinuro yung phone ko sa table, isa isa nilang tinawagan yung mga pinatawagan ko sa kanila at lahat din naman sila ay pumayag na sumama, tama tama natapos na rin ako luto at makaka-kain na rin kami
"Ohh dad! Can we go shopping?" Tanong ni nathalie "Girls only?" Tumawa ako, hindi nanaman sya kasama, card nya naman gagamitin
"Okay, Ano bang ipagshopping nyo ha" tanong nito, napatingin naman ako sa dalawa, hindi na ako aayaw dahil kailangan ko rin ng shopping no, ako pa.
"Swimsuits?" Sambit ni nathalie
"Pero sasama ako, I can be like you guys!" Pabakla nitong sabi kaya tumawa ako "hello, Buntis mommy nyo kailangan kong matutukan yan"
"Ginawa mo pa akong rason ha" sagot ko sa kanya
"Syempre, Tsaka baka pag suotin nyo ng masyadong open si Samantha, fourteen palang yan, baby pa yan"
"Daddy! Hindi na ako baby no! Dalaga na ako no! Ate na nga ako eh"
"Sabi ko nga"
--
Pagkatapos naming mag ayos, Agad na rin kaming umalis dahil sino bang hindi maeexcite, Binigay ba naman sakin ng asawa ko yung card nya pang shopping edi syempre ang saya ko naman dun, isa pa ang saya ng mga bata mag s-shopping nanaman sila ha, malakas talaga sila sa daddy nila.
"Mom? Do you think we can buy this already?" Sabay pakita ni sam sakin ng mga baby shoes na hawak nya "it's just that, it's so so cute!"
"Not yet, Sam. Kapag siguro alam na natin kung babae ba to o lalake, Mag s-shopping tayo ulit since wala pa syang mga gamit din" bumibilis ng bumilis ang oras ah, apat na buwan na sya, We're almost half through.
"Okay, sana nandito pa yan kapag nag shopping ulit tayo for baby"
"Of course nanjan pa yan, Asan na ate mo?"
"Fitting room, maraming sinukat" tumawa ako, After nathalie's fitting agad na rin naming binayaran yung mga pinamili namin, Ahh! I love the feeling na paglabas mo ng store ang dami mong dala, masakit nga lang sa paa dahil ikot kayo ng ikot pero okay naman sya kapag nasayo yung card ng asawa mo, Regine's happiness ba kumbaga.
--
YOU ARE READING
THE A'S (COMPLETE)
FanfictionIs there really a perfect family? Are we a perfect family? Are we going to be with each other until end? Would a family be able to handle challenges that could ruin their bond, separate them, and break them apart? How can they handle such problems...
