Prologue

32 0 0
                                    

"WALA KANG KWENTANG ANAK!" Para akong binugbog ng mga sarili niyang mga salita pero nagawa ko pa rin siyang sagutin.

"KUNG WALA AKONG KWENTANG ANAK MAS WALA KANG KWENTANG INA!!"  'Di ko alam kung saan ko hinugot yung lakas ko para masabi yun sa kanya.

Ganito na talaga siguro ako kamalas. Walang naaasahang magulang walang taong nagmamahal kundi ang mga kapatid ko nalang. Kailangan ko lang naman ng pagmamahal, oras, suporta at kaunting atensyon. 'Di ako makahangad ng lubos dahil pakiramdam ko dapat ko lang maramdaman yun. Bunga ako ng kapusukan ng aking mga magulang. 'Di dapat ako nabuo para walang pasakit sa kanya.

"NAY! WALA AKONG HININGI SA INYO! BUONG BUHAY KO LAGI KONG SINUSUBUKANG IPAKITA NA DAPAT MAHALIN NIYO KO! PERO HINDI! SAWA NA KO! KUNG AYAW NIYO NG MAKITA ANG MUKHA KO NA NAGPAPAALALA SA INYO NG KATANGAHAN NIYO DATI...
AKO NA MISMO ANG AALIS!"

" Ate sasama kami!"

" Sige magsilayas na kayo mga pabigat at mga walang silbi!!"



LigayaWhere stories live. Discover now