Agad kong hinigit ang babae na mukhang nabigla sa bilis ng pangyayari. Liko dito, liko doon, takbo dito, takbo doon. Hanggang sa makarating kami sa mataong lugar.

"Sandaleeee!" Napatigil ako sa pagtakbo ng higitin ako ng babaeng hila-hila ko. "Taympers muna! Parang awa mo na, susuko na ang mga paa ko!"

Napabuntong hininga ako at nilingon sya. "I'm sorry." Natutop nya ang bibig nya nang makita nya ang mukha ko.

"Ang bilis mo tumakbo! Grabe kaa- Hala sandaleeee, hindi ba ikaw si-"

"Ehem. Yeah. Please don't make a fuss about it, I'm here for peace."

Nakita ko kung paano sya napalunok sa sinabi ko. Huh, natakot ata.

"Hehehe pasensya." Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. "Naiintindihan ko. Thank you nga pala sa pagligtas mo sakin kanina ha. Kung hindi ka dumating, baka kung ano na nangyari sakin!"

Tumango lang ako. "Don't mention it."

Nag-isip sya sandali bago ako binigyan ng malaking ngiti. "May coffee shop ako dyan sa susunod na kanto, lika libre kita ng kape at pastries. Pa-thank you ko na din sa tulong mo sa akin!"

Hindi ako sigurado kung sasama ba ako o hindi, pero bago ko pa masagot ang paanyaya nya, ay hinigit nya na ako sa palapulsuhan ko.

Konting lakad lang ang ginawa namin at nakarating na kami sa isang tago ngunit aesthetically pleasing na coffee shop.

"Tada! Welcome sa 'Marahuyo' ang lugar kung saan ang mga puso'y pinagtatagpo, may ibang bigo, pero pagsinta ay hindi maglalaho."

Pinigilan kong matawa sa pagka-poetic nya. Ang korni! But well, I can say, the coffee shop isn't bad at all. Pumasok kami sa loob at masayang binati ng kasama ko ang mga tao doon.

"Magandang umaga mga maliligalig na nilalang!" Agad napatingin at napaface palm ang dalawang staff na nasa counter. Samantalang ang isa, dalawa, tatlong customer naman ay bahagyang natawa.

Napaka spontaneous naman kasi ng babaeng to. Napansin kong sa akin na dumako ang mata ng dalawang staff kaya agad kong ibinaba ang cap ng suot ko.

Nginitian ako ng babaeng iniligtas ko kanina at iginaya sa dulong parte nitong coffee shop. "Dito ka muna ha, ikukuha lang kita ng best seller namin dito."

Pinagmasdan ko ang buong coffee shop. Minimalist lang ang design nito pero napakaganda ng ambient. Tahimik, payapa. Kaunti lang din ang tao dito, siguro dahil na din tago ang pwesto. Pero para sa mga katulad kong naghahanap ng kapayapaan, perpekto na ang lugar na ito.

"Tadaaaa! Kapeng barako! At ube-cheesedesal." Tinignan kong mabuti ang maitim na kape at lilang tinapay sa harap ko. Hahaha akala ko pa naman frappe at bagel ang ibibigay sa akin. Pero kung sabagay, yung mga ganitong pagkain ang madalas wala sa hapag namin.

Napansin nya ata na tinitignan ko lang ang pagkaing dala nya. "Halaa, hindi ka ba kumakain nito? Ayaw mo din ng barako? Naku pasensya ka na, ito kasi best seller namin dito e."

"No it's fine. I just find the pandesal cute."

"Ayy parang ikaw lang hahaha. Sige na tikman mo na." I did what I was told at tinikman ang pagkaing dala nya.

"It's pretty tasty" I commented. "I'm curious, how come na ito ang best seller nyo, it's a batangueño delicasy. I mean it's not popular here in Surigao."

"Exactly! Marahuyo lang ang nagseserved ng kapeng barako dito, at yan ang dinarayo ng mga tao dito. And besides, sa Batangas talaga namin inaangkat yan kaya legit na barako hahaha"

Tumango na lang ako at inilibot muli ang paningin. Sa pagdapo ng mata ko sa counter ay napansin ko ang mapanuring mata ng mga staff dito. Nilingon ng babaeng kausap ko ang mga staff nya at sinenyasan.

"Naku, pagpasensyahan mo na yung mga staff ha, usisero lang talaga sila hahaha pero nasabihan ko na sila. You don't have to worry about anything."

Tumango ako at nagpasalamat. Mukhang maasahan ko naman ang sinabi nya.

"Sya nga pala, how long are you going to stay here? May business ka ba dito or vacation lang? Sorry ang nosy ko."

"I'm here for a vacation. A long one, I guess." Ngumiti lang sya sa akin. I think she already read between the lines.

Sumimsim uli ako ng kape, at pakiramdam ko nabuhay ng husto ang dugo ko. Ito lang pala ang kailangan ko hays. May biglang pumasok na idea sa isip ko. Tutal wala naman akong ibang gagawin dito kung hindi sulitin ang kapayapaan ko.

"Hmmm let's say, I wanna work here as a barista, will you accept me?"

"Sandaleeee! Seryoso ba? G-gusto mong magtrabaho dito? Pero maliit lang sweldo dito, t-tsaka baka di ko ma-reach tf mo!" Hindi ko na mapigilang matawa, this girl.

"I'm accepting kapeng barako and ube-cheesedesal as payment." Tinanaw ko ang ibang pastries nila. "Mukhang masarap din ang ibang pastries nyo, that'll do."

"Pero kasi-"

"Psst. Boss, psst hire mo na sya dali, dali. Psst." Nilingon namin ang dalawang staff na sumisitsit ang kumukumbinsi sa babae sa harapan ko. Nginitian ko sila.

"Hays, sige na nga! Basta ha, walang sisihan sa sweldo. Tsaka, naku alam kong over qualified ka, sa suot mo pa lang hays. Pero kung sabagay, tahimik dito. Mukhang magugustuhan mo dito."

"So it's a deal boss?"

"Deal. Call me Luci."

***

Thank you for reading my story 💜

About HerWhere stories live. Discover now