Chapter 1

313 0 0
                                    

Bzzzzzttt bzzzttt bzzzzttt Pinatay ko na agad ang alarm clock ko, baka magising si Franco pagod pa naman siya kagabi dahil sa sunod sunod daw ang operation niya. Isa kasi siyang neurosurgeon sa isa sa mga sikat na ospital ng bansa. Umupo muna ako sa kama at inabot ang aking Ipad at ang reading glass ko. Nag check ako ng email, so far mukhang wala naman akong magiging problema ngayong araw sa suppliers namin ng frozen meats at fruits ang veg para sa restaurant. After ko mag check ng emails dumiretayo na ako sa kusina. Ako ang nag hahanda ng breakfast namin lagi. Ito lang kasi ang tanging oras na makakasama kong kumain ang mag-ama ko dahil sa busy ang aming schedule araw-araw.

Nag prito ako ng itlog, bacon at syempre ang paborito namin ni Von ang tuyo di mawawala ang fried rice at hotchoco ng mag-ama ko. Habang inaayos ko ang lamesa may naramdaman akong yumakap sa aking beywang at mga maiinit na halik sa aking leeg "Franco baka bumaba na si Von." Saway ko sa kanya, pero parang wala siyang naririnig. Paunti-unting umaakyat ang isa niyang kamay sa aking dibdib at pinag lalaruan ang aking nipple. "Franco..baka...si.. Von..." di ko matapos Ang sasabihin ko dahil sa sensayon na gingawa ng asawa ko sa akin. "Mama!! Papa!!" Para kaming nabuhusan ng malamig na tubig na mag asawa. Agad kong inayos ang aking roba. "Ano po ang ginagawa nyo?" Inosenteng tanong ni Von. "Wala naman anak. Tinatanong ko lang si Mama mo kung pwede ka na magkaroon ng kapatid." Natatawang sabi ni Franco. Agad ko naman siyang kinurot sa tagiliran niya. "Talaga po?!! Magkakaroon na ako ng kapatid?" Masayang masayang sabi ni Von. "Hayy..kumain na muna tayo." Pag-aya ko sa kanila. Eight years old na si Von at alam ko na sabik na sabik na siyang magkaroon ng kapatid. Sa loob ng eight years ay bihira lang kami magtalik ni Franco dahil sa pagod na din mula sa trabaho.

Pagkahatid ko kay Von sa school niya ay dumiretsyo na ako agad sa restaurant. Nag palit na ako ng uniform ko sa locker at dumiretsyo na sa kusina. Abalang abala na ang mga kusinero sa kanilang mga pwesto. Isa isa kong pinupuntahan ang mga kusinero ko at tinitikman ang mga gawa nila bago ito lumabas ng kusina. "Juno may meeting tayong tatlo mamaya." Sabi ni Bianca ang bestfriend ko. Tatlo kaming nag tayo nitong restaurant, ako si Bianca at si Karlo ang bestfriend naming gay. Pagka graduate namin tinayo namin agad itong Sunny restaurant. Si Bianca ang bahala sa hiring mga staffs at sa mga finances ng restaurant. Si Karlo naman ang nag mamanage sa mga food attendant. Siya din ang sumasalo sa mga init ng ulo ng mga customers. At ako naman ang bahala sa kusina. Sa kalagitnaan ng pagpapatayo namin ng restaurant ay nabuntis ako ni Franco. Dito sa restaurant na ito nag propose si Franco at dito naganap ang reception nung kinasal kami. Dito din naganap ang binyag ni Von at 1st birthday niya. Madaming magandang ala-ala ang restaurant na ito sa akin. Kaya naman sobra sobra ang pag susumikap ko para di mawala itong restaurant na ito sa amin.


Eight na ng gabi at isa-isa nang umuuwi ang ibang staff. Nag timpla ako ng kape para sa aming tatlo.  "Bianca para saan ba ang meeting na to? jusmiyo bilisan natin ah, inaantay na ako ni TJ alam nyo naman yung boyfriend kong yun di makakain pag wala pa ako sa bahay." Sabi ni Karlo. "Okay...nag hire ako ng isa pang chef, yun lang uwi na tayo." mabilis na pagkakasabi ni Bianca. "what??!" gulat na sambit namin ni Karlo. "Teka biancs bat ka pa nag hire eh nandito naman si Juno." "Akala ko ba nag mamadali ka at gustong gusto mo nang sumubo ng hotdog. Nah uhh.. ayaw ko ng mag explain." maarteng sabi ni Bianca kay Karlo. "Sa akin mo i-explain Biancs.." Seryosong sabi ko kay Bianca. Sa loob ng sampung taon na ako lang ang nag aasikaso ng menu namin araw-araw. Na ako lang ang nag hahanap ng mga murang suppliers. Bakit ngayon pa niya naisip mag hire ng isa pang chef. "Maganda kasi ang takbo ng negosyo natin at balak ni papa na mag invest sa negosyo natin. Syempre dahil mag iinvest si papa ibig sabihin mag eexpand tayo. So mag tatayo tayo ng isa pang restaurant sa may Makati area." paliwanag ni Bianca sa amin "Wooooww!" Masayang hiyaw namin ni Karlo at nag tatalon sa tuwa. Finally after 10 years makakapagpatayo na kami ng isa pang restaurant. Noon pinag uusapan lang namin ito pero ngayon, mangyayari na.  "Mag celebrate tayo! dapat pala wine ang iniinom natin at di kape." Masayang sabi ni Karlo. "Tsaka na tayo mag celebrate. Pag nag start na ang construction." Sabi ni Bianca. "By the way Biancs sino ba yang hinire mo?" Curious na tanong ko. Baka kasi ka batch lang namin noong college. "Ito." Sabay abot ni Bianca ng CV kay Karlo. " Siya si Kurt Evangelista. Pinsan ni Dwight." "Oh my!!! ngiti pa lang parang ulam na." Kinikilig kilig na ngiti ni Karlo. Tinignan ko din yung CV, may itsura nga siya. mukhang di pang kusina ang mukha niya. moreno pero iba yung ngitian niya. "Karlo pinsan yan ni Dwight at straight yan di ka niyan papatulan." Pang aasar ni Bianca. "Hayy osiya mauna na ako." paalam ko sa kanila. "Juno! bukas na siya papasok ah." Pahabol ni Bianca. "Okay. pero pag nagka problema ako sa kanya bukas mag hire ka ng bago." Babala ko kay Bianca, ayaw ko kasi ng slow learner at meron pa lang siyang 1 year experience sa pag luluto. Baka magkaroon pa ng problema. 

Hot MessWhere stories live. Discover now