Chapter 22:Her Family

Beginne am Anfang
                                    

"Papa!" suway ko sa kaniya pero tumatawa tawa pa siya sa reaksyon ko.

Napatingin ako kay Exton pero nakatingin lang siya kay papa. I wonder what's on his mind.

Pake ko nanaman pala?

"Niloko kasi siya--"

Kadiri pinaalala nanaman ang tarantadong 'yon, na dapat matagal nang nalibing sa ilalim ng lupa.

"Pa, stop talking about that nonsense" kunot noong sabi ko pero binalewala niya 'yon.

"Kaya ikaw, huwag mong lolokohin 'yan ah. Malilintikan ka talaga sa 'kin, may baril ako." seryosong sabi ni papa kay Exton kaya napangiwi ako.

Tila nagulat naman si Exton, gulat gulat pa, alam naman niyang dating sundalo si papa. Maaga siyang nagretire dahil lumalaki naman na raw kami at eenjoyin niyang kasama si mama. Nagtayo lang ng business si papa at mama pero si papa ang nagmamanage.

Kaya ang labas, si mama housewife.

He gulp and I saw how his hand slightly trembled so I smirk, takot. "Hehe, yes of course why would I cheat on her"

"Good" ngumiti naman si papa, kumbinsido sa sagot ni Exton.

Natigil na ang usapan tungkol sa akin kaya hindi na ako nakialam sa pinag uusapan nila.

Paano ako magkakainteres eh puro jokes lang naman ang sinasabi nila. At kung ano anong tinuturo ni papa kay Exton.

May pinag uusapan pa sila kaninang etiquettes in courting. Dahil hindi ko maintindihan, hindi ko na pinakinggan. Wow rhyme.

"When I was courting Madie, madami akong kaagaw. You know what I did to stop those fuckers from approaching my wife?" ngumisi si Papa.

Napatingin ako kay mama na nanliit ang mga matang nakatingin kay papa.

"Hahaha, what tito?" Exton laughed.

"I pointed a gun at them,well I'm a soldier that time... dapat lang na matakot sila. If I were you, I'll point a gun at them too, but be sure that that's licensed." tumaas taas ang kilay ni papa habang ngumingisi.

Napatingin ako kay Exton, natakot siya sa sinabi ni papa. He gabe papa an awkward smile as he drink water.

Alam ko na 'yan, lagi kasing kwento 'yan ni papa.

Pinalo ni mama si papa sa braso kaya natawa nalang si papa.

"Aha! Ikaw pala ang dahilan kaya wala na akong friends. Puro kasi lalaki ang mga kaibigan ko" nakangusong sabi ni mama.

Sa amin lang kinwento ni papa, hindi alam ni mama.

Hinawakan ni papa ang kamay ni mama habang bumubulong ng mga hindi ko maintindihan dahil bulong lang 'yon, natatawa naman si mama sa binubulong ni papa.

Napailing nalang ako saka natawa sa kanilang dalawa.

"Sa inyo pala nagmana si Vien, puro lalaki din kasi ang mga kaibigan niya" nakasimangot na sabi ni Exton habang nakatingin sa akin.

Hindi nalang ako nagsalita dahil panigurado kapag nagsalita ako, ako nanaman ang topic nila.

Nagpatuloy sila sa pagkain at pagkukwentuhan.

Dating the Boyish ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt