4. What Am I Gonna Do Next?

Începe de la început
                                    

Opo mga kaibigan. Tama si April. Di ako nagsasama sa mga ganyan dahil mababa ang alcohol tolerance ko. Mahirap na, baka kahit isang tagay lang mahilo ako, di natin alam baka may nagnanasa sa alindog ko diba? Kaya iwas talaga ako sa mga ganyan pag ka-officemates ang kasama. Kung ang housemates ko naman kasi, secured ako dyan kasi di ako pinipilit uminom ng di galing straight from the bartender..

Pero nung winelcome nila ako, malamang sumama ako diba? Wala pa kaso nun si April kaya di niya nasaksihan.

“Wag na magreklamo uy. Eto na nga sasama na nga diba?.” Di ko muna sasabihin kay April na may something samin dati ni Clyde ko. Baka tuksu-tuksuhin ako, mahalata pa ni Clyde na di pa rin ako makaget-over sa kanya. Ahahay.

“Oh baka naman kaya ka sasama kasi si Sir Kestertoh.. Type mo noh?? Ayyiiee..” Sinusundut-sundot pa ako eh. Ayoko muna kaya aminin. Pero sabagay, sino ba hindi magkaka-type sa nilalang nay un. May kapatid pa kaya siya? Mukhang dami kasing kaagaw sa kanya. Baka sa kapatid konti na lang.” Naglipstick na siya.

Meron.”

Meron? Pa’no mo nalaman?”

Sabi ko malamang meron diba? Halika na nga. Tagal nito.”

*POLAR BAR* (A/N: wala akong maisip na pang-pangalang ng bar eh.. keri na yan. Hehe.)

Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa bar, mukhang nakawalang mga daga mga kasama ko. Palibhasa may drinking spree na magaganap, napilit nila kanina si Ma’am Sam, para daw kay Clyde ko.

“Mare, party party na ‘to! Woohh!!” Hinila ako ni Bernadette sa upuan at nag-settle na kami.

Huwag niyo nang hanapin si Rica. Walang galing sa ibang department dito.

Ako naman ay pa-demure lang muna, ayaw ni Clyde ko ng mga magaslaw eh. Hehe.

“Janna, gusto mo?” Si Neil, katabi ko lang ‘to ng cubicle sa office, ino-offer-an ako ng drinks.

Tinanggap ko naman. Mapagkakatiwalaan naman ‘to eh. Salamat ah.”

--

“CHEERS!!"

Halos labing-lima rin ata kaming magkakasama dito. 'Di ko na binilang, kay Clyde ko muna atensyon ko ngayong gabi. Actually siya nga katabi ko ngayon. Pa-demure alert!

"Cheers Janna." humarap pa siya sa akin at ngumiti.

Ayyyyiiiiiieeee.. >///////<

"Cheers!!"

May nakidikit sa baso ko ng malakas, dahilan na tumilapon ang ilang liquid sa damit ko.

"Hala sorry Janna!" si Uno, ang salarin.

"Janna, ayos ka lang?" Nilingon ako ni Clyde ko nang maramdaman niyang may konting gulo sa tabi niya.

May sasabihin pa sana siya nang, "Sir Kester, tara sayaw tayo! Wooh", hinila na siya nina April sa dance floor.

Haaaayyy.. Sayang 'yun ah. Makakapag-usap sana kami. 'Di man lang talaga siya nag-resist sa mga kasama namin.

"Girl, panyo oh?" Natawa naman ako sa "girl" ni Uno. Imbes na mainis ako sa kanya ngumiti muna ako ng malapad.

"Toinks talaga Uno sa "girl" mo na 'yan. Haha." Tinanggap ko na ang panyong ino-offer niya at pinunasan ang damit kong natapunan. "Kainis nito oh, di nag-iingat."

"Sorry na Janna oh. 'Di ko 'yan sinasadya, promise."

"Malamang 'di mo talaga sinasadya. I'll kick your ass if you deliberately did this! Samahan mo na lang ako sa CR. Nanlalagkit na ako dito."

Sumunod naman siya at paulit-ulit nag-sorry hanggang sa makarating sa ladies’ room. Sinabi ko nan gang okay lang, ang kulit.

Siyempre naghintay lang siya sa labas habang nagpupunas ako ng natapunan sa damit ko. Binasa ko ng tubig para mabawasan ang lagkit. Buti na lang kalahati ng nabasa eh sa tuhod ko na kaya di na masyado nagkalat.

Ine-expect ko na mag-isa na lang akong babalik sa table naming pero nandun pa rin si Uno nung lumabas ako sa banyo.

“Oh, ‘kala ko bumalik ka na?” tanong ko.

“Duh. Gentleman kaya ako.”

Minsan nagtataka ako sa lalaking ‘to eh. Madalas gumamit ng mga expression ng mga babae.

“Janna, manok ba ang mga magulang mo?” biglang tanong habang naglalakad kami.

Ano ka dyan?”

Kasi ba’t ang chicks mo?” Smile.

Anla, speechless ako. Akala ko si Neil lang ang mahilig bumanat sa department naming. Nakiki-uso naman ‘to.

Pero infairness first time ko narinig ‘yan.

Ayyyiiee.. Kinikilig nayan.” Inakbayan niya na ako hanggang sa makarating sa malakas na music at disco lights.

“Gags. . .” tinanggal ko pagkaka-akbay niya at nauna nang lumakad.

Buti na lang madilim na, di nahalata pamumula ko sa pigil sa pagtawa.

==

A/N:

Uhm salamat pala sa pagbabasa. Yey! Hanggang dito nabasa mo. ^__^

Dedicated sa ‘yo Aprilbabe! Labyoooww...  Muah! :**

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Apr 06, 2014 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

I Just Want To Make It RightUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum