Synopsis

16 1 0
                                    


Si Maxine Bautista ay lumaki sa batanggas, nag iisa lamang sya simula noong nawala ang nakakatanda nyang kapatid at namatay ang kanyang mga magulang dahil sa sunog, 2 yrs. ago, natigil sya sa pag aaral sa kolehiyo simula noong pumanaw ang mga magulang nya, at naghanap na lamang ng trabaho para buhayin ang sarili. May matalik syang kaibigan na si Lary, nagkakilala sila ni Lary noong mga bata pa sila, noong tumira sila Lary at ang pamilya nito, naging magkaklase sila sa high school kaya naging magkaibigan sila, ngunit nang mamatay ang mga magulang ni Lary dahil sa car accident, kinuha siya ng auntie nya at dinala sa Maynila pero kahit malayo sila ay nag uusap naman sila gamit ang cellphone, Nang makagraduate na si Lary sa koleheyo agad itong humanap ng trabaho at nag aabang na lamang sya ng boarding house na malapit sa pinagtatrabahuan nya, Inaya sya ng kaibigan na lumuwas na lamang sa maynila upang don na lamang maghanap ng trabaho. Kaya pumunta si Max don at pansamantalang tumira sa condo ni Lary. Pagdating nya don nakahanap nga sya agad ng trabaho ngunit ang sama sama naman ng amo at di pa sakto ang binibigay na sahod nito sa kanya, kaya tumigil si Max sa pagtatrabaho don, at humanap ng ibang trabaho.
Sa paghahanap ng trabaho ni Maxine, muntikan na syang mabunggo ng isang lalaking ubod ng gwapo sa gitna ng kalsada, ngunit dahil medyo masungit ang lalaki, di maganda ang unang pagkikita nila, ngunit kalaunan naging maid si Maxine sa lalaking yon, habang lumilipas ang panahong magkasama sila, di akalaing mahuhulog sila sa isa't isa, at nauwi nga ito sa magkasintahan, at maging mag asawa, ngunit sa kanilang pagmamahalan may maraming hahadlang, malalabanan kaya nila ang lahat upang maipagpatuloy ang pagmamahalan? O matatapon lamang sa nakaraan?

Authors Note: di po ako magaling na writer katulad ng hinahangaan nyo, kaya humihingi na ako ng pasensya in advance kung mayroon man kayong mababasang pagkakamali, like grammar o spelling. Kahit di ako masyadong magaling, pinag iisipan ko po ito ng mabuti (kahit wala akong isip hahaha) pinagbutihan ko parin para po sa inyo readers! Keep safe po!

Enjoy reading readers!

REFUGE OF THE HEART Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon