Dugtungan Natin Ang Kahapon

84 1 0
                                    

                           Kabanata 1

     Year 1995 National Election. Abril nang taong iyon, kasagsagan ng pangangampanya. Nasa gitna ng stage ng plaza ang mga kandidato. Mga tatakbong konsehal ng bayan, bokal, bise-mayor, mayor, gobernador at senador. Isa sa nasa unahang pila ng naka-upo ay ang pinakabatang tumatakbo bilang konsehal ng bayan si Edwin Montilla. Matangkad, mestiso, guwapo, medyo chinito. Lahat na yata nasa kanya na. Wala ng hahanapin sa kaniya ang isang babae.
Habang nakaupo, pinagmamasdan niya ang lahat ng tagapakinig sa harap ng entablado. Natawag ang pansin niya sa bandang harapan ng stage. Meron kasi doong isang babaeng pilit isinisiksik ang sarili makita lamang ang mga tatakbong kandidato ng bayan.

     Hay salamat! Buntunghininga ni Maricel ng makakuha siya sa pu-westo sa unahan ng stage. Di niya alam natawag na niya ang atensyon ng isa sa mga kandidato na naroon. Si Edwin Montilla. Naramdaman ni Maricel na parang me nakatingin sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa stage. Nagtama ang mata nilang dalawa ni Edwin. Hindi niya alam, at hindi rin alam ni Edwin pero sabay silang napangiti sa isa't-isa. Kinawayan nila ang isa't-isa.
        Nasabi tuloy ni Maricel sa sarili. "Shit! Ang guwapo niya!" Gusto niyang isigaw pero sinarili na lamang niya ang saloobing iyon.
       "In fairness, maganda siya". Sabi ni Edwin sa sarili. Ano kayang pangalan niya. Sana, ma-meet ko siya." Bulong ni Edwin sa sarili.
       Nang matapos na ang programa at naipakilala na lahat ng kandidato. Isa-isa ng nagbabaan ang mga politiko. Bawat madaanang tao ay kanilang kinakamayan. Natapat naman na ang kakamayan ni Edwin ay si Maricel.
       "Hi! Edwin Montilla po para konsehal".
       "Alam ko! nakangiting sagot ni Maricel. Sinabi sa stage ang mga name nyo."
       Napapangiting napakamot ng ulo ang binatang politician. "Matandain ka pala?" tanong nito sa dalaga.
       "Oo, pagyayabang na sagot ni Maricel.
       "Anong pangalan mo, pwede ko bang malaman?"
        "Pwede naman. Maricel ang pangalan ko." mabilis na tugon niya sa binata.
        "Hoy, Edwin! Paalis na tayo" sigaw sa kanya ng kuya Jose niya.
       "Susunod na." Bumaling ulit ito sa dalaga. "Sana magkita tayong muli?" Asa nitong sambit sa dalaga na hanggang sa sandaling iyon di pa niya binibitiwan ang kamay nito mula ng makipagkilala siya.
        "Oo nga". Ganting sagot ni Maricel sa binata. "At dahil mabait ka, tutulungan kitang manalo ka hanggang maging mayor ka. Sa iyo na ang boto ko at ng buong pamilya ko. Huwag ka lang magbabago ng pakikitungo sa kagaya ko". Nakangiting saad nito sa binata.
       "Talaga? Aasahan ko iyan ha. Sige, alis na ko". Paalam nito sa dalaga.
       "Ingat!"sambit nito. Sana nga magkita pa tayo?" dalangin niya sa sarili. Feeling niya kasi, na-inlove na siya sa binata na ngayon nya lang nakilala sa tanang buhay niya.
       "Hoy!" Pasigaw na tawag pansin ng pinsan niyang si Baby, sabay tapik sa balikat niya.
       "Bakit ba? Inis nitong sabi, sabay baling sa pinsan niya.
       "Bakit ate cel, feeling mo magkakagusto siya sa isang katulad mo? Huwag kang ilusyonada no! Ang mayaman, para sa mayaman lang tandaan mo." Nakanguso nitong sabi.
      "Kahit kailan kontrabida ka. Inggit ka lang, dahil hindi ka nito napansin."
Pagyayabamg nitong sabi sa pinsan.
       "Tara na! Uwi na tayo!" Inis na aya ni Maricel sa pinsan niya. Walang nagawa ang pinsan niyang si Baby kundi ang sumunod sa nakakatandang pinsan nito. Pansinin kasi ang itsura ng pinsan niya. Classic eurasia beauty. Half Spanish, half Filipina kasi ito. Malapit lang sa plaza ang bahay nila kaya hindi sila nakipag-sabayan sa pag-alis ng mga pulutong kanina.

                          

      "Naka! Ikaw ha, parang ayaw mo ng pakawalan yung babae kanina ha!" Kantiyaw ng Kuya Jose niya sa kaniya habang suma-shot ng alak sa counter.
       Napapangiti na lang si Edwin habang umiinom ng alak. "Hindi ba maganda siya Kuya?" tanong nito sa nakatatandang kapatid na halatang humihingi ng pagsang-ayon.
       "Oo, maganda siya. Medyo kinapos lang ng konti sa height. Komento nito sa kapatid sabay lagok ng alak.
       "Di mo kasi siya nalapitan kuya. Ang kinis niya, ang ganda ng mata niya". Paghanga nitong sambit sa dalagang kakakilala pa lang niya.
        "Mukhang in-love ka talaga ha? Nakuha mo bang pangalan niya?" tanong nito sa kapatid.
       "Oo kuya, nakuha ko. Maricel ang pangalan niya.
       "Ayos!"Sambit ng kuya Jose niya.

Dugtungan Natin ang KahaponWhere stories live. Discover now