Chapter 1

262 3 3
                                        

ONE NIGHT

Ericka POV

“Putragis kang bata ka! Hala! Lumayas ka dito!”

Halos mapatid na ang ugat sa leeg ng Nanay ko sa sobrang galit sa akin.

Kasi naman ako eh! Ang tanga ko! Super!

“Nay, please naman po. Sorry na. Hindi ko naman po sinasadya, eh. Hindi ko po talaga ginusto ’to. Wala po akong mapupuntahan, Nay!”

Pero balewala sa kaniya ang pagmamakaawa ko. Tinapon na niya sa labas ng bahay ang lahat ng gamit ko.

“Wala akong pakialam! Hanapin mo muna ’yang de-putang lalaking nakabuntis sa ’yo! At panagutin mo!”

Napakamot ako sa ulo.

Eh paano?

“Nay! Paulit-ulit na lang po ako sa pag-explain. Hindi naman English ang pagkakasabi ko sa inyo. Tagalog naman po. Gusto niyo bang ulitin ko pa?”

Lumapit sa akin si Nanay na nakangiti.

Sabi na nga ba!

Konting arte ko lang din dito, maaawa rin ’yan sa akin. Sabi ko na nga ba, kahit sadista minsan ang nanay ko, mahal niya pa rin ako!

“Thank you, Nay! Sabi na nga ba, eh! Hindi mo ’ko matitiis!”

Isa-isa kong pinulot ang mga damit kong nakakalat sa kalsada para ibalik sa loob ng bahay.

“Tama ’yan. Pulutin mo ’yung mga gamit mo isa-isa.”

Nakangiti pa niyang sabi.

Ang bait talaga ng Nanay ko!

“Tapos ilagay mo dito sa bag!”

Sabay bato niya sa akin ng bag.

Diretso sa mukha ko.

“Aray!”

“At umalis ka na! Habang nakakapagtimpi pa ako, bata ka! Dahil nakuha mo pa akong lokohin! Kahit napakawalang-kwenta mong bata, inalagaan pa rin kita! Layas!”

Malakas niyang sigaw kaya tumakbo na ako palayo bago pa niya ako tuluyang mapagdiskitahan.

Hay!

Paano na ako niyan?

Saan na ako pupunta?

Ang tanga-tanga ko kasi, eh! Kundi ba naman ako gaga! Bakit pa kasi ako sumama sa mga tropa ko?

Hindi sana ’to mangyayari.

FLASHBACK

Sobrang ingay!

Pero enjoy naman.

Maraming nag-iinuman sa bawat table at may mga nagsasayawan sa dance floor. Ngayon lang kasi ako nakapunta sa ganitong lugar.

Ako si Ericka Nicole, isang graduating student sa kilalang L.U. Lee University. Puro mayayaman lang ang nakakapasok doon, pero dahil brainy and talented ako…

Ayun!

Scholar ako ng grupong Diamond Prince.

“Hi, Ericka!”

Narinig kong bati sa akin ni Anne.

“Hello!”

Masigla ko rin siyang binati.

“Akala ko, be, hindi ka na makakapunta sa birthday ko.”

Ngumiti ako sa kaniya at ganoon din siya.

Plastic!

Hindi naman talaga ako sasama rito kung hindi lang dahil sa friendship kong ’to na stalker na yata ni Xander Madrigal.

ONE NIGHTStories to obsess over. Discover now