Chapter 20: First Date

Start from the beginning
                                    

I am wearing a spaghetti strap chequered bodycon tube dress na two inch above the knee. Nakakapota,ang ikli. Tsaka isang two inch white heels.

Hindi ko talaga alam tawag dito sa damit na to, narinig ko lang kay Tica.

Bwiset, pwede naman kasing magpantalon nalang ako. Pero bakit ba kasi parang meron sa loob ko na gustong gusto ko ding makita niya akong maganda?

Ewan, taena.

Muli niya akong sinuyod ng tingin bago bumuga ng hangin at umiling.

"Tss, okay na yan, may jacket naman ako" tumayo na siya hinila ako palabas ng bahay.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya kaya dali dali akong pumasok. Isasara ko na sana ang pinto nang hawakan niya ang kamay ko.

Natigilan ako, shet. Nakakatitig lang siya sa akin. Naiilang ako sa titig niya.

Tangina, naligo naman ako bakit parang ang init init?

Nagulat nalang ako nang ikabit niya ang seatbelt at umikot papuntang driver's seat.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang paandarin niya ang sasakyan niya.

Ngumiti siya sa akin kaya napatulala ako.

"Can you get the flowers at the backseat?"

Napakurap ako ng ilang beses bago bumalik sa katinuan.

Tangina, inutusan pa ako. Kagaling!

Kinuha ko ang bulaklak. Medyo natuwa ako dahil bouquet siya ng chrysanthemum.

Favorite flower ko yon!

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko at inaamoy amoy paa ng bulaklak. Wala akong pake kung kanino 'to basta aamoy amoyin ko.

"That's yours" nakangiting aniya kaya napatitig ako sa kaniya.

"Pano mo nalamang gusto ko nito?" kunot noong tanong ko.

"Instinct" he shrugged.

Inirapan ko siya. Okay, bukas ulit. "Pakyu"

"Tss, bakit ba lagi ka nalang nagmumura?!" napaigtad pa ako sa sigaw niya.

Parangtanga, nakilala niya akong palamura tapos sisigawan niya ako.

"Oh, bakit ka nasigaw?" mahinahong tanong ko. Hawak ko parin ang chrysanthemum. Takte ang ganda ng bulaklak na 'to.

"Ano ba. Umayos ka nga, first date natin 'to" sabay irap.

Aba, aba ako pa inirapan.

"Oh, eh ano ngayon. Inaasahan mo bang may second pa?"

"Huwag ka ngang naninira ng mood"

Hindi na siya nagsalita buong byahe kaya naglaro na lang ako. Bwiset nakakahilo pala magcellphone habang nasa sasakyan.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa saang lupalop ako dinala ni Exton hunghang.

Pagabi na pala.

Nangunot ang noo ko, parang pamilyar 'tong lugar na 'to.

Bumababa na siya at pinagbuksan ako ng pinto.

Nauna akong naglakad sa kaniya, nagulat na lang ako nang may nakapatong na sa balikat ko. Jacket?

Tinignan ko siya pero hindi siya nakatingin sa akin.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now