[Kate's POV]
"Hala! Oo nga pala, malapit na ang Seniors Prom! Nakaka-excite talaga. Sino kaya ang magiging partner ko? Sana gwapo ang piliin ni Miss Wilma para sa'kin oh. Pleaaaase?" with matching puppy eyes at pout lips and kilig face pa ang malandi kong kaibigan habang kausap ang hangin at ang mata ay nasa kisame. Nagha-hallucinate ata o nagde-day dream.
Ay?! Anak ng butete nga naman oo! Akalain mo 'yon? Inunahan niya pa ako ng POV! Ano 'to, lokohan? Story niya 'to? Story niya?
Well anyway, nais ko pong magpakilala sa inyo. *clears throat* *KAWAAAAAYYY!!!* I'm Katelynn Macao at yung naunang magsalita ay yung bruha kong kaibigan na si Cheska.
"O, e ano naman ngayon?" Sabi ko habang kumakain ng Chips. Nga pala, Saturday kasi ngayon at nakatambay lang naman 'tong best friend ko sa kwarto ko at nakahiga pa ito. Oo, best friend ko siya sa kasamaang palad. HAHA!
Bigla naman itong napabangon mula sa pagkakahiga at halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Hindi ka ba excited? Grabe ka ha." Bigla namang lumaki ang butas ng ilong niya at balak ata akong i-vacuum para ipasok sa loob.
"Hindi. At hindi ako a-attend ng Prom. Kailan nga yun? February 14? Naku, good luck na lang sa magiging partner mo. Sana di siya mahigop ng vacuum sa laki ba naman ng butas ng ilong mo. Haha!" Ba't ba naman daw ako mae-excite sa Prom? Panigurado magmimistulang Manila Bay o di kaya Luneta siguro ang venue ng Pro-"ARAY! KAILANGAN BA NAMANG MAMBATOK? ANG SAKIT HA."
"Bitter ka kasi e! May pinanghuhugutan ka ata ter." Bumalik na naman siya sa pagkakahiga sa higaan ko. Sosyal e. Feeling prinsesa ang dating.
"Sarap mong palayasin sa kwarto ko, alam mo 'yon? Last ka na lang."
"Ikaw naman. Hahahahaha! Napaghahalataan e. Bakit ba kasi ayaw mong sumali? Di naman porket may kasama si Wilson Sweetiepie mo last time na babae e ayaw mo na siyang makita? Selos ka? Haha!" Pinaningkitan ko naman siya ng mata. Sarap ipakain sa alaga naming Tigre at Leon. Humanda!
"Sweetiepie ka d'yan! E kung kaladkarin na lang kaya kita palabas ng bahay. Gusto mong ma-try?! Yaks, kadiri ka naman ter! Di ka ba nandidiri sa sinabi mo? Parang sinasabi mo na ring babae ako." Oo guys, ako'y isang magandang babae na lalaki pumorma. :D
"E bakit ba? Marami na ngang kumakalat na rumors na may gusto 'yon sa'yo 'no. Tsaka babae ka! Kahit na ipinalalabas mo sa ibang tao na tomboy ka! Kilala kita ter. Simula noong mga bata pa lang tayo, kilalang-kilala na kita mula ulo hanggang paa. 'Wag na 'wag mo akong maloloko sa pag-iiba mo ng gender preference." Nahiya naman ako sa #GenderPreference. E pwede namang sabihin na "pag-iiba ng gender" lang, 'di ba?
"Tsaka sa sobrang gwapo nga ng lalaking 'yon na naging Hearthob pa dito sa school e di ka man lang tinablan kahit kutiting lang? Ibang klase ka rin e, 'no?" Dagdag pa nito. Sige, siya na lang mag-AKO. Siya na lang para maging masaya siya! Tsk.
"Tomboy nga e! Kulit din ng lahi mo. E kailan ba nagkagusto ang isang tomboy sa lalaki, ha? Tsaka wala naman akong pakialam kahit na gwapo pa 'yong may gusto sa'kin. Di ako yayaman n'yan ter!"
"Huwaaaaw naman! Oy ha, ikaw na rin mismo ang nagsabi na gwapo siya. Hihi! Nakakaduda ka na, ha." Awtomatiko naman itong napangiti atsaka bumangon mula sa pagkakahiga pagkatapos ay tumayo at naglakad papunta sa may pintuan. Aba't loko rin 'to a! Hindi pa nga ako nakakapag-react sa sinabi niya e magwo-walkout na siya agad?!
Akma naman sana niyang i-o'open ang doorknob ng pintuan nang sitahin ko siya.
"O, saan ka pupunta?" Agad naman siyang tumalikod at humarap sa kinaroroonan ko.
YOU ARE READING
Just A Prom Date
RomanceWhy do I feel this way every time you're near? Do we really have the same feelings for each other? But baby, you're just my prom date. Just a prom date!
