"Thanks."

"Sure."sabi niya tapos ininom din niya yung kape niya.

Nagkwentuhan lang din kaming dalawa. I found out na best friend niya pala yung tumulong din sa 'kin sa pag mix nung recordings para sa recital ko. Nakwento din niya kung paano sila nagmeet ni Nicole. Sobrang liit lang talaga ng mundo. I found out na marami pala silang magkakapatid and that the reason kung bakit internship palang siya is because she took up I.T. first pero nagbago yung gusto niya so she had to take up music production.

While she was talking, narealize ko na her face lights up whenever she's sharing something she's very passionate about. I realized na all this time, nakangiti lang din ako. When Agnes speaks, she just magnetizes you to listen. And it's always worth talking to her cause she's very wise and she's very kind. Sobrang magka-iba talaga kami. I guess we share the same core values, but Agnes is just too kind. She's too pure for this very cruel world.

We stayed there for a few more hours. Nakwento ko rin sa kanya yung mga kapatid ko and why I took up my course and sinong influences ko. We even talked about science, about politics, about showbiz, about music, about arts, about everything. Sumandal ako dun sa bench then I realized her arm was resting there.

"Ay sorry."sabi niya.

"Hindi, hayaan mo na. Okay lang naman." She just smiled tapos binalik niya lang yung braso niya sa sandalan nung bench.

She took out her phone tapos kumuha siya ng earphones at inabot niya sa 'kin yung isa pa. Sinabi niya na she used to play the piano pero sa gitara talaga siya nainlove. So she had me listen to a few songs. In fairness, her choice of music and of how diverse they are, gave me a slight idea on what kind of a musician Agnes is. Halos may insight na rin nga kung anong influences niya.

We just sat there, bopping our heads in time with the tempo. I realized we were moving in sync and it made me smile. Nung medyo mellow na yung music, sinandal ko yung ulo ko dun sa bench, but since andun pa rin yung braso ni Agnes, I ended up na sa braso niya napasandal.

"Sorry."sabi ko.

"No it's okay. Go rest your head."sabi niya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagstay sa labas, but the next thing I knew was that the sky was turning lighter. Hala. Umaga na.

"Luh. Umaga na."sabi niya. Napatawa tuloy ako. In sync nga. "Sorry. I think I kept you up for too long."sabi niya.

"It's okay. Surprisingly di ko nga namalayan na umaga na."

"Oh but you're driving di ba?"sabi ko sa kanya. She tried to stiffle a yawn pero hindi niya napigilan. Tumango siya.

"Hala. Dapat pala natulog ka. Paano ka makakapagdrive nyan? Unsafe yan."sabi ko sa kanya.

"Don't worry kaya ko naman."sagot niya then she tried to stop herself again from yawning. She must be tired.

"How are you getting home?"tanong niya sa 'kin.

"Marami naman akong makakasabay. Malapit na rin naman yung bahay ko from here."

"Uh... I can drive you home."sabi niya.

"Hala. Wag na. Nakakahiya. Meron naman dyan na on the way."

"On the way din naman yun sa 'kin. Going North naman ako."sabi niya. Oo nga naman. Tumango na lang ako. Sinabihan ko si Agnes na matulog na muna, pero ayaw niya kasi lalo lang daw siyang sasakitan ng ulo. So para makapahinga na siya, nagpaalam na lang kaming dalawa na mauuna na kaming umalis.

Pagdating namin sa bahay, napansin ko na hikab ng hikab si Agnes.

"Agnes."sabi ko sa kanya habang inaalis ko yung seatbelt.

"Hm?"

"Pumasok ka na kaya muna sa loob? Stay for a few hours. Matulog ka na muna."sabi ko sa kanya.

"Hindi na. Nakakahiya."sabi niya.

"Ano ka ba. Okay lang yan. Kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ka nakatulog."

"Wag na. Nakakahiya talaga."sabi niya.

"Isa. Bababa ka o bababa ka?"sabi ko sa kanya.

"Okay, okay. Chill. Susko."sabi niya. Natawa tuloy ako. Pinatay niya na yung makina niya at inalis na rin yung seatbelt niya.

Pagpasok namin ng bahay, napansin ko na tulog pa sila Mama. Pinapasok ko lang si Agnes tapos sinama ko na siya sa dun sa guest room. Binigyan ko lang din siya ng mga gamit tapos lumabas na rin ako. Sana makatulog nga siya. Pumasok na rin ako sa kwarto ko at natulog.

●●●●

Nagising ako sa boses ni Mama. Narinig ko kasi na parang busy na sila sa baba. Maya maya narinig ko rin yung boses ni Agnes. Naalala ko na pinatulog ko nga pala siya dito. Nagmamadali tuloy akong bumangon at bumaba.

"O ayan na pala."sabi ni Mama kay Agnes pagbaba ko.

"Thank you po ulit tita sa breakfast."sabi ni Agnes. "Nice to meet you din po pero mauuna na po ako."sabi niya.

Buti na lang pala tinext ko si Mama na may bisita ako kung hindi malamang nagpanic siya. Ang aga naman din nagising nito ni Agnes. Akala mo hindi siya napuyat. Sinamahan ko na si Agnes papunta sa sasakyan niya.

"Hindi mo naman sinabi na si Jessie Lasaten pala ang tatay mo."sabi niya.

"Bakit?"

"Sobrang idol ko kasi siya."sabi niya. Mukha ngang na-starstruck siya kay Papa kasi namumula siya. Napangiti na lang ako.

"Alangan namang sabihin ko yun." Tumango naman siya.

"Sabi ko nga."

"Nakatulog ka ba?"tanong ko sa kanya.

"Yup. Thank you ulit Pat. Also, super nice ng family mo."sabi niya. Ngumiti lang ako.

"So..."sabi ko. "I guess, I'll just see you around."sabi ko sa kanya.

"Puhon."sabi niya tapos sumakay na rin siya ng sasakyan niya. Kumaway lang ako sa kanya. Paalis na siya nung binaba niya ulit yung bintana niya.

"Bye Sungha."sabi niya tapos kumindat siya. Natawa na lang tuloy ako.

See you again Sunflower.

The InverseWhere stories live. Discover now