"Ohh hello good morning din Eli." Bati niya sakin kaya Ngiti na lang ang iginawad ko sa kanya.

"Ano ginagawa mo?" Ipinatong ko ang bag ko sa table at saka tumingin sa kanya.

"Ahh I nilista ko dito yung mga instrument na gagamitin mamaya." Sagot niya sakin. Tatango tango lang ako at saka lumapit ako sa mga sets ng microphone para pumili ng gagamitin ko.

KAISLER JHON P. O.V

"Paging all the students please proceed to the gymnasium hall right now." Umalingaw ngaw ang boses ng announcer dahil sa mga nakapalibot na speakers sa bawat kanto ng MIU. Nasa hallway pa kami papunta na sana kami sa room.

"Dre Tara na sa gymnasium." Pag aaya ni Victor. Marami na rin ang mga nagsisilabasang mga students.

"Hayyss ligtas nanaman tayo sa mga subjects ngayong umaga." Tatawa tawang usal ni Chester kaya natawa kami dahil umaga pa lang nakaka baliw na ang mga subjects lalo na sa history ni Mr. Merrer.

"Hahaha ligtas tayo sa history class." Masayang usal ko.

"Oo nga ehh Hahaha." Tumatawang gatong ni Chester at Victor. Pero seryuso lang naglalakad si Jeorge.

Nang marating namin ang gymnasium medyo marami rami na rin ang mga naroon kaya pumwesto kami sa pangalawang row sa unahan at sa unahan namin ay  nakabakante pa ito at baka sa mga bisita ito.

"Ngayon lang ata ulit naisipan ng owner na bumisita sa MIU." Usal ni Chester ng maka upo kami.

"It's long time ago nung last na pumunta siya dito." Saad ni Jeorge.

"Yeah I think 2 years na ang nakalipas." Sagot ko. Stakeholders ang pamilya naming apat. Kaya kapag bumibisita dito ang owner Hindi pwedeng absent ang lahat ng shares and stakeholders ng MIU.

"Good morning students of MIU." Bati ng EMCEE na si Angeline. Batch mate namin siya. Siya ang tumatayong spokeswoman ng MIU.

"Please welcome the arrival of McKinley family let's give them a heart warming welcoming. Let's give them around of applause." Nagsipalakpakan naman ang lahat. Nilingon namin ang papasok at nakita ko na pormal na naglalakad si Mr. McKinley at kasunod niya ang sa tingin ko ay mag asawa parang kasing edad lang sila ni mommy at daddy at likuran pa nito ang isang lalaki at pormal na pormal at seryuso lang ito. Siya yung lalaking nakita namin kahapon. Umupo ito sa harap na kaninang bakante at kaharap ito namin mismo dahil nasa likod lang nila kami maririnig ang kanilang usapan. Nababakuran din sila ng napakaraming body guards.

THE BRIDGE OF LOVEWhere stories live. Discover now