Andreas' POV
Hayop toh. Pumunta pa talaga dito para sabihin na doon matutulog si Angel. Edi dun kasi siya. Magsama kayong dalawa. Wala naman akong pake sainyo.


"Sige." Matipid na sagot ko. Syempre ayaw ko naman na isipin niya na marupok ako.


"Okay sige. Ingat ka dyan." Ani ni William at lumakad papalayo.


William's POV
Naglakad akong dahan dahan at nagbilang. Alam ko naman na hindi ako matitiis nito eh. Any minute now hahabulin ako nito. Narinig ko naman na binuksan niya ang pintuan at napatingin ako dito.


"Andreas Viceral!" Sigaw ko dito. Napatigil naman siya at tinignan ako.


"Ano?" Naiinis na sagot nito.


"Kunin mo na gamit mo. Umuwi na tayo." Madiin na sambit ko dito.


"Ayoko nga diba? Tigilan mo na nga ako." Mataray na sagot nito.


"Bibigay mo ba ako kay Angel ng hindi pinaglalaban? Pag ako umalis na dito wala na talaga." Pananakot ko sakanya.


"Kung gusto mo talaga ako manatili sayo, gumawa ka ng paraan!" Sigaw pabalik nito sa akin.


Tumakbo ako papalapit dito at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap ko siya na parang wala ng bukas. I love you too much, Andi. Gusto ko sanang sabihin pero huwag nalang.


"William hindi ako makahinga." Nahihirapan na sagot ni Andreas.


"Hayaan mo lang ako na yakapin kita." Bulong ko sa tenga nito.


Niyakap ko lang siya. Hindi ko naman kailangan magsalita dahil yakap lang sapat na. Sapat ng matanggal ang sakit na nararamdaman niya. Sapat ng iparamdam na mahal ko siya. Sapat na siya.


"Intrams na bukas. Kailangan ko cheerleader ko." Bulong ko sa tenga nito sabay halik sa pisnge.


"Andreas? May Angel man o Wala ikaw padin pipiliin ko. Mas mahalaga ka. Gusto ko maging panatag ang puso mo. Oo, may mga mas magagandang babae pero para sa akin ikaw lang ang maganda. Para sa akin, ikaw lang sapat na. Please trust me? Andi?" Bulong ko sa tenga nito sabay hawi sa buhok niya.


"I trust you. Uwi na tayo." Nakangiting sagot nito at tumango naman ako.


Hinintay ko lang siya sa labas ng dorm nila Celine. Maya maya lang ay lumabas na itong may ngiti sa kanyang labi at bitbit ang bag nito. Agad ko naman kinuha ang bag nito. Nakaakbay ako sakanya hanggang sa makapunta kami sa dorm.


INTRAMS


"Kaya mo yan Andi! Support lang kami sayo girl!" Ani ni Celine habang nakasuot ng pang cheerleader kasama si Emma.


"You're so pretty! Go Andi!" Ani naman ni Emma.


"Goodluck bebe." Bulong ni William kay Andreas. Tinignan lang ni Emma at Celine ng nakakaloko ang dalawa.


"Goodluck din." Pabalik na bulong ni Andreas.


Nagsimula na ang laban ni Andreas. Unang set ay panalo na agad sila. Patago naman sumusuporta si William.


"Yes!" Mahinang sigaw ni William ng mapasok ni Andreas ang bola.


Pagkadating sa second set ay natalo sila Andreas kay naisipan muna nila na mag break for 5 mins. Agad naman nilapitan ni William ito para bigyan ng pampunas at gatorade.


"Kaya mo yan, Andreas! Naniniwala ako sayo. Go!" Pagchecheer ni William dito. Napangiti naman si Andreas at inaperan si William.


Last point nalang para kila Andreas. Pagkaspike niya ay pumasok agad ang bola. Sobrang intense ng laban dahil parehong magaling ang team. Hanggang sa...


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now