Chapter 2

27 0 0
                                        

Ayan! Pinost ko na rin itong Chapter 2 kahit wala pang nagbabasa ng Chapter 1 ko! Wahaha! Sorry sobrang gusto ko lang magkwento dahil ilan sa mga sinulat ko at isusulat ko pa lang ay TRUE TO LIFE. As in based on my own experience.

PLEASE DONT HATE ME, JUST LOVE ME! LOL. HAHAHA. VOTE COMMENT BECOME A FAN! LOVE YOU MGA KABISIG!

ANYWAY....

----------------------------------------------------------------------------------

Chapter 2

Konting flashback...

"Nako friend, sigurado ako! Kalaban mo na naman yung lalaking yon si Mr. Quiet/Snob" bulong ni Mindy habang nakatalikod si Maam Minerva

"Sino naman?" nilalapit ang tenga ko habang sa harap ako nakatingin

"E sino pa ba? E di si Charles!"

End of konting flashback..HAHA

----------> Mindy Uy ---------------->

"Nako e sigurado naman akong si Charles ulit e! Paano matalino naman talaga sya. At palaging magkatunggali kaming dalawa sa 1st place pag sa mga quiz bee" Again, nagbubulungan lang kami nyan ni Mindy.

Hindi naman talaga kataka-taka na si Charles ang palagi kong kalaban. Simula pa yata noong Grade 3 kami kalaban ko na sya sa mga quiz bee. E ang talino kaya nya sa lahat ng subject lalong lalo na sa Math!

Hindi rin sya pahuhuli sa looks, kahit nakasalamin ay gwapo sya, maputi, matangkad, may pagkachinito (kahit wala silang lahing Chinese), maganda ang tindig, may kaya ang pamilya at higit sa lahat sporty din.

Magaling sya sa mga mind games (chess etc) pero naglalaro din sya ng soccer. Kung tutuusin nasa kanya na lahat. Iyan si Charles Galvez

Natapos na agad ang klase. Pinapunta na ako ni Maam Minerva sa office para ibigay ang mga dapat kong reviewhin for the Quiz Bee next week. (Hang busy ko hinfernes! HAHAHA).

And as promised, nilibre ko si besti sa canteen para makabawi sa pag-iwan ko sa kanya kahapon.

Hindi na ako nagmamadaling umuwi dahil nga may DVD na ako ni Inuyasha. I can play it anytime, anywhere (ahem).

Iba na ang naka-assign na group sa paglilinis kaya nakauwi rin naman ako ng maaga. Magkahiwalay pala kami ng bahay ni Mindy kaya hindi kami nagsasabay.

Kumbaga, kung ako North, sya South. Literally. NO joke. (HAHA)

Pagka-uwi ko. Hindi ko alam kung magrereview ba ako o papanoorin ko si Inuyasha. Waaah! I'm confused! Landi ko! HAHA. Parang pinag-aagawan lang ng dalawang boylet? HAHA.

At dahil hindi ako nakatiis, kinagabihan, sinulyapan ko si Inuyasha (konting episodes lang naman e, pagbigyan nyo na ako, pagbubutihin ko sa Quiz Bee next week, pangako! HAHA). Naka 3 episodes lang ako at nagpasya ng matulog.

Hindi ako makatulog kaya sinubukan kong buklatin ang mga aklat/reviewer ko at nagbasa-basa. Pampaantok ko. At boom! Nakatulog ako! Effective talaga. It never failed. Hehehe

Kinabukasan...

Dumiretso ako sa library namin para makapag-aral. Hindi na ako nagpasama kay Mindy dahil marami rin syang ginagawa as a president. Oo tama! President si Besti ng student's organization (taray, elementary pa lang). Kaya eto, loner ako for 1 hour lang naman kasi break namin (HAHA).

Review nito. Review nyan. Basa nito. Basa nyan. Sipag-sipagan din para naman sa huling taon ko bilang isang elementary student ay masulit ko ang pagkapanalo ko kay Charles sa mga quiz bee (Wahaha! Insert 'evil laugh" pero tahimik dahil nasa loob ako ng library)

Minsan kasi nakakachamba ako na makuha ang 1st place. Pero kadalasan 2nd lang dahil kay Charles! Kaya dapat makabawi na talaga ako ngayon! And besides, hindi ko matapos tapos si Inuyasha my love dahil dito. I sacrificed my time no! Kaya subukan lang talaga ni Charles na talunin ako! Sipain ko yon e (Warfreak lang? Joke lang. HAHA)

Nagpaka-nerd ako for an hour. Biglang...

"Oy besti! sipag mo ata ah! Desidido ka ba msyadong pababain sa pwesto si Charles?" sabay tapik sa balikat ko

"Ginulat mo naman ako e! Ano ginagawa mo dito?" habang inaayos ko ang gamit ko dahil malapit na rin mag-time.

"Akin na nga! Tulungan na kita besti! Maiba ako, diba medyo natagalan na hindi kayo nagkita ni Charles? Snob pa rin kaya sya? Alam mo sayang kasi siya, nasa kanya na lahat tapos ang gwapo nya tapos--"

"Tapos ano? Type mo sya Mindy? HAHA. Sabi ko na nga ba! Kaya pala palagi mo syang binabanggit. Haynako besti, ano ba naman mga tipo mo. Isnabero?!" natatawang sabi ko na lang habang sabay kaming naglalakad papuntang classroom

"E bakit si Inuyasha ba hindi snob kay Kagome? Oha! Ibig sabihin ba nito, may possibility na magkagusto ka sknya? Kay Charles? E diba palagi kayo ang magkalaban? Hindi ka ba talaga nagkagusto sa kanya?"

"Oy bakit napasama dito si Inuyasha my loves ko? Oy ha! E di ibig sabhin nga type mo si Charles? Knew it! HAHA. And FYI, kahit kailan hindi ko yon magugustuhan, it's a NO NO kasi nga---"

-----------------------------------------------------

TOINKS! HAHAHA. BAKIT NGA KAYA AYAW NIYA KAY CHARLES? HAHAHA. KUNG AKO YON, ANYWAYS, GUSTO NYO PA BA ITULOY KO? OR KORNI NA? (EEEEH! SYANG NAMAN SI EFFORT KO) PLEASE DO VOTE COMMENT BECOME A FAN NA RIN IF YOU WANT! AYOS! MASYADO BANG PREDICTABLE ANG STORY O YUNG AUTHOR? LOL. HAHA. KEEP ON SUPPORTING SAMARA, WHO KNOWS DIBA? MARAMI PA KAYONG DAPAT ABANGAN. LOVE YOU MGA KABISIG! VOTE VOTE VOTE!

Love Repeats?Where stories live. Discover now