"Oo nga ako din ehh tumutunog na ang tiyan ko." Reklamo din ni Hanily.

"Oyy dami mong alaga dahil baka may gong sa loob ng tiyan mo at pinupokpok ng bulate kaya tumutunog." Pabiro ni Irene kaya napahagalpak kami sa tawa.

"Gaga." Natatawang saad ni Hanily.

"Tara." Saby sabay naming tinahak ang daan papuntang cafeteria.

"Grabe  ang lakas ng loob nung babae kanina dahil na kaya niyang ipahiya si Kaisler sa harap ng maraming studyante." Rinig namin ang pag uusap ng dalawang students na nasa likuran namin.

"Naku! Alam Kong gaganti yun si Kaisler. Knowing him." Di ko na lang pinansin ang pag uusap nung dalawa dahil nababanas akong marinig ang pangalan ng lalaking yun.

"Oyy totoo ba yun? May nagpahiya Kay Kaisler?" Pag uusisa ni Irene.

"Ikaw talaga maka sagap ka lang ng chismiss magtatanong agad." Binatukan ni Hanily si Irene.

"Aray! Ano ka ba nagtatanong lang ako Kay Eli dahil baka nakita niya kung sino yung tinutukoy nung dalawang babae kanina." Iritadong sagot niya Kay Hanily.

"Actually ako yung gumawa nun." Seryusong sagot ko naramdaman kung tumigil silang tatlo kaya hinarap sila. Nakita Kong Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

"Ano?" Sabay sabay nilang bulalas.

"Manahimik nga kayo nakaka istorbo kayo." Nakita Kong pinagtitinginan kami ng nga studyanteng napapadaan doon .

"Ahehehe sorry. Pero totoo ba yung sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ulit ni Irene.

"Oo nga ... Kasi may nangyari kanina." Tamad Kong sagot.

"Ano sinabi mo?" Pag uusisa din ni Hanily.

"Hmm..sabi ko kung para sa kanya Hindi madadaan ang lahat sa sorry lang pwes ibahin niya ako Hindi rin lahat madadaan niya sa kayabangan." Saad ko para tumigil na din sila sa kakatanong.

THE BRIDGE OF LOVEМесто, где живут истории. Откройте их для себя