Bigla akong kinabahan sa narinig ko. Babae? Biglang nag sink in sa utak ko si Nikka.

Minadali Kong makasingit sa mga studyanteng nagkukumpulan.

"Excuse me,makikiraan." Tumambad sakin si Kaisler Jhon Rutherford napakarumi ng kanyang jersey. Nagkalat naman sa sahig ang mga natapong pagkain. Wait yan yung flavor ng cake na binili ko.

Nakita Kong nakatingin lang si Kaisler ng deretso sa babaeng ngayon ay nakasalampak sa sahig at nakatungo.

"Shitt Nikka." Bulong ko. Agad ko siyang nilapitan at lumuhod sa harap niya para magkapantay ang aming mukha. Iniangat ko ang kanyang mukha at nakita Kong may dugo sa kanyang labi.

"Nikka ayus ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko. Tumango lang siya sakin kaya inayos ko ang magulo niyang buhok at inalalayan siyang makatayo. Hinarap ko si Kaisler at malamig ko siyang tinitigan. Salubong na salubong ang kanyang kilay at halos di na ito maiguguhit dahil sa sama ng kanyang Aura.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Malamig na tanong ko sa kanya.

"Tsss.. Siya ang may gawa nito sakin." Itinuro niya ang marumi niyang damit.

"Tchh.. Hindi ako bulag para di yan makita. Ang itinatanong ko kung ano ang ginawa mo sa kanya?" Sarkastikong sambit ko.

"Malamang itinulak." Singhal niya.

"Tch. Stupid. Hindi pa ba enough yung sorry niya para itulak mo pa?." Seryusong tanong ko.

"Para malaman mo, Hindi lahat nadadaan sa sorry lang." Sagot niya.

"Mayabang ka rin pala ano?" Nakangisi Kong tugon. Nakita ko kung paano nag iba ang reaction niya nandidilim ang paraan niya ng pagtitig.

"Porket sikat ka kaya mong tapak tapakan lang ang mahihina. Kung para sayo Hindi lahat nadadaan sa sorry lang. Pwes para sakin hindi rin lahat madadaan mo sa pagyayabang. Tsss hangal." Malamig na sambit ko. Pinanliitan niya ako ng mata. Nagulat ako ng hablutin niya ang batok ko at inilapit niya ang kanyang mukha.

"Ang tapang mo." Pabulong niyang saad pero mababakas doon ang authoridad sa pagkakasabi niya. Binitawan niya na ang batok ko at walang atu atubiling umalis siya sa harap ko. Sumunod naman sa kanya yung tatlong alipores niya.

"Ayus ka lang ba Nikka?" Tanong ko ulit kay Nikka.

"Ayus lang ako salamat Eli sa pagtatanggol mo na naman sakin." Nakangiting saad niya.

THE BRIDGE OF LOVEWhere stories live. Discover now