Spell Jelly?? (~^_^~)

Start from the beginning
                                        

Pero Sino ba ako para pigilin siya?, hindi naman kami bakit ko siya piligilan sa gusto niya makasama at siguro nga sa sobrang tagal siguro sumuko rin siya..pero nag seselos talaga ako eh. Itatago ko na nga lang nakakainis na.. Ng biglang umangkla sa braso ko si Anne.

"Hi K, Hi angel may tanong ako sayo?" tanong ni anne kay Angel habang papasok ng Mini store..

"Ano naman yun?" tanong ni Angel habang kumukuha ng basket para pag lagyan ng mabibili namin, habang ako hinihintay parin ang tanong ni anne..

"Angel Paki Spell nga ang Jelly?" Tanong ni Anne..

"Haay naku napakadaling Tanong eh ano pa eh di si Karylle The Amazing Kulot" sagot ni Angel na ikinalaki ng mata ko sa narinig kaya umalis ako sa pafka angkla kay anne at humarap sa kanilang dalawa..

"Excuse me!!, Hindi po ako na jejelly sa kanila malay natin ganyan talaga sila" sagot ko sabay kuha ng Jelly Ace at hinagis sa Basket ni Angel.

"Di daw jelly ( sabay turo sa basket) naku mga Style ni Kulot" sagot ni anne.

"Ewan ko ba kasi sayo Karylle, di mo man lang sila magawang awatin, maski pakikipag-usap kay peter di mo magawa" sagot ni angel ng biglang umarte naman tong si anne na parang may naisip na Bright Idea.

"Ting!!! Alam ko na gusto mo ba na gumawa kami ng paraan para ma solo mo si Mr. Peter?" tanong ni Anne sa akin..

"Naku anne wag na sayang ang Effort kasi kung gusto niya talaga ako makausap hahanap at hahanap yan ng paraan para maka-iwas sa kaibigan niyang Linta!" sagot ko sabay kuha ng chichirya ang panggalan "Linta Siya Chips" kahit saan madikit pag tinikman"

"Alam mo may Point ka rin diyan eh, tama wag kang Mag effort ng di masayang!!" sagot ni Angel.

Ng makapagbayad kami ay dumiretso na kami sa Van kung saan wala pang tao kami pa lang tatlo kaya pumasok na kami ar hintayin na lang sila.. Alam kong Tinted ang salamin at bintana ng Van pero dahil sa Maliwanag at kumiminang na Linta si Kaye nakita ko sila agad na naka angkla parin kay Peter at galing sila sa Coffe Shop Named "Star Square" habang hinihintay ang papalapit na tatlo hiniram ko muna ang earphone ni Angel tutal masarap pa ang Nguya niya sa Linta Siya Chips ng mahiram iyon ay agad akong kunwari'y nag sesenti ako habang nakasilip sa Salamin, Rinig ko ang usapan nila kahit naka earphone ako ..

"Hi Gurls!! Andito na pala kayo, hali na at malapit na tayo sa Enchanted Kingdom!!" sigaw ni Bong habang katabi si anne nagulat ako ng biglang abutan ako ni Peter ng Cappucino Chocolate Café but wait ang name na nilagay niya dun ay "BUKO" means Buhay ko kinilig ako ng onti but ng makita ko ang baso niya at ni kaye para naman akong lalamunin na ng lupa sa sobrang tago ng kaselosan ko alam niyo ba ang nakalagay ay...

Cup of Peter- Babad (Surename of Kaye)

Cup of Kaye- Biseral (Surename of Peter)

Oh!! Sinong di mag seselos dun??, nakakakinis na sobra pa silang mag-on mamaya i-off ko sila eh tingnan natin..Naku kung di lang ako mabait kanina pa kita nabalatan ng buhay (>_

Sa Sobrang inis ko ay di ko pa nauubos ang Café ay tinapon ko na siguro nakita yun ni peter sa Side mirror kaya nag tanong agad siya..

"Bakit mo tinapon di mo ba nagustuhan?" tanong ni peter sabat naman tong si Girl Linta

"ahh sayang naman kung tinapon mo lang" sagot nito, tinggal ko ang earphone ko at sinabing.

"Sayang??, eh di kunin mo tutal nasasayangan ka diba???" sagot ko di ko na mapigil ang selos ko eh!!

All This Time {VICERYLLE}Where stories live. Discover now