Kabanata 2

4 0 0
                                    

Inaya ni Cindy si Samantha na pumunta sa salon. Gusto niyang magmukhang maganda sa paningin ng lahat dahil pakiramdam niya ay pangit siya kahit hindi naman. Siguro kaya siya nagkakaganoon ay dahil sa ginawa sa kanya ni Miguel. Nabubwisit siya kapag naalala ito.

"Sam, kausap mo na naman ba ang hilaw mong boyfriend?"

Hindi siya pinansin ng kaibigan. Nagpapa-manicure at pedicure si Sam habang kausap si Jeffrey sa cell phone. Halatang may sinabi ang huli kaya natulala na lang bigla ang kanyang kaibigan kaya inagaw niya ang cell phone nito.

"Jeffrey, wrong timing ang pagtawag mo," naiinis niyang wika. Pangalawa ang binata sa listahan ng kinaiinisan niyang lalaki sa balat ng lupa. Siyempre, ang una sa listahan ay si Miguel. "Girl bonding namin ang araw na 'to kaya mamaya ka na tumawag kapag wala na kaming ginagawa. Bye!" Ini-off niya ng cell phone bago iyon binalik kay Samantha. "You look pale. Ano bang sinabi sa 'yo ng hilaw mong boyfriend?"

Hindi nito sinagot ang kanyang tanong niya. "Antoinette, narinig mo kanina na magpapa-pizza si Cindy kapag nagpaikli ako ng buhok, 'di ba?"

Puno ng pagtataka ang tinging ipinukol niya kay Samantha. Something was not right. Sinabi niya kanina na magpapa-pizza siya kapag nagpaikli ito ng buhok dahil alam niyang hindi ito papayag sa suggestion nila ni Antoinette. Si Antoinette ang may-ari ng salon na kaibigan din nila.

"Are you sure about it?"

"I'm one hundred one percent sure."

Lagot na! Mukhang sabay silang ngangawa mamaya dahil sa mga walang kuwentang lalaki. Kailangan niyang bumili ng maraming alak. Gusto niyang magpakalunod sa alak at idadamay niya si Samantha.

"Let's celebrate!" masayang sigaw ni Cindy ngunit kabaligtaran n'on ang kanyang nararamdaman. Nalaman niya mula kay Samantha na magpapakasal na si Jeffrey, ang ex-boyfriend ng dalaga na naging male-best-friend nito. "Ang ganda natin, ang ganda rin ng career natin pero pagdating sa pag-ibig luhaan tayo."

Una siyang nagkaroon ng nobyo noong nag-aaral siya sa kolehiyo. Ngunit nag-break din sila dahil ang katuwiran ng lalaki ay palagi siyang busy sa pag-aaral at wala siyang oras para rito. Pagkatapos noon ay ipinangako niya sa sarili na magbo-boyfriend lang siya kapag nakapagtapos na siya sa pag-aaral at magkaroon ng magandang career. Dinedma niya ang lahat nang nagtangkang manligaw sa kanya hanggang sa makilala niya si Miguel. She's already a financial manager that time. Kaya nang ligawan siya nito ay sinagot niya agad ang binata dahil ready na siyang pumasok sa isang relasyon.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Sam.

"Miguel and I broke up last night." Nagsimulang tumulo ang luha niya. "I'm not part of his priorities so I just let him go," pagsisinuwaling niya.

Hindi niya masabi sa kaibigan na sinunod niya ang payo nito at nahuli niya sa akto na nambabae si Miguel. Hindi niya matanggap na mas mahalaga ang sex kaysa sa relasyon nila. At ayaw niyang madagdagan ang iniisip ng kaibigan dahil alam niyang nasasaktan din ito gaya niya.

"Let's drink!"

Finally, mapapakinabangan na rin nila ang isang damakmak na beer na binili niya kanina.

***

"Samantha Garcia," bulong ni Mark habang nakatitig sa pictures ng dalaga. Dinaig pa niya ang isang high school student dahil sa ginawa niyang pang-i-stalk sa profile ni Samantha. Hindi niya dapat iyon ginawa dahil boss siya ng dalaga ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Mayroong kakaiba kay Samantha na nag-udyok sa kanya na kilalanin itong mabuti. Maybe because she looked confident and strong but her eyes showed that she was lonely and heartbroken.

Ilang minuto niyang tinitigan ang larawan ng dalaga bago niya tiningnan ang wall nito. Sa tingin niya ay hindi ito masyadong gumagamit ng Instagram at Facebook dahil wala itong post. May mangilan-ngilan itong pictures dahil may nag-tag dito. Ang nagngangalang Jeffrey Samaniego at Cindy Rella ang palagi nitong kasama sa pictures.

Habang nagba-browse siya ng pictures ay nakuha ni Cindy Rella ang kanyang atensyon. She looked familiar. Parang nagkita na sila noon. Napako ang tingin niya sa dalaga dahil iniisip niyang mabuti kung saan niya ito nakita.

Cindy...

The heartbroken girl who bumped him when he was carrying a box. Naghahakot siya noon ng mga gamit dahil bagong lipat siya sa condo.

"Sir, sasabay ka ba ulit sa 'min mag-lunch?" tanong ni Rica. Mabilis niyang ini-lock ang computer.

Matagal na siyang nagtatarabaho sa kompanya na iyon ngunit ilang linggo pa lang siya sa Maynila. Galing siya sa Pampanga branch ngunit na-assign siya sa Maynila dahil sinibak ang dating cost accounting manager. Gumawa kasi ito ng anomalya sa kompanya kaya ito tinanggal sa trabaho.

"Yes," sagot niya, pero nakatingin siya kay Samantha. Busy ang dalaga kahit tapos na itong magpasa ng report sa kanya. Nagtataka siya kung bakit kailangan pa niyang ma-assign doon samantlang kaya naman ni Samantha ang trabaho niya. "Ms. Garcia, hindi ka ba sasabay sa 'min?"

Mukhang hindi siya narinig ng dalaga. Nakatuon ang atensyon nito sa computer subalit halatang iba ang iniisip nito.

"Sir, pagpasensiyahan mo na si Samantha. Ilang araw nang ganyan 'yan, may problema yata. kon a po ang kakausap sa kanya. Susunod na lang kami."

"Okay!"

***

"Ihahatid na kita." Sinabayan ni Mark maglakad palabas ng opisina si Samantha. Napansin niya kasing may lalaking umaaligid sa dalaga kaya niya ito sinundan.

What the hell he is doing?

Wala naman siyang pinagkaiba sa lalaking umaaligid sa dalaga dahil iyon mismo ang ginagawa niya.

"Sir, thank you pero, hindi na po kailangan," magalang nitong tanggi. "Walking distance lang po mula sa opisina ang tinitirahan ko."

"Please drop the formality. Nasa labas na tayo ng opisina so just call me Mark," nakangiting utos niya. "Kung ayaw mong ihatid kita, sasabayan na lang kitang maglakad," pangungulit niya. Wala namang pinagkaiba iyon. "I won't take no as an answer."

"I'm sorry to say this but I'll be the one to say no for her."

Sabay silang napalingon ng dalaga sa pinanggalingan ng boses. The man who owns the voice was the same man he saw on Samantha's pictures. Tiningnan niya ang profile ng lalaki dahil posibleng karibal niya ito kay Samantha. Natuwa siya dahil nalaman niyang may nobya na ito.

Ngunit ngayong nakita niya ito sa personal at nakita niya kung paano nito titigan si Samantha ay mukhang hindi lang bastang kaibigan ang turing nito sa dalaga. Hindi niya lang maintindihan kung bakit may nobya itong iba.

Napatingin siya kay Samantha. Simula nang dumating ang lalaki ay naka-focus na ang atensyon ng dalaga rito at bigla siyang nawala sa eksena.

Napailing siya bago nagpakawala ng buntong-hininga.

Not again!

Bakit palagi siyang naa-attract sa babaeng may mahal ng iba? Ang saklap! Guwapo naman siya at matalino, pero bakit ganoon?

"I'm sorry, Mark. Let's do it next time."

Tumango siya. "It's okay, Sam. I understand." Base sa narinig niyang usapan ng dalawa ay birthday ng ina ng binata ngunit nakalimutan iyon ni Samantha. "Marami pa namang next time at palagi naman tayong magkasama."

Nginitian siya nito sabay tango. "Bye!" paalam nito.

Napakamot siya sa ulo habang pinagmamasdan ang pag-alis ni Samantha. Hindi pa siya nakakagawa ng hakbang upang lubusan itong makilala ngunit malinaw na may nilalaman na ang puso ng dalaga kaya hanggang paghanga na lang siya.

"Better luck next time," pag-aalo niya sa sarili.

Cindy Rella (Not A Fairytale)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ