Prologue

12 0 0
                                        


Prologue ⚡

Nasa kalagitnaan kami ng klase ng biglang may pumunta isang studyante sa classroom namin at hinahanap ako pinapaunta daw ako sa dean's office. Habang naglalakad ako ang bilis ng kabog ng dibdib ko hindi ko alam kong bakit dahil first time kong mapatawag dito. Hindi pa man ako nakakalayo naririneg ko na ang dalawang boses ng lalaki na tila nag aaway sa loob ng deans office napansin ko din sa gilid ng pintuan nandon ang mga varsity player maya maya pa nakita ko ang coach ng basketball team. Nong makita ako nito agad akong tinawag, pagpasok ko sa loob laking gulat ko na parehas may mga sugat ang mukha ng dalawang taong nasa harap ko.

"Mabuti naman at dumating ka santos, pinatawag talaga kita dahil hindi tumitigil ang dalawang ito sa pag aaway. Alam ko wala ako sa lugar para magsalita tungkol sa personal na issue niyo pero dahil nasa loob kayo ng school ay may karapatan ako magsalita. Gusto kong kausapin mo sila na magkaayos dahil kong hindi ay mapipilitan akong i'suspende  sila sa paglalaro at sa klase nila. Kaya bibigyan kita ng oras na kausapin sila kakausapin ko muna ang coach nila dahil sa behavior nitong alaga niya."-Dean

Tumango naman ako habang tinitignan na naglalakad palabas si dean pati si coach. Pagalis nila agad akong kinurot ang tenga nila ng sobrang lakas.

"Aray! Aray."-Gio

"Masakit, araw bitaw!-Rocco

"Masakit? Eh yung ginawa niyong pag aaway hindi masakit?!"

Sabi ko sakanila saka kinurot ang tenga nila wala akong paki kong mamula ito dahil sa hindi na nila ako tinitigilan dalawa. Puro nalang sakit ng ulo ang binigay nila sakin!

"Aray! Masakit na ah! Sinasabi ko lang sayo makalabas lang ako dito hahalikan talaga kita."-gio

Kaya mas lalo ko itong kinurot! Hindi naman nagpatalo si rocco humirit din.

"Asa ka naman! Akin lang siya hinding hindi mo siya mahahalikan. Di ba mahal ko?"-rocco

"Nako ha! Tigil-tigilan niyo lang ako sa mga ginagawa niyo? Ang sakit na ng ulo ko sainyo hindi niyo na ko tinitigilan! Hindi pa ba kayo kontento na sa pagaway niyo nong isang araw tapos ito nanaman kayo?"

"Eh kasi bakit ayaw mong sabihin samin kong sino ang pipiliin mo? Ako o yang ex mong manloloko."-gio

"Hoy! Hindi ako manloloko. Hindi kita minamadali mahal ko handa akong maghintay na mapatawad mo. Kong ano ang desisyon mo tatangapin iyon. Alam ko naman na ako ang pipiliin mo at hindi siya."-Rocco

"Asa ka naman! Di ka na babalikan niya. Kong hindi ka lang naging gag* edi sana kayo pa. Ngayon na ako na ang bumubuo sakanya muli saka susulpot para ano? Para saktan? Para sirain   uli siya?"-Gio

Natahimik naman si rocco sa sinabi nito. Pero ang loko ngumiti lang at hinawakan ang kamay ko ay nagsalita.

"Hindi naman porke sinaktan ko siya eh hindi ko na pwedeng itama ang nagawa ko na mali, kaya nga may second chance eh ito ay para makabawi sa pagkakamali ko na nagawa sakanya. Mico pakinggan mo ang puso mo alam mo kong sino ang tinitibok ng puso mo alam ko na ako pa din ang tinitibok ng puso."-Rocco

Binitawan ko ang kamay niya dahil pumasok na ang dean sa loob pati na si coach ngumiti muna sakanila bahagya ng konti bago magsalita.

"Ano kamusta? Nakausap mo na ba sila?"-dean

Huminga muna ko ng malalim, bago nagsalita sakanila.

"Una sa lahat gusto kong sabihin sainyo na hindi ako pumasok sa paaralan na ito para magkaron ng love life. Pangalawa wala akong pinipili sainyo dahil parehas kayong wala sa lugar. Ikaw gio kelan ka magbabago? Kelan mo matutunan na hindi pairalin  ang pagiging mainitin ng ulo at ang pagiging bully mo. Ikaw naman rocco matagal ng tapos ang satin kong ano man meron satin mananatili nalamang iyon sa nakaraan. Paki usap ko lang itigil niyo na to gusto ko lang matahimik na buhay. Kong hindi niyo pa din ito maiintindihan bahala na kayo sa buhay niyo malaki na kayo alam niyo na ang tama at mali. Dean pasensya na po sa nangyari ako na po ang humihinge ng pasensya para sakanila pati na din sainyo coach alam ko na matagal-tagal pa ang pagsasamahan niyong tatlo sorry po kong dahil sakin eh nagkakaron ng ganitong gulo. Hindi ko po intensyon ito. Pasensya na po babalik na po ako sa klase."

Sabi ko sakanila saka naglakad palabas ng office. Siguro naman maiintindihan nila kong bakit wala akong pinili sakanila.





M A H A L K O O M A H A L A K O ⚘
JULY 4, 2020
WRITTEN BY : HAVEYOUSEENTHISGUY05
💜❤❤💛💚

Mahal ko o mahal ako (Bromance)Stories to obsess over. Discover now