"Pero alam mo, noong graduation, nakausap ko siya," she chuckled. "May nabubuhay na pag-asa sa puso ko noong yakap niya ako, eh. Alam mo 'yon?" she sighed. "Kaso tinawag na siya ng girlfriend niya. I had to leave. And then I realized, hindi nga niya ako pinili, eh. Bakit naman ako aasa pa sa kan'ya, hindi ba?"

I pursed my lips as I smiled at her.

"You'll find someone better than him soon."

"Nah," she sighed. "He's the best. Nobody beats Maverick."

"So, anong plano mo?"

"Magtrabaho at mag-move on, of course," she laughed. "Hindi puwedeng ikaw lang ang makaka-move on sa magto-tropa na 'yon. Ako rin," I looked at her and she smiled at me.

Tumango ako. "Basta piliin mo palagi kung saan ka sasaya."

"Eh hindi ako pinili," tumawa siyang muli. "Okay lang. Na-realize ko lang na hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Saka na lang ulit ako magbo-boyfriend kapag sigurado na akong pipiliin niya ako, kahit sa mga araw na hindi ko kayang piliin ang sarili ko."

Ngumiti lang ako sa kan'ya at hindi na nagsalita dahil halata namang tinatapos na niya doon ang usapan.

We stayed at the Lighthouse Marina Resort for two days and a night, enjoying each other's company, taking hundreds of photos of each other, though alam naman naming isa lang ang mai-u-upload namin doon dahil pareho kaming tamad mag-upload sa Instagram.

After our beach bonding, dumiretso kami sa Talisayen Cove. Like Travis and I did, we camp in a tent, but with Tori, of course, swimming will always be there.

Linggo ng hapon nang nagpaalam siya sa pamilya ko na uuwi na ng Baguio. Nag-iwan pa ng napakaraming gamit na pinamili niya para sa amin bilang pasasalamat daw sa pagpapatuloy at pagpapakain ng lutong nanay na hindi niya masiyadong natitikman.

"Bumalik ka kahit kailan mo gusto. Welcome na welcome ka rito," sabi ni Mama tapos ay niyakap si Tori.

Niyakap din ni Tori si Ate at si Papa, bago tuluyan nang lumabas ng bahay. Inihatid ko siya sa gate. Nang makalabas kami ay nakita kong nangingilid na ang mga luha niya.

"I don't really cry, Mary," she sighed as her tears fell. "But this is the only place I felt that I have a family," she sniffed as her face turned red because she's crying. "Thank you so much for letting me in."

Ngumiti ako at yumakap sa kan'ya. Yumakap siya pabalik sa akin. Narinig ko ang mga hikbi niya sa tainga ko, at masakit na marinig iyon sa kan'ya.

"You can always come back any time you want," I said.

Lalo siyang umiyak. "Thank you," she sobbed. "Thank you for being the best friend I'll always be thankful to have."

Nang kumalas ay kumaway na siya sa akin.

"Ingat sa pagdi-drive, ah? Call me when you get there," I said.

Tumango siya at kumaway na ulit, bago tuluyang pumasok ng sasakyan. Nang mag-drive siya paalis ay doon ko lang naramdaman ang lungkot. Doon ko pa lang naramdaman ang pag-iyak dahil ang hirap na ang tagal ulit bago kami magkita.

Sepanx again, Mary. You'll be fine soon. At nand'yan lang si Tori. Magkalayo lang kayo pero nand'yan pa rin siya for you.

Nang tuluyan nang nawala sa paningin ko ang sasakyan ni Tori ay pinunasan ko ang mga luha ko at pumasok na sa loob, tsaka isinarado ang gate.

***

Two years have passed, and so many changes happened.

Ikinasal na si Archie at Joy few months ago, and I was the maid of honor. I am so happy and proud of the two because after their long-term relationship, endless fights and all, sa huli ay sila pa rin ang nagkatuluyan.

Unlabeled [Baguio Series #1]Место, где живут истории. Откройте их для себя