Natawa ako. Hindi ko pa nga pala naikuwento sa kan'ya na natupad ang pinagdarasal niyang magkita kami.

"Tori, he's here."

"Sino? Gian? Of course he's there! D'yan siya nagwo-work, eh."

I chuckled. "I mean, si Travis. The never have I ever guy."

Ilang saglit siyang tumahimik bago tumili. "Omg! Really?! I'm so happy, my prayers were answered!!!"

Ang dami niya pang sinabi na sobrang saya niya raw dahil doon, na worth it daw ang lahat ng pagpi-pray niya na magkita kami, at kung anu-ano pa. Ikinuwento ko na lang sa kan'ya ang lahat lahat simula noong magkita ulit kami.

"Really, ngayon mo sabihing hindi totoo ang naramdaman niya sa 'yo sa Baguio! That guy really did the research on finding you for those seven months! Ikaw, nagmana ka yata kay Gian, g-in-host mo 'yung tao! Hay nako, makakatikim talaga sa akin ng masasakit na salita ang kaibigan ni Maverick!"

I sighed, slightly chuckling. "Titigil din 'yon."

"I bet not," she chuckled. "Anyway, noong minsan pala ay umuwi rito si Gian at nakipagkita sa akin. You two talked daw?"

Muli kong naalala ang huling pag-uusap namin ni Gian. Hindi ko na siya ulit nakita pero nakikita ko siya sa notification ng Facebook ko na nagre-react sa posts ko, at nagli-like sa Instagram. He's even viewing my IG stories kahit an kung anu-ano lang naman ang inilalagay ko ro'n.

I've never heard from him anymore, after that. What happened to him?

"Ahh, oo," I answered. "Well, he's saying sorry. And he wants me back."

Humagalpak ng tawa si Tori sa sinabi ko. "Ikinuwento nga niya sa akin! Alam mo bang pinagtawanan ko siya? Sabi ko sa kan'ya, do you really think you still deserve Mary after that? And he fucking cried!" muli ay humagalpak siya ng tawa. "Sobrang lasing na kasi niya tapos kinuwento niya nga 'yon. Alam niya namang wala siyang maririnig na magandang salita sa akin dahil doon sa ginawa niya! The nerve of that guy!" he laughed again.

"Tama na 'yan, hayaan mo siya," I sighed. "Nag-aalala din ako ro'n kasi noong nag-usap kami, sinuntok siya ng best friend ko. Of course, our best friends are the one who will never move on from the pain that someone imposed to us. Kahit naman okay na ako sa ginawa ni Gian at ready na akong maging friend niya, Archie will never forget that. Nakita raw niya ang naging epekto sa akin and he hates it."

Tori sighed. "Ang sarap magkaroon ng gan'yang friend. I have friends too but some of them are younger than me, I swear. They have band and we only saw each other when we go to bar. Mga ganoon lang. And I have guy friends also but they always try to hit on me. I don't like that. I'm glad you found a guy friend with no malicious intentions to you."

I chuckled. "Archie is not that type of a guy. He's a good man. At sino pa bang magkakaroon ng masamang intensiyon sa akin? I'm not pretty, though."

"You're pretty. You're just too clouded with your negative thoughts that your eyes and mind are both focused on the negative things you see, when there are a lot positive things about you. I hope you'll see what we saw in you soon."

I smiled. "Thank you. Sana magkabalikan na kayo ni Maverick."

She chuckled. "Hindi na muna. Na-realize ko lang from Gian that this breakup thing is the best for us. Saka na lang kami magbalikan kapag kaya na naming piliin ang isa't-isa," she laughed. "And I am happy, okay? Don't mind me. Makiki-kilig na muna ako sa lovelife niyo, and it's enough for me for now."

"So, close pala kayo ni Gian? Mabuti at hindi ka pinopormahan niyan." I laughed.

Humagalpak siya ng tawa. "No way! Hindi namin type ang isa't-isa. At siyempre, naging boyfriend ko ang tropa niya. Gian's just someone I always talk to about some things, you know. George is, also. Mabuti nga at hindi selosa ang girlfriend no'n. I want to meet her too. Sana magkaroon tayo ng time na tatlo, 'no?" she chuckled. "It would be great, I think."

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now