I smiled slightly as I also realized that.

"Titigil din 'yon. Just wait. He's going to stop soon, at ipapahiya niya ang sarili niya sa pamilya ko... sa akin." I sighed. "Hindi na ako maniniwala kaagad, Archie." I smiled at him. "Lesson has already been learned."

He scoffed. "Tang ina kasing Gian 'yan, wala nang ginawang tama," umiling pa siya na parang dismayadong-dismayado. "Hindi lahat ng lalaki, katulad ni Gian."

I laughed. "Sinabi mo rin dati, noong panahon ni Gian, na hindi lahat ng lalaki, katulad ng ex ko. Anong nangyari? Iniwan ako nang walang salita. He told me he did something wrong so he probably had a woman too while he's with me... I mean... we're basically not together because we're not labeled. But... did you get me? 'Yung respeto sa akin, wala." I shrugged.

"Tss. Hindi ko naman kasi sinabing i-settle mo 'yang sarili mo sa MU MU lang. You deserved more than that..."

I smiled. "Hindi ba dapat nagpapasalamat pa ako na hindi ko ibinigay sa kan'ya 'yung label? Kung binigyan ko ba ng label ang mayroon kami ni Gian, hindi niya ako iiwanan nang ganoon?"

He shrugged. "I don't know. Pero tama ka. Kilalanin mo na muna 'yung tao. Huwag kang magpapadala kaagad d'yan. Naku, sasamain ka na talaga sa akin Mary dahil d'yan!"

I laughed. "Hindi naman."

"Tss. Ikaw, ah? G-in-host mo 'yung tao? Umalis ka raw ng Baguio nang hindi nagpapaalam sa kan'ya kaya all these past months, ang ginawa raw niya ay hanapin ka."

I smiled. "Hindi naman g-in-host. Wala namang namagitan."

"You just told me a while ago that the both of you ki-"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at tumingin sa loob ng bahay, baka may makarinig. Tinampal ko ang bibig niya ng palad ko, dahilan para matawa siya.

"Masiyado kang maingay para sa isang lalaki, alam mo 'yon?" muli ay tumawa siya. "'Yun lang naman! Nadala lang ng kalungkutan!"

Pinagtawanan niya ulit ako. "Nakakatawa ka palang malungkot."

Pati ako ay natawa na rin sa sinabi niya.

"Seriously, Mary. I think he deserves a chance to prove himself to you. Kung ayaw mo talaga, basted-in mo. Ez." He shrugged.

I sighed. "Hindi magpapa-busted nang basta basta 'yon. Naniniwala siyang may naramdaman ako sa kan'ya noong nasa Baguio kami, eh."

He chuckled slightly. "Ako rin, eh."

I looked at him and saw that he's stretching his arms upwards, parang nag-iinat. Tumingin siya sa akin at ibinaba ang dalawang braso, tsaka ipinatong ang siko sa hita at ipinatong ang baba sa palad.

"Pero hindi naman kita masisisi kung maisip mong hindi totoo lahat ng naramdaman niyo sa Baguio. Kahit ako ay ganoon ang iisipin ko. Tama lang din ang ginawa mong umalis, kasi kung itinuloy niyo nang pareho kayong may sakit na nararamdaman mula sa nakaraan, ginawa niyo lang rebound ang isa't-isa. You don't deserve that position; you're better than that."

I nodded, because finally, someone understands what I wanted to say.

"But, since I saw in him that he's serious, give him a, at least, chance. Tingnan mo rin. Huwag mo na lang ulitin 'yung nangyari noon. I know that you know what to do now that I saw that you really learned from what happened with you and Gian. I will trust you now more than I have ever trusted you before."

I chuckled before hugging his arms and putting my head on his shoulder. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang comfort na dala ng malamig na hangin at ng tao sa tabi ko.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now