Napasigaw ako, kasabay ng pagtakto papunta kay Archie at paghila sa kan'ya palayo. Nakikita ko ang mga tao sa labas na nakatingin na sa amin at nanonood ng kung anong gulo na hindi naman na dapat pa pinanonood.

"Ang kapal ng mukha mong putang ina ka!" malakas na sabi ni Archie.

Aamba sana ulit ito ng suntok dito pero humarang ako sa pagitan niya at pinigilan siya.

"Tama na!" sigaw ko kasabay ng pagsigaw ko.

"Mary..." rinig kong tawag ni Gian na hindi ko na pinansin.

"Tang ina, ang kapal ng mukha, eh! Matapos ng lahat ng ginawa sa 'yo, magpapakita siya sa 'yo ngayon?!"

Napailing ako kasabay ng mabilis na pagtulo ng panibagong mga luha habang hinihila siya palayo doon.

"Tara na, Archie!" sigaw ko gamit ang basag na boses.

Narinig ko ang buntonghininga niya bago ako hinila palayo roon. Lumingon ako kay Gian na tumatayo na ngayon, at halatang nagalit sa ginawa sa kan'ya. Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin siya sa akin at hinayaang hilahin ni Archie.

Nakarating kaming dalawa sa bahay niya at hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak dahil sa pag-aalala, kay Gian, at kay Archie na nakita kong sumasakit ang kamay ngayon. Nasa living room kami ng bahay nila at sinusubukang imasahe ang kamay niyang mukhang napilay sa lakas ng pagkakasuntok kay Gian.

"Ang tigas ng mukha ng putang ina," sabi ni Archie habang nagbubuga ng buntonghininga. "Tang ina, sabi ko sa 'yo, Mary, huwag siyang magpapakita at makakatikim talaga ng masakit-sakit ang putang inang 'yon, eh."

"Tama na..." I said as I sobbed.

"Ano bang iniiyak-iyak mo d'yan? Tumigil ka nga d'yan. Dapat lang sa kan'ya 'yon," sabi niya bago pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya.

Tumingin ako sa kan'ya. "Wala naman na sa akin! Kaso nag-aalala ako, dumugo ang gilid ng labi niya! Archie naman bakit naman gano'n? Sabi ko 'di ba? Huwag na, tama na. Kasi maayos na ako. Ilang buwan naman na at okay na talaga ako."

He scoffed and stopped wiping my tears. "Ha! Kung naka-move on ka na sa ginawa niya sa 'yo Mary, ako hindi! Tandaan mo na lahat ng lalaking mananakit sa 'yo ay makakatikim nito!" ipinakita niya sa akin ang kamao niya na ngayon ay alam kong nasasaktan na.

Hinampas ko na lang ang dibdib niya at kinuha ang cold compress na dinala kanina ng Mama niya at inilagay iyon sa kamay niyang nasasaktan ngayon.

Nang makauwi ako sa amin nung gabi ay binasa ko ang mga text ni Gian sa akin.

Gian:

I just wanted to talk to you.

Gian:

I'm sorry that you had to see that. I deserved that, so it's fine.

Gian:

Can you go out?

Kinagat ko ang ibabang labi ko sa pag-iisip ng kung anong puwedeng i-reply sa kan'ya. Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha ang bagong number ko; nagulat na lang ako noong isang araw na nag-text siya at nagpakilala pa.

I typed my reply.

To Gian:

Ano 'yung pag-uusapan?

Gian:

Everything. I need to clear everything. And I realized something. Please, talk to me, Mary. I have so much to tell you.

Nagbuntonghininga na lang ako bago kinuha ang jacket at lumabas ng bahay. 8:00 PM pa lang naman at tapos na akong mag-dinner kaya lumabas na rin ako.

Unlabeled [Baguio Series #1]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt