Nangilid ang mga luha ko sa sinabi niya at nag-iwas na lang ng tingin.

"Alam kong wala na akong mababago kahit ilang sorry pa ang sabihin ko, at alam kong ayaw mo na ng explanations, kasi alam kong unti-unti ka nang nagiging maayos. And hearing my explanation now will make things become worse."

I nodded, because the last thing that I want is to hear the reasons, and I do not want them anymore.

"Mary... sorry. I'm really, really sorry."

Umiling ako. "Okay na, Gian. Maraming beses ka nang nag-sorry. At gusto kong malaman mo... pinapatawad na kita."

Totoo iyon... totoong pinapatawad ko na siya.

Sa pananatili ko rito for a month, na-realize ko na walang pupuntahan ang lahat ng galit at sama ng loob ko. Na... kung sa tingin ko naman ay maayos na ang pakiramdam ko, bakit hindi pa ako magpatawad ng mga taong nakasakit sa akin?

He smiled. "Can we still...be friends?"

I smiled bitterly. How can we be friends when he left a scar in me?

"Puwedeng...puwedeng huwag na lang?" his smile vanished. "Hindi naman kasi biro 'yung pinagdaanan ko," I chuckled as tears began to fall. "Hindi naman sa lahat ng oras, dapat kayong maging magkaibigan ng taong naging parte ng buhay mo, lalo na kung grabe 'yung sakit na iniwan niya sa 'yo..."

Umawang ang bibig niya. "Mary..."

"Hindi naman na ako galit, eh. Hindi na ako galit sa 'yo, kasi choice ko rin 'yon. Ang sa akin lang kasi, hindi na ako kumportable sa 'yo para maging kaibigan kita sa ngayon. I will always see you as someone who hurt me; someone na pinaasa ako at iniwanan nang walang dahilan. I don't want a friend like that, and that's why, we can't be friends anymore."

Yumuko siya at hindi na nagsalita. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Hindi ako magso-sorry sa 'yo dahil dito, kasi alam kong nakukuha mo naman 'yung punto ko. Hindi rin kita sinisisi, kaso Gian, ako 'yung problema, eh. 'Di ko pa napapatawad sarili ko sa mga nangyari sa akin at sa trabaho ko, and it's my choice for being like that. Kaya ito, kinailangan ko ilayo ang sarili ko sa lahat, para mag-heal. And being friends with you again, now, will never help me in anything."

Nanatili lang siyang nakayuko, at hindi na kinontra pa ang mga sinabi ko. Alam kong gets na niya ang gusto kong iparating. Alam kong naiintindihan na niya ako.

Ilang sandali pa ay tinawag na ang mga pasahero ng bus na aalis na in five minutes.

I stood up. "So, paano ba 'yan? See you when I see you in Zambales?"

He stood up too. "See you." I nodded. "Promise me not to fall for someone like me again." I chuckled with what he said. "Promise me to be totally okay again..."

"I am getting there." I said.

"Good." He said. "Mag-ingat ka sa byahe."

Tumango na lang ako at nagpaalam na sa kaniya bago ipinalagay sa compartment ang mga bagahe, tsaka sumakay sa bus.

Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob ng bus na sasakyan ko pauwi ay may bigla akong naalala. Nagpaalam ako sa driver at kundoktor na may ibibigay lang ako sandali sa kaninang kasama ko. Nagreklamo ang driver pero pumayag din sa huli.

Nang makababa ako ay nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ako.

"Gian..." pagbanggit ko ng pangalan niya.

"Oh, Mary..."

"May nakalimutan ako."

"Ano 'yon?"

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now