"You like that cheesy movie?" he chuckled.

"What's wrong with romance movie?" I asked.

He shrugged. "I just find them corny."

Natawa na lang ako. He's a guy, by the way. Gusto kasi nila ay puro patayan at barilan. Napapailing na lang ako, lalo na at naalala ko pa ang Papa ko na paborito si FPJ. Well, buong pamilya ko naman ay fan ni FPJ. Even my sister. Kaya naman noong mamatay ito ay talagang nalungkot sila.

"You're that cold?"

Napalingon ako sa kan'ya nang muli siyang magtanong. "Why?"

"'Yung kamay mo, eh. Parehong kumukuha ng lamig sa coffee mug. Malamig na 'yan mamaya," he chuckled.

Napatingin ako sa kamay ko at nakitang nakahawak nga sila pareho. I laughed. "Giniginaw ako, eh."

Ininom ko na ang kape at napagtantong lumamig na nga iyon.

"Come here."

Lumingon ako sa kan'ya at nakitang nakalingon na talaga siya sa akin at nakapatong na ang kaliwang binti niya sa couch.

"Bakit?" kunot-noong tanong ko.

"My hands are warm. I'll warm it," he said.

I chuckled. "Huwag na. This is enough."

Tumawa siya bago kinuha ang kape sa kamay ko at ibinaba iyon sa center table. Pagkatapos no'n ay kinuha niya ang dalawang kamay ko at pinaglaruan nang pinaglaruan para uminit...tulad ng mga palad niya.

Parang nagwala ang puso ko sa ginawa niya. Napaiwas ako ng tingin at itinuon na lang ang paningin sa TV, kunwari ay hindi naaapektuhan sa ginagawa niya sa akin.

"You've got soft hands," he said. "It's nice to hold."

Napalunok ako doon. Bakit ba sinasabi niya 'to?

"May pupuntahan ka ba? Ang aga mong gumising."

Lumingon ako sa kan'ya, at nawala na kahit papaano ang awkwardness.

"Uhm, sa Café in the Sky sana. Kaso umulan. Ang lakas pa."

He chuckled. "Was that your favourite tourist spot?"

Napakunot ako ng noo. "Huh?" Paano niya nalaman, at paano niya nasabi?

Nag-iwas siya ng tingin, tsaka tumawa. "Wala."

Hindi na lang ako sumagot pa at hinayaan siya. Nang maramdamang mainit na ang mga palad ko ay binawi ko na iyon at itinago sa bulsa ng makapal kong jacket.

"Uhm...hanggang kailan ka rito?" tanong niya.

Kinuha ko ang kape at ininom iyon. "Indefinite stay ako. Hindi ko pa alam kung kailan, pero sa tingin ko naman ay may one or two weeks pa ako."

Tumango siya bago itinuon ang mata sa TV. "You'll tell me when you're going home, okay?"

Lumingon ako sa kan'ya. "Bakit?" I laughed.

Nagkibit-balikat siya. "Gusto ko lang malaman..."

I sighed as I looked at the TV. "Dapat nga ay noon pa ako umuwi. My birthday is coming. Dapat yata na doon ko i-celebrate sa amin ang birthday ko," I looked at him again. "Pero gusto ko lang ng bagong experience ulit."

"Anong bagong experience?" tanong niya nang nakakunot ang noo, bago lumingon sa akin.

"Gusto ko mag-celebrate nang mag-isa."

He laughed. "You're loving your alone time with yourself, huh, woman?" he asked. I laughed. "Kailan?"

"Ang?"

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now