The vocalist looks younger than me too, but I don't think he's too young. Hmm...nineteen, I guess? Or twenty?

"Kasi medyo naiinip na ako...sa ikot ng mundo..."

Napapaindak na ang ulo ko. Muli akong napangiwi sa lasa pero masarap ito kaysa sa Tequila, 'no! Nang maubos ay muli akong in-order-an ng panibagong cocktail drink ng kasama ko.

"Hindi ka ba malalasing?" tanong niya. "Do you really drink?" tumango ako. "Sure ka, ah? Hindi ka malalasing..."

Tumawa ako. "Kaya ko, don't worry. Hindi ako magpapakalasing dahil wala naman ako sa amin."

Ngumiti siya at nag-order sa barista ng Tequila Sunrise. "Pagkatapos nito, tama na. You can have beer if you still want to drink."

Tiningnan ko ang oras sa relo at nakitang almost 10:00 PM na. Tumingin ako sa kan'ya at tumango.

Panibagong kanta na ang itinutugtog ng banda ngayon, pero OPM pa rin.

"Tensionado...nagulat din ako nung malaman... na hindi lang pala ako 'yung nanghinayang..."

Ibinigay na sa akin ang Tequila Sunrise. Napasabay ako sa pagkanta sa bokalista.

"Nung nag away tayo nun at natuluyan sa iyakan at tampo..."

Tumingin ako sa kasama ko at nakitang nakatingin siya sa akin ngayon. Ngumiti siya nang bahagya bago ininom ang laman ng shot glass. Ininom ko na rin ang Tequila Sunrise.

Medyo nahihilo na ako, pero kaya ko pa naman. Natural lang ang hilo na ito para sa bago pa lang umiinom ng cocktail drinks.

"Sandali lang... 'wag ka munang magsalita
'Di ko hahayaan... lahat ito ay mawala
Ang iniisip ko... kung pwede pa ba tayo..."

Bandang 10:45 PM nang lumabas na kami ng PLANET bar. Nakadalawang beer ako pagkatapos ng Tequila Sunrise, and I'm proud of myself because I am not yet tipsy. Kaonting hilo lang, pero okay pa naman.

"May balak ka pa bang puntahan?"

Lumingon ako sa kan'ya bago buksan ang pintuan ng shotgun seat.

"Gusto ko pa sanang maglakad-lakad," I said.

"Malcolm Square, do you want?"

Nagkibit ako ng balikat. "Okay lang," I said.

Sumakay na kami nang sabay sa sasakyan niya. Nagsimula na siyang mag-drive habang ako ay tahimik lang na nakaupo, nakatingin sa labas na napupuno na ng Christmas lights ang mga daanan. Malapit na rin ang pasko.

Nang makarating kami sa Malcolm Square ay nag-park siya sa malapit na parking space, tapos ay lumabas na kaming pareho. Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang malakas at malamig na hangin ngayong gabi. Pakiramdam ko ay tinatangay ang ulo kong nahihilo, kaya lalo akong nahihilo ngayon. Ilang sandali pa ay nakita ko siya na tumakbo para masabayan ako sa paglakad.

Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya, pero pakiramdam ko naman ay hindi na kailangan, dahil hindi naman kami magtatagal na magiging magkasama.

Temporary lang naman.

"Lasing ka yata, ah?" he asked, chuckling.

Umiling ako. "Hindi. Medyo hilo lang pero okay naman."

Tahimik kaming naglakad sa kagandahan ng lugar sa Malcolm Square na may mga pedestrian lane. Pinaliliwanag din ito ng Christmas lights dahil nga malapit nang sumapit ang pasko.

I am so, so satisfied with my decision to go here in Baguio. Naiisip ko pa rin siya, pero hindi na gaanong masakit. I'm happy that I am slowly healing now.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now