PART 2

2.3K 78 1
                                    

Halos araw araw ganun nga ang nakikita kong senaryo sa harap ng bahay ng tita ko ang mga walang magawa sa buhay na mga tambay..ganun pa din ginagawa ko hindi ko sila pinapansin...hanggang dumating ang pasukan halos hindi ko na din sila nakikita kasi aalis ako ng 8 ng umaga umuuwi ako ng 5 ng hapon minsan inaabot pa ako ng 6 pag traffic...ok naman ang trato ng tita ko sa akin parang tunay nya din akong anak minsan sobra pa ang baon binibigay sa akin kaya ang ginagawa ko iniipon ko pag umabot na ng isan libo naipon ko pinapadala ko sa magulang ko para makatulong kahit baon man lang ng mga kapatid ko kahit sinasabihan nila ako na wag sila intindihin pero hindi ko sila pinapakinggan alam ko kasi ang hirap  kung paano binabudget ni mama ang sweldo ni papa..

Sabado na naman wala din akong pasok kasi full load ako ng monday hanggng friday...yon pa din ang routine ko pag nasa bahay ako nagdidilig ng halaman sa umaga at sa hapon..bago ako lumabas nakita ko na naman ang mga tambay sa harap ng bahay namin..

Lesbian 1

Miss..psst..pssssst ganda ganda babae ako si chetaeeeè..miss anu pangalan mo maawa ka naman sa isang mapagmahal at guapong katulad ko magpakilala ka naman

Nagmamadali akong pumasok sa loob bwisit na bwisit ako sa pakiramdam ko binabastos ako..pumasok ako na parang nagmamaktol..wala pa naman ang tita ko..kaya si manang na lang ang knausap ko ang kasambahay ng tita ko

Ako:
Manang nakakainis talaga yong mga nakatambay na tibo dyan sa tindahan lalo na yong singkit bwisit na bwisit ako bastos lagi ako pinagtritripan buti sana kung totoong lalaki sya kung makaasta
Manang:
Wala kasing pasok kaya andyan sila..baka nagandahan lang syo o baka crush ka makukulit kasi mga bata pa...alam mo ang usap usapan nga dyan sa batang yan pinababayaan na ng magulang kung anung gusto nyan nagsawa sa katigasan ng ulo nakailang skul na nga daw yan lagi nakkick out mahilig pa daw mambully..at my nasagap din ako dyan kasi kaibigan ko yong isang katulong nila nabuntis daw ang batang yan nung 2nd yr highschool yan dapat college na yan highschool pa lang yata yan ngayon
(Tsismosa si manang hehehe)
Ako:
Bata pa kung 2nd yr higschool eh d nasa 14 yrs old lang sya tomboy sya tapos nabuntis
(Nakitsismis na din hehehe)

Manang:
Kasi daw nakipag inuman yata nalasing yon nabuntis ng kabarkada nya din eh parehong bata kaya hindi nademanda ng magulang at saka ayaw na din ng eskandalo kaya pinalabas na kapatid nya ang bata kasi yng magulang nya din ang nakalagay daw sa birthcertificate ng bata..
(Hanep si manang detalyado ang balita daig pa si boy abunda hehehe)
Ako:
Imbis tumambay hindi na lang alagaan ang anak nya para my pakinabang naman sya
Manang:
Hindi nga daw nya pinapansin ang bata..mayaman naman sila atsaka my yaya naman ang bata mahal na mahal ng magulang nya kasi lalaki..yan kasi sila 4 na magkapatid lahat babae alam mo naman ang intsik pabor na pabor sa batang lalaki kaya tuwang tuwa sa apo nila
Ako:
Ganun ba kaya lang ang bastos nakakainis
Manang:
Wag mo na lang pansinin titigil din yan pag nagsawa sa pang aasar syo
Ako:
Ganun na nga ginagawa ko..cge manang akyat muna ako gagawin ko muna yong assignment ko

SINO BA SILA???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon