"Ang cute nga ng mag-ama mo ineng." Nagulat ito sa taong nagsalita kaya napatingin siya roon sa kanyang likuran.

Isa iyong matanda, kasamahan ng mga taong naglilinis ng park dahil may hawak-hawak itong grass cutter. Atarah just smiled pagkatapos ay nagpaalam na rin iyong matanda sa kanya.

Matapos maglaro ng dalawa, saglit na nagpahinga ang mga ito sa isang bakanteng swing na nasa tabi niya. Atarah carried TJ and placed him on her lap saka nito pinunasan ang pawisang bata. Her eyes narrowed when she heard her son's breathing. It's different and Thyron Jae looks pale.

"What's wrong?" Tanong sa kanya ni Neon na noo'y nakatitig na sa dalawa.

"His heartbeats are so fast." She answered.

"Ang kulit kasi ng anak mo. Napagod lang 'yan sa kakalaro." Saad ng lalaki at natawa na lang si Atarah nang sabihin niya iyon sa kanya.

"Ang kulit nga. Mana sa'yo." Then she threw him one small towel.

Maging ito kasi ay pawisan din. Inalis na lang nito ang suot ng bata at pinalitan ng bago then pinulbusan nito ang kanyang likod.

Inilabas ni Atarah ang ilan sa mga pagkaing dala niya at pinagsaluhan nilang tatlo iyon. Having enough rest, muling bumalik ang mga ito sa paglalaro.

Hinayaan na lang nito ang dalawa. Ayaw niya rin naman silang istorbohin since the two of them were enjoying. Katunayan ay nakisali pa nga ito at buong maghapon silang nagstay roon sa park.

Mula sa byahe nila pauwi ng bahay, nakatulog na ang bata sa kandungan nito. Halatang napagod ng husto.

Noong gabing iyon ay roon na naghapunan si Neon. Gusto nga niyang magstay pero umuwi pa rin ito sa bahay nila dahil marami pa siyang kailangang asikasuhin. Inahatid na lang ito ni Atarah sa may gate nung pauwi na ito.

"Thank you Neon." She smiled.

"Come on baby, it's nothing. Now get inside. Patulugin mo na lang ang bata. Baka kapag nakita pa ako no'n ay iiyak lang siya." He replied. Nilapitan nito si Atarah at hinalikan siya sa kanyang noo. "Get inside. Babalik na lang ako bukas." Dagdag saad nito. Tumango naman ito sa kanya.

"Ingat ka." Tsaka ito ngumiti ulit. Sinundan na lang nito ng tingin ang lalaki nang pumasok ito sa kotse at pinaharurot na iyon paalis.

When the car is already out of her sight, tsaka ito pumasok sa loob. Gaya ng sabi ng lalaki sa kanya, pinatulog na lang niya si baby TJ nang maaga.

"I wanted to stick with the blue and white motif. Simple lang sana." Atarah stated while talking with the event organizers.

Dalawang buwan ang nakalilipas simula nung mapabinyagan ito, ngayon naman ay ang first birthday nito ang pinagkakaabalahan nila.

They discussed about every single detail of the event. Ang iba ay sinasang-ayunan nito, ang iba ay hindi. She also suggests some ideas. Kasama nito ang kanyang magulang and to be honest, ito tuloy ang sumasalungat sa mga gusto niya dahil gusto ng mga itong gawing engrande ang party.

But of course, si Atarah ang nasunod. Ayaw kasi nito ng engrandeng selebrasyon. She wanted a simple and common birthday party celebration though it has a slight touch of being grand dahil na rin sa parents niya besides they will be expecting for a huge number of visitors. In the end, pumayag na rin si Atarah.

Kahit na ano basta ang gusto niya ay iyong may paparlor games and stuffs. Iyong Perfect Photo Print studio pa rin naman ang nag-organize ng party gaya nung christening ng anak nito.

When Heart DecidesWhere stories live. Discover now