"Alam niyo, dapat may nagko-cover na diyan eh!", banggit ni Janice

"Oo nga!", sabi ni Vince

"In-assign na iyon ni Manager kay Jaynel dati eh!", banggit ni Rhyna habang tinutulungang linisin ang mukha ni Rubie sa mga luha at nasayang na make-up

"Eh, nasaan na nga ba si Jaynel?", tanong ni Janice

ABSENT PA RIN!!!

Ang biglang sagot ng iba pang mga staffs doon na kanina pa naririnig ang ingay na ginagawa ng mga magkakaibigan.

Nagulat din ang manager sa narinig pagkalabas ng opisina kasama ang isang kliyente.

Tumingin ang manager sa lahat at bumalik sa normal ang mga nagtatrabaho. Sa dali-dali ay wala nang ibang nasabing reply si Janice sa sariling katanungan kung hindi...

"Ah, okay!"

Matingkad na ang mga pirasong buhok. Bawat hibla ay pawang may mga istoryang kailangang ipaalam kay Ma'am Charo na bumubuo ng kanyang pagkatao. Mga puting buhok na nagpapaalala na ang buhay ay weather weather lang.

Weather she like it or not, senior citizen na nga talaga siya.

Ngunit gaya ng ibang mga librong nababasa ng madlang people, hindi hadlang ang katandaan para ang isang nilalang ay lumigaya. 

Tuwing umaga ay nakagawian na ng Lola ni Janice ang pag-iwan ng secondhand na wheel chair na nabili pa sa Raon upang magdilig ng mga halamang bulaklakin sa bakuran at  makapag-inat inat ng buto. Pagkatapos tanggalan ng mga nabubulok na dahon at damo ay kakausapin niya ang mga ito na parang mga tao.

Sa katunayan, may isang orchid doon na ang bulaklak ay kulay asul na dilaw ang pollen na pinangalanan niyang  'Binay' dahil maiitim ang dahon nito. Kakantahan niya rin ito ng mga kundiman at minsan ay may kasamang rap mula sa napapanuod niyang mga reality at entertainment shows sa telebisyon.

Isang araw pa ay napansin ni Leo galing sa eskuwela na sumasayaw pa ang lola ng 'Cramping' para orasyon ng pamumulaklak sa mga naturang halaman. Matanda man, nasa puso ng lola ang pagiging in sa mga kabataan ngayon.

Pagkauwi ng guwapong apo ay sumabay na rin siyang maghapunan sa hapagkainan pagkatapos ay nilinis ang pustiso at nilagay sa isang babasaging baso na may tubig at itinago sa ref.

Suot ang kanyang maluwag na duster ay dumiretso na siya sa kanyang tulugan habang iniwang naghuhugas ng mga pinggan ang apo. Sa kuwarto ng matanda ay makikita ang isang stand fan na nakatutok sa kanya. Naroroon din ang mga litratong nakakuwadrado ng kanyang pagkadalaga at iba pang mga larawan ng kanyang binuong pamilya.

Itinago rin ni Janice ang isang sirang computer na Pentium pa sa kalumaan kaya't binalutan na lamang ng plastik upang mai-preserba pa rin at maging remembrance ng pag-aaral ng dalaga. Simula noong namatay ang nanay ni Janice at iniwan ng dito si Leo ng kanyang ina ay anak na ang itinuring niya sa kanyang dalawang apo.

Sa drawer malapit sa mga unan ng pagtulog ay nakahanay ang mga santo at rosaryo na ginagamit ng lola sa mga pagdarasal. Inayos niya ang katre at dahan-dahang humiga.

Ilang sandali pa'y papasok sa kanyang kuwarto si Janice galing sa trabaho.

"Nandito na po ako lola!", wika ni Janice na nagbibihis ng damit , "Pasensiya na po at sinamahan ko lang sina Rubie sa carinderia malapit sa palengke... problemado kasi eh!"

Tuloy na nagsalita si Janice habang pinagmamasdang maigi ng matanda ang mukha ng babaeng apo, "Mabuti at sumabay na kayo kay Leo sa pagkain", tatabi sa lola at mapapansin ang pagkatulala nito

"La, okay lang po ba kayo?", tanong ni Janice habang yinayakap ang lola. Inihiga ni Janice ang kanyang ulo sa dibdib ng lola at pinakinggan ito

"Alam mo anak, kamukhang kamukha mo ang mama mo. Ang sipag din noon mag-aral, magtrabaho at hilig din magsalita!", habang hinihimas ang ulo ni Janice ay nagtaka naman ito sa lola

"Bakit po 'la? Bungangera ba ng tingin mo sa akin?"

"Hindi, Julia!"

"Julia? 'la, Janice po!"

"Ay! Sensiya na Gelli! Este, Janice nga pala anu! Matanda na kasi ang lola eh!", sabay ihip ng bangs si Janice, "Maiba ako Janice"

"Ano po iyon 'la?"

"Bakit ayaw mo pa ring mag-asawa? Maganda ka naman, may kissable lips, kulay asul ang mata, smiling face, pang-supermodel ang katawan at..."

Ididikit ni Janice ang dalawang daliri sa labi ng lola upang ito ay hindi na makapagsalita,
"Lola tama na! hindi na makatotohanan ang sinasabi niyo eh, kahit kailan palabiro talaga kayo..."

"Hehe... pinapatawa lang kita 'nak, alam kong masyado kang napagod sa trabaho mo eh", babalik sa pinag-uusapan at isasandal uli ni Janice ang ulo sa dibdib ng lola

"Pero seryoso anak, Lampas beynte nuwebe ka na... Mabait at matalino! wala pa rin bang nanliligaw sa iyo?"

"Lola, mas importante pa rin kayo sa akin siyempre..."

"Eh ganun na nga, bago pa man ako maglaho sa mundong ito ay sana magka-apo ako sa iyo"

"Nandiyan naman po si Leo, Aalalayan kayo niyan!", banggit ni Janice, "Tsaka puro malas naman kasi ang nangyayari bawat taon sa akin..."

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now