I laughed. "Last naman nang paglalasing 'to, 'wag niyo na akong pigilan."

Sumama ang itsura niya sa sinabi ko. "Grabe naman 'yung last."

I laughed. "Siyempre, gusto mo ba ulit magpaka-lasing ako?" natatawa kong sagot. "Last ko nang pagla-lasing pero siyempre lagi pa rin naman akong sasama sa inyo tuwing may get together na ganito, 'no. Basta sabihan niyo lang ako."

Nang mabusog na ng manok at pasta ang mga tiyan namin ay nagsimula nang umikot ang bote na may alak.

Since hindi pa naman ako tinatamaan ng alak ay nag-browse muna ako nang nag-browse sa newsfeed. Halos paulit-ulit na lang talaga ang mga nakikita natin sa social media. Minsan, nakakasawa na.

Ilo-lock ko na sana ang cellphone ko at ibabalik na sa bulsa ko nang tumunog ang Messenger ko. Nag-pop up ang chathead ni Gian, at kinabahan ako sa hindi ko alam na dahilan.

Nang buksan ko ito ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang mabasa ang nakasulat.

Gian cleared your nickname.

Gian changed the chat colors.

Gian set the emoji to like.

Nanginginig ang mga kamay ko sa nakita ko. Hindi ko man lang napansin na napindot ko pala ang like na iyon sa sobrang panginginig ng kamay ko.

Alam ko naman na wala na dapat akong reaksiyon, eh. Alam ko naman na ngayon, wala na dapat 'to... pero ang sakit. Bakit ang sakit? Sobrang sakit na pakiramdam ko, inalis na rin niya ako sa buhay niya?

Ang babaw lang pero bakit sobrang laki ng epekto sa akin?

Ang liit na bagay lang pero bakit parang... parang napakasakit?

Gusto kong umiyak pero para saan pa ba? Hindi ba't nalinaw ko na kay Gian na wala na? Na hinahayaan ko na siya sa lahat? I already told him that I am finally, truly, letting him go. But why are these feelings doesn't get any better? Bakit nasasaktan pa rin?

"Oh, tama na..."

Tumingin ako sa katabi kong si Trevor na nakatingin sa kamay kong nanginginig na may hawak na cellphone.

"L-Last naman na...h-hindi pa rin ba puwede?" pigil na pigil ang mga luha ko sa paglabas mula sa mga mata, at sunud-sunod na buntonghininga na ang pinakawalan ko. "Hanggang dito ba...w-wala pa rin akong karapatan?"

Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang sinasabi ko ang lahat ng iyon.

Kinuha niya ang cellphone ko at binlock niya sa Messenger si Gian. Hindi na ako maka-alma. Parang gusto kong hayaan na lang sila sa lahat ng gusto nilang gawin sa akin.

Nanginginig pa rin ako.

"Pare, pakilagay nga 'yung putanginang kanta d'yan sa isang daang tula na pelikula," rinig kong sigaw ni Trevor.

Lumingon siya sa akin at umakbay. "Sige na, iinom mo na ang lahat ngayong gabi. Magwala ka kung kinakailangan. Umiyak, o kung ano pa. Pero ipangako mong last na 'to, at hinding-hindi na mauulit."

Tumango ako sa kaniya bilang pagtugon.

Kumanta sila nang kumanta, at hinayaan nila akong uminom nang uminom sa kung gaano karaming alak ang gusto kong inumin, pero kinailangan kong mangako sa kanila na ito na ang huli...na sa susunod ay dapat, okay na ako, dahil kung hindi, magagalit sila sa akin.

"It's how you used to say, I love you, and I miss you..."

Trevor started singing again. 'Yung kanta na ni- request niya kanina.

"It's how you pretend to love me then..."

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa akin habang nakangisi at kumakanta. Gusto ko sana siyang irapan, pero natatakot akong baka bigla akong mahilo kaya tiningnan ko na lang siya nang masama.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now