"Pero kasi, 'yung ano, 'yung mga tanong mo, sorry kung hindi ko masagot."

Ito na...

Ito na ba 'yung hinihintay ko?

Pero handa ba ako sa mga malalaman ko?

"Ahh, 'yun ba? Naku, 'wag mo nang isipin 'yon, Gian. Wala 'yon. May mga bagay talaga tayong nasasabi kapag lasing na hindi talaga tayo aware." I laughed awkwardly. "'Wag mo nang isipin, Gian. Okay na 'yon. Sapat na 'yong mga sinabi mo para malinawan ako. And I swear, I am fine."

He smiled. "Gusto ko pa rin sabihin sa 'yo."

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at nagbuga ng malalim na buntonghininga.

"Uy, ano ka ba? 'Wag na." I chuckled. "'Wag na, okay na talaga, I swear. You don't have to feel burden kasi sobrang okay na ako. Look at me."

He stared at my face, with the looks of not believing me.

"Mary..."

"Gian, okay na talaga ako, huwag mo naman nang guluhin," I calmly said then chuckled as I almost begged for him to stop. "Tama na, okay? I am really fine, I swear, kahit kainin pa ako ng lupa at mamatay na ngayon."

"Mary naman..."

"Gian kasi, 'wag ka nang makulit!" I desperately said, because I couldn't take it anymore. "'Wag ka nang magsalita sa akin. I don't need any reasons and explanation anymore kasi wala na. It's been three months since you left without a word, akala mo ba hindi pa rin ako magiging okay by this time? Wala naman tayong relasiyon. Wala akong pinang- hahawakan sa 'yo. Ako ang pumili ng mayroon tayo noon, eh. Everything is to blame on me. It's my fault that I was hurt—before. But look at me now, I am better than the days you were with me."

I almost cried as I almost begged for him not to say his reasons. Ganoon pala, kahit na gustong-gusto mo ng sagot at rason, once kusa nang ibinibigay sa 'yo, doon mo mare-realize na hindi ka handa sa maririnig mo, at ayaw mo nang malaman pa, kasi alam mong mas mawawasak ka pa. Na...kung wasak ka ngayon, mas mawawasak ka pa sa mga maririnig mo.

So to protect myself, I'd rather not hear his answers. To protect myself from further pain, I guess it should be better to not know anything, tutal, tapos naman na. Wala naman nang babalik, babalikan, at wala na rin akong balak nang bumalik pa sa kan'ya...kahit na anong mangyari, wala na talaga.

This is the least thing I can do for myself.

"Gian, I am really okay, believe me. Magkaibigan lang naman tayo from the very start. We never have something that other people have. And that's okay; even better because you can leave any time you want. We were friends; and we're still friends for me. Nothing has changed. Sa ngayon kasi, hindi ko na talaga kailangan 'yung mga salita, rason, 'yung eksplanasiyon mo, kasi okay na talaga ako. Alam kong paulit-ulit na ako sa sinasabi ko, pero gusto ko kasi talagang maniwala ka na okay na ako."

Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon ay nakita ko kung paano kuminang ang mga mata niya na para bang nangilid rin ang mga luha niya. Yumuko siya at tumalikod sa akin. Nakita ko ang sunud-sunod na paggalaw ng mga balikat niya na parang humuhugot ng sunud-sunod na pagbuntonghininga, tsaka humarap ulit sa akin nang may mas mapula pang mata.

I looked away as I gulped, before looking at him again.

"Gian, you don't have to feel burden. You don't have to worry about how I feel anymore. Sinasabi ko lahat ng ito sa 'yo ngayon kasi gusto kong sumaya ka nang hindi iniisip na may nasaktan kang tao. Ayokong isipin mo ako. Ayokong maawa ka sa akin dahil sa nangyari, kasi, choice ko rin 'yon, eh. And that's why here I am, letting you go."

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now